Teaser

20 2 0
                                    

Nasa harapan ako ng aming bahay nang bigla akong makarinig ng sigaw mula sa loob ng aming bahay. Dali-dali akong tumakbo sa loob ng aming bahay upang alamin kung anong nangyayari. pagbukas ko ng pinto nagulantang ako sa aking nakita. Tumambad sa aking harapan ang nakahandusay na bangkay ng aking Papa at aking Tiyuhin na may hawak na patalim at akmang sasaksakin ang aking Mama.


"HUWAG!!!!!!!!" sigaw ko ngunit huli na ang lahat sapagkat ang aking Mama ay nasaksak na sa gawing puso at tuluyang binawian ng buhay.


Papalit na sa akin ang aking Uncle. Nanginginig ang buo kong katawan. Gusto kong tumakbo papalayo dito at humingi ng tulong ngunit ayaw makisama an aking mga paa. Tila sila'y nakadikit na permanente na walang anumang bagay na makapagaalis dito.


Habang papalapit nang papalapit ang aking Uncle namamawis na ang buo kong katawan. Nasa harapan ko na siya. Itinaas na niya ang kanyang mga kamay na may hawak na patalim.


"Ahhhh——-"


Napahinga ako ng malalim ng magising ako sa napakasamang panaginip.






———-


Freed

Written by japokssss

FreedWhere stories live. Discover now