1ST.ONE - 145.

8 1 0
                                    

1ST.ONE - 145.

"Ano?!" Tumaas ang boses ni Jayson dahil sa narinig. "Sino ang may kasalanan sa inyong dalawa?"

"Why so sudden?" tanong ni Minje. "Is it your final decision?"

"Umuwi na ba si Jia?" Iyon ang naging tugon ni Ace makalipas ang ilang sandaling pananahimik. "Nanggaling ako sa entertainment."

"Ano, sumugod ka?" tanong ni Jayson. "Dumaan si Daehwa kanina at nakwento niya kung ano ang nangyari."

"Hindi. Nakipag-usap lang ako ng maayos. Hinayaan nilang si Jia ang maghanap ng magiging bagong manager natin bago siya pumirma ng kontrata na nagpapawalang-bisa sa kaniyang koneksyon sa entertainment. Pumirma din pala ai Minje sa kontratang iyon noon pa."

"Hiwalay ang trabaho sa relasyon ninyo." Napalingon sina Ace at Jayson dahil sa sinabing iyon ni Minje. "Anong nangyari? You'll let your relationship be affected by this?"

"Matagal nang naapektuhan ang relasyon namin." Bumuntong-hininga si Ace. "Umpisa pa lang, apektado na. Sa ngayon, pinapalaya ko siya. Babalik pa din siya sa'kin. Kailangan kong bigyan ng space si Jia dahil kailangan niya 'yon. Tama siya e, pinaglaruan siya ng tadhana. Ayokong maging mapilit kaya nagdesisyon ako para sa'ming dalawa."

"Hindi ka ba nasasaktan?" Inabutan siya ni Jayson ng bote ng soju. "Baka gusto mo?"

"Akina." Kaagad niya iyong nilagok at nagsalita. "Kung alam mo lang Jayson, pinigilan kong umiyak kanina sa harap ng kapatid mo. Ang sakit. Ang sakit makitang umiiyak siya dahil sa desisyon kong 'yon. Pero kailangan kong gawin 'yon, it's better in this way."

"Hmm, ano ng balak mo ngayon? Anong balak mo bukas? Sa susunod na mga araw?"

"Magpapatuloy sa mga dapat kong gawin. Kung baga, nag-cool off kami ni Jia. Ayokong magpaapekto masyado sa sakit dahil temporary lang 'to." Muli siyang lumagok ng alak at nagsimulang lumuha. "G-Gago. Kung alam ko lang sana na gagawin nila 'yon sa kaniya, sana m-mas n-nagawan ko ng paraan. S-Sana mas makakasama ko siya ng matagal."

"You'll let him be drunk?" Nilingon ni Minje si Jayson.

"Let him be." Ngumiwi si Jayson. "Kung gusto mo, sabayan mo. Matutulog na ako."

"Bring a case here before you go upstairs." Namulsa si Minje at nauna ng maglakad paakyat sa hagdanan. "Good night."

Tahimik na dumiretso sa kusina ai Jayson at binuksan ang refrigerator. Ilang sandali pa ay bumalik siya sa kinaroroonan ni Ace ar ibinaba ang isang case ng soju.

"Hindi mo ba ako sasamahan?" Nag-angat ng tingin si Ace sa kaibigan habang binuksan ang isang bote. "Uubusin ko 'tong lahat?"

"Kaya mo naman, hindi ba?" Nginiwian siya nito. "Matutulog na ako. May date kami ni Venus bukas."

"Gano'n? Siya, sige." Lumaylay ang balikat niya at ngumiti. "Sige na, ako na lang dito."

"Gusto kong malaman mo na hindi pa umuuwi si Jia. Ang sabi ni Daehwa, nando'n siya sa bahay niya. Hintayin mong umuwi dito."

Tumalikod si Jayson at mag-isang naiwan sa living area si Ace. Maliwanag sa gawi ng dining area hanggang sa kusina dahil sa malaking ilaw na napaliligiran ng chandelier. Habang nakaupo sa pang-isahang sofa ay napasandal ang binata habang nalagok ng alak. Hindi niya magawang pigilan ang kaniyang luha. Nagsimulang mabasa ang kabuuan ng Kaniyang mukha dahil sa nabuhusan iyon habang nainom.

'Hindi ako sanay na malayo siya sa'kin pero ilang beses na 'yong nangyayari. Ngayon na pinalaya ko siya, lalo akong nasasaktan. Hindi lang siya ang pinaglaruan ng tadhana, ako din. Pareho tayong pinaglaruan, Jia.'

One Series: The Hope (1st One + Gift)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant