Let's Date

748 36 91
                                    

STELL'S POV

"Ano nanamang plano mo at nananahimik ka dyan?" Tanong sakin ni Ken ng lapitan ako nito.

"Panong di ako mananahimik eh inaaway nyo ko." I crossed my arms and glared at him.

"Wag ka nang magpacute dyan. Di ka cute." Sabi nito, nagulat ako dahil medyo malakas ang pagkasabi nya. Maslalo tuloy akong napasimangot.

"Sige na, payag na ko. Let's Date na." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Ken. Wala naman kaming usapan na ganon ah.

Meron ba?

"Bakit naman kayo mag de-date?" Biglang sabat ni Pablo. Nasa likod na agad ito ni Ken.

"Eh kasi gusto daw nyang kumain ng ramen nong nakaraan. Di ko napagbigyan kasi may gagawin ako." Sagot nito kay Pablo. Saka bumaling ulit sa akin. "Sige na. Wag ka nang magtampo. Magde-date na tayo." Hinawakan pa ni Ken ang kamay ko para convincing.

Nakita kong tumaas ang isang kilay ni Pablo kaya naman sinakyan ko na yung sinasabi ni Ken.

May silbi rin pala tong si Ken eh.

Bakit kaya bigla tong nag aya?

"Tara na Pau, alis na tayo." Tawag ni Justin kay Pablo. Ako naman ang napataas ang kilay sa kanila.

Wait?

Magde-date din sila?

"San kayo pupunta?" Agad na tanong ko.

Kay Justin ako nakatingin. Bakit hindi ko alam to?

"Niyaya kasi ako ni Pablo'ng kumain sa labas. Gusto daw nyang mag shabu shabu. Eh wala naman akong gagawin. Kaya for the go ako." Sagot ni Jah.

What the Fuck?

Kaya naman pala biglang may paganto si Ken.

No, bakit si Justin ang niyaya mo Pablo 😭.

Why not me?

Alam mo naman kahit saan ay handa kitang samahan.

Bakit si Jah. 😭

"Join na kayo samin. Gagala rin naman kayo." Aya ni Pablo samin saka ngumiti ng matamis.

"Ikaw Stell, gusto mo ba sumama sa kanila?" Tanong sakin ni Ken.

Ayaw ko sanang pumayag kasi baka di ko mapigilan ang sarili kong magselos pagnakita kong sweet si Jah at Pablo.

Kaso pag di naman ako sumama, baka mamatay naman ako sa kakaover think kung anong ginagawa sila. 😭

"Sige, sama na lang kami." Matamlay na sabi ko.

"Good, let's go." Aya ni Pablo.

"Sunod kami ni Stell, ayusin lang namin yung gamit namin." Sagot ni Ken sa kanya.

Pinisil ni Ken yung kamay ko kaya napatingin ako sa kamay namin. Si Ken lang pala ang nakahawak kaya humawak na rin ako dahil napansin kong masama ang tingin ni Pablo dito.

"Sige na Pau, mauna na kayo. Send nyo na lang samin if san kayo kakain para makasunod kami." Sabi ko.

"Sige." Malamig na sabi nito.

Bat parang galit sya?

Nang papaalis na si Jah at Pablo ay parang gusto kong maiyak sa eksenang nakita ko.

Pinagdala kasi ni Pablo si Jah ng gamit. 😭

Never nyang ginawa sakin yun, except kung utusan ko sya. ☹️

Hindi Naman Masaket 🤪Where stories live. Discover now