Chapter 60

34 2 0
                                    

Callista's POV

Matapos akong tawagan ni Malian ay kaagad akong dumeretyo sa Club. Mula palang sa Pinto ay Bumungad na saakin si Valdimir subalit pinili ko na lamang na Huwag siyang pansinin. Malayo palang ay natanaw ko na kaagad sina Malian at Hailey.

"Hailey..". Pagtawag ko sa kaniya dahilan para mag angat siya ng Tingin. Halatang lasing na lasing na si Hailey dahil Halos Hinde Niya na maimulat Ang Mata sa kalasingan. Inis Kong Nilingon si Malian.

"It's not my Fault, Okay.. Pag dating ko palang dito Lasing na yan". Taas kamay na Anas ni Malian.

Nasapo ko Ang Ulo ko Bago inalalayan si Hailey. "Umuwe na tayo" .

"No!". Mariing pagtanggi niya Bago akmang iinom ulit ng alak ng agawin ko iyon sa kaniya. "Give it back!.. I said give it back!".

Kahit pa gaano Ang pagpipilit ni Hailey ay Hindi ko na iyon Bibigay sa kaniya. Bagkus ay Tinungga ko iyon at inubos. Tinitigan lang ako ni Hailey Bago Siya Huminga ng malalim.

"Tell me Callista.. How is it? Anong Pakiramdam nang Luhudan ni Eros at isayaw sa harap ng Maraming Tao? Anong Pakiramdam na bigyan Niya ng bulaklak? What is it feel huh?! Masaya Kaba!?". May bahid na Galit nitong sabi.

"Ayan bang dahilan ng paglalasing mo, Hailey!? Napaka babaw mo naman. Baka nakakalimutan mong Ikaw Ang may kagustuhan nito!". Naiinis naring asik ko Kay Hailey dahilan upang Bahagya ko siyang pagtaasan ng Boses. Sandali siyang natigilan Bago Agad na natauhan.

"I-Im sorry Callista.. I didn't mean to say that. Nadala lang ako ng Imosyon ko. Aaminin ko na Nagselos ako ng Makita ko Yung Efforts ni Eros sayo. Nasaktan ako na Makita siyang ganun kasaya sa Piling mo. Never Kasi siyang Naging Ganun saakin dati". Mahinang Anas ni Hailey habang pinipigilan Ang Kaniyang Mga Luha. "Tama ka Naman e.. Plano Kong lahat ito. Sadyang Hindi ko lang mapigilang Makaramdam ng Inget".

Tinignan ko lang Si Hailey at pinanood habang marahan Niyang Pinupunasan Ang Mga Luha niya.

"Tell me Callista.. Wala Naman akong dapat Ipag selos Hinde ba?.. Wala Naman akong dapat Ipag alala k-kasi.. Kasi Hindi mo Naman gusto si Eros, Diba?".

Matagal akong Hinde nakasagot sa tanong na iyon ni Hailey. Mariin ko lang siyang tinitigan dahil sa Mga Oras na ito ay alam Kong sasalungat Ang Bibig ko sa totoong nararamdaman ng Puso ko.

"Callista..?". Halos pabulong na pagtawag ni Hailey sa akin. Mariin Kong naikuyom Ang Kamao ko.

"Tama ka.. Wala akong nararamdaman para Kay Eros".

Kita ko nang Bahagyang makahinga ng maluwag si Hailey Bago malawak na ngumite. Nagulat nalang ako ng bigla Niya akong Yakapin.

"Sabi ko na nga ba e.. Mali si Hunter! Alam Kong Hinde mo magagawa Yun sakin Calli.. maraming Salamat". Masayang aniya.

Mariin akong napalunok Bago dumapo Ang paningin ko Kay Malian. Mariin siyang nakatitig saakin na animoy nababasa na nito Ang Nasa isipan ko. Dahil dun ay kaagad Kong Inilihis Ang paningin ko.

"Tapos na Ang Deal Tama ba? Magpapalit na Tayo Hinde ba?". Agad na tanong ko Kay Hailey ng Tuluyan siyang Bumitaw sa pagyayakap saakin.

"Isang Linggo pa Callista Bago matapos Ang Tatlong Buwan. Sa Isang Linggong iyun nang pagsasama nyo ni Eros Gusto Kong makasigurado na totoo siya sa nararamdaman niya. Sa Oras na makumpirma ko Ang Feelings ni Eros ay Doon na Tayo mag papalit".

Nangunot Ang Noo ko. Mayroon saakin na Gustong Tumanggi subalit lamang Ang kagustuhan Kong makasama pa si Eros kahit sa Loob ng Isang linggo na lamang.

"P-pero..".

"Please Callista..I Promise that this is the last time na hihinge ako ng pabor sayo. After this Week Tapos narin Ang kasunduan natin". Sinserong Anas ni Hailey.

Mariin ko siyang tinitigan. Hindi ko alam Kung Tama pa bang Manatili Ako sa Tabi ni Eros Kahit sa Loob ng maikling panahon Kung ngayon palang ay alam ko na sa sarili ko Ang kahihinatnan nito.

'Ayoko nang ituloy ito Hindi dahil gusto ko nang Bumalik sa totoong Buhay ko bilang si Callista. Ayoko nang ituloy Ang pagpapanggap na ito dahil baka Hindi ko na gustuhin pang Lumayo Kay Eros sa Oras na Tuluyang matapos Ang kasunduang ito. Mali Mang hingiin pero.. Sana Ako nalang Ikaw, Hailey. Sana Ako nalang talaga Ikaw'.

Pretending to be my Twin Sister (PTTS) SEASON 1Where stories live. Discover now