🔰 SIMULA 🔰🔞

0 0 0
                                    

Myrill's pov......






Masayang kinuha ko ang bawat sangkap sa mga order Ng heartrob at isa sa pinaka mayaman sa city namin. Isa akong independent woman- . Basta solong kayod ako, bata palang nong namatay ang ama ko dahil sa gyera, iss syang sundalo. Si mama naman ay may sariling pamilya at mula nong 8 years old ako ay wala na itong pakelam sakin, basta nalang ako nitong ibinigay sa orphanage na para bang isa lamang akong bagay. May dalawa akong kuya at pareho silang hindi ko alam kong nasaan na, nong iniwan ako ni mama sa orphanage ay yun nadin ang huling beses na nakita ko ang dalawa kong kuya. Noong mag 18 ako ay tuloyan na akong naka alis mg orphanage, rules kasi yun na kapag umabot na sa tamang edad ay hahayaan na ito ng mga madre na mamuhay mag isa. Ngayon ay 27 na ako at 9 years narin akong nabubuhay ng ako lang. Sa maliit na apartment ako naka tira sa Naga city, 500 a month ang renta ko, kasama na ang tubig at kuryente. Buti at naawa sakin ang landlord kaya imbes na 1000 ay kalahati lang ang pinapabayad saakin.

Graduating ako ng college sa kursong BS. Educ. Medjo na late ako pero ok lang yan ang mahalaga ay makapag tapos parin. Studyante ako sa umaga at Waitress naman sa M-Plaza tuwing gabi. Kapag walang pasok ng umaga ay nag eextra ako sa Mansyon ng mga iskender bilang labandera at tiga luto. Mababait ang mga amo ko sa mansyon na iyon na parehong matanda at may mga magagandang lahi, mayaman din ang pamilyang iyon at sa pagkaka alam ko ay may nag iisa silang anak na nasa Turkey At doon nag-e-stay dahil naroon ang pinaka main branch ng kanilang kompya.

After kong ma check lahat ng ingredients para sa Sisig, Adobo, menudo, Pasta, Steak, Ay nag tunggo naman ako sa mga stall ng alak. Hinanap ko iyong red wine at kumuha ng lima. Grabi ang mamahal ng mga ito pero kere lang, doble naman yung kikitain ko dito eh.

So ayun nga kung nag tataka kayo bakit andami kong binibili at ibat-ibang putahe ay nagpapa order ako ng ibat-ibang klasse ng pagkain. Ilang months ko palang itong nasimulan at talagang nasimot ako, as in nasimot talaga. Pati mga ipon ko sa drawer at alkansya na para sa last semester ng pag aaral ko ay nagalaw kuna. May one and a half month pa ako para maka bawi bago mag pasukan. Kayang kaya to, ito panga lang malakihang order Ni Fafa heartrob ay tyak na bawing-bawi na ako sa tobo at sobra pa.

Ng ma check kuna lahat, mga ingredients, wine, paper Plates, Plastic, mga kailanggan sa pang cater ay nag tunggo ako sa May cashier at tulak ang dalawang cart na punong puno ng ibat-ibang uri ng ingredients.

"17, 869.50 po lahat Ma'am" masayang saad ng cashier. Abala sa pag balot nman iyong kasama nya

Kinuha ko ang wallet ko at binuksan ito. Bale 20k itong narito, kinuha ko ang 18k at ibinigay iyon sa cashier. Ito na yung last Money ko, said na talaga ako. But syempre no worries kasi next day ay kikita ako ng doble at malaki.

Ihhhh I'm super egzoited na!

Last kwenta ko ay pweding 30 to 34k ang kikitain ko, ihhh kinikilig em.

Nag pa tulong pa'ko sa dalawang staff ng puregold para mag buhat ng mga box at nagpa hatid sa parking lot. Yeah tama kayo ng iniisip, may sasakyan talaga ako - a brand new ferrari- choss. Isang sidecar lang to. Yung single na motor kung Rusi ay pina lagyan ko ng sidecar para naman may service ako twing mamamalengke

"Salamat po mga kuyang pogi!" Ngumiti pa ako ng malaki at nag flying kiss pa sakanila. Ngumiti naman sila sakin at parehong sinalo iyong tinapon kong flying kiss.

Ng mailock ko ang pinto ng sidecar ay mabilis kong sinalpak ang susi nito at mabilis na pina alis sa Parking. Mga isang oras ang byahe pauwi samin galing dito sa market. Yun ay kung hindi traffic.

Mabilis lang naman akong naka uwi at excited na pinasok ang mga pinamili sa loob. May lumang ref naman ako rito na bigay ni Aling Fee. Ang mama ni Ryan na kaibigan ko rin at isa ring katulad kong Working student.




Mckentzy  ( GVS#4 )Where stories live. Discover now