Chapter 11: Duke August

134 5 2
                                    

~
Kinabukasan...
Nandito ako ngayon sa hardin ng palasyo, naglakad-lakad mag-isa. Tapos ko na lahat ng trabaho ko kaya naisipan kong pumunta rito sa garden park para magliwaliw at pagmasdan ang magandang kapaligiran.

Habang naglalakad may namataan nalang akong isang tao, si Duke August. Nasa ilalim siya ng puno at umiinom ng tsaa. Naka upo ito at naka tingin sa malayo na pinagmamasdan ang lawa. Pagkatapos niya uminom ay ipinatong na niya ito sa pabilog na mesa. Sa pabilog na mesang iyon may mga cookies, cupcake, at cake. Parang naka afternoon tea siya ngayon. Mag-isa lang siya at walang kasama.

Hanggang sa hindi ko namalayan na napa tingin siya sa akin. Ngumiti ito at tinawag ako. Napa turo tuloy ako sa sarili ko. Tumango siya kaya lumapit na ako, baka kase may kailangan. Wala pa namang maid sa paligid.

"May kailangan po kayo, your grace?"
Tanong ko sa kaniya ng makalapit na ako. Umiling siya at ngumiti. Tumayo ito at in-offer sa akin ang isang upuan.

"Seat here, i need someone to talk. You don't mind, right?"
Tanong niya sa akin, nahihiya naman akong tumango at umupo sa upuan na in-offer niya sa akin. Nang maka upo ako ay bumalik na siya sa kaniyang upuan.

"Join me for afternoon tea. Just take what you want to eat, don't be shy. There is no one else here but you and me."
Sabi niya sa akin.

"Pero—"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"Please, I insist."
Sincere niyang sabi kaya wala na akong nagawa at tumingin nalang sa mesa. Nahihiya akong kumain hindi ko alam ang itiquette, baka mabastos ang Duke.

Napansin niyang conscious ako kaya ibinaba niya ang tsaang iniinom niya.

"It's okay, hindi mo kailangan maging formal, eat as you like. I won't judge you."
Sabi niya sa akin at sinalinan pa nga ang tasa ko ng tsaa na nasa harapan ko.

"Your grace, Mali po ata'ng sumabay ako sa inyo. Baka may makakita sa inyo na may kasabay kayo na isang commoner na tulad ko. Baka mag iba ang tingin ng mga maharlika sa'yo."
Sabi ko sa kaniya.

"Don't think about anything, and just eat with me. I don't care about what they say."
Sabi niya sa akin. Hindi na lamang ako umangal pa at nanahimik na lamang na nahihiyang sinabayan siya.

Ilang sandali ng katahimikan sa pagitan namin ay nagsalita si Duke August.

"Astrid, I have something to tell you. I'm not only here to watch over my sister, I'm also here to see you too."
Seryoso niyang sabi. Napa tingin naman ako sa kaniya at napa baba sa iniinom kung tsaa. Buti nalang hindi ako nasamid kase pa kunti-kunti lang ang lagok ko para hindi sabihin ng Duke na wala akong tamang itiquette.

"Anong ibig niyong sabihin?"
Kunot-noo kong tanong sa kaniya.

"No'ng unang makita kita, agad akong nagka interes sa'yo at first, alam ko na agad na you have a good heart. Simula no'n hindi ka na nawala sa isip ko. I want to see you again, that's why i came here."
Sabi niya sa akin. Bigla naman akong nabigla at napaiwas ng tingin sa kaniya. Hindi ko maalala na reverse harem ang novel na ito. Ano ba ang nangyayare, did i really change the story?

"I'm sorry if what I said surprised you, but I just want you to know that I'm very happy to see you again, Astrid."
Sabi niya sa akin.

"Salamat po your grace, pero hindi niyo na po kailangan sabihin lahat sa akin."
Naiilang kong sabi sa kaniya.

"But I want you to know my feelings. You don't have to answer. I just want to express it to you so you won't be surprised by my behaviour,"
Sabi niya sa akin.

"besides, this is the first time I've been interested in a woman, and that's you, Astrid."
Dagdag niya at sumipsip sa kaniyang tasa.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko nalang mawala na parang bula. This confession is making me blush. Pinakalma ko ang sarili ko, ayokong makita niya na kinikilig ako sa mga sinabi niya.

Reincarnated as a Maid who killed the PrincessWhere stories live. Discover now