Kabanata 35

34 4 0
                                    

Penthouse


"Z? X? Bar tayo?" untag ni Y habang kumakain sila ng dinner na pina-deliver nila sa penthouse na binili ni Nana at Papá para sa kanya. Sa parehong building pa rin ito ng condo niya at ng condo ni Grey.

Nung malaman ng abuelo at abuela niya na hindi naman siya madalas umuwi sa condo niya dahil madalas siyang mag-stay sa condo ni X ay 'di nagdalawang-isip ang mga ito na bilhin ang penthouse sa top floor nitong 31st Avenue Tower.

Sa loob ng kanyang penthouse ay may apat na kwarto. Ang master's bedroom na inookupa niya, at ang dalawang bedrooms na inookupa naman nina X at Y ay naka-locate sa upper floor, habang ang isa namang kwarto na located sa lower floor ang magsisilbi nilang guest room.

She couldn't help but be amazed by the immense size of her luxurious penthouse, with its spacious living room, expansive kitchen, grand dining table, and the added bonus of a small indoor pool.

The feeling was so surreal that she couldn’t help but think she was in the middle of a dream.

"After dinner?" asked X.

Tumango si Y. "I-celebrate natin ang bagong penthouse ni Z!" masiglang sabi nito saka kinalansing ang hawak na kubyertos.

Kaya gan'on nga ang ginawa nila. After dinner ay dumiretso sila sa Above Rooftop kung saan sila unang nagkakilala na tatlo.

It feels nostalgic being here.

Lalo na ngayong ni-rehire ni Zyen si Zeke para bantayan siya ulit.

Palihim niyang inirapan ito na nakapwesto isang table lang mula sa kanila.

Wala naman itong naging reaksyon. Very in character pa rin talaga ang mokong, pero sigurado siyang nakita nito ang pag-irap na ginawa niya.

Inilapag ng waiter ang in-order niyang virgin frozen margarita, because apparently, hindi pa rin siya pwedeng uminom ng any alcoholic beverages dahil nagte-take pa rin siya ng antidepressants.

Habang ang dalawa naman niyang kaibigan ay dalawang bote ng absolute vodka ang in-order.

Sinalinan ni X ang tatlong shot glass sa table nila, saka ito tumayo at umupo sa tabi niya. "You know what, Z? You look really good with that fitted red dress."

She wore a rose red sling pleated bodycon dress paired with black pumps, and her long, wavy hair was in a messy topknot. And X wore a metal chain halter mini black dress that she paired with white kitten heels. Her long, straight hair was in a perky pony. While Y wore a white mesh ruched midi dress that she paired with red ankle strap sandals, her short hair was in a shaggy ponytail.

"Oo nga! Bagay sa 'yo 'yang fit na fit na dress!" Y agreed and then handed her the shot glass. "Tapos may vodka! Inuman na!" masiglang sabi nito at pinag-umpog ang kanilang mga baso.

Nailing na lang niyang inilapag sa table ang shot glass na iniabot ni Y pagkatapos nilang mag-cheers, saka niya kinuha ang mocktail na kanyang in-order.

"Inilalabas mo na naman 'yang cleavage mo para makahatak ka ng maraming followers," pansin ni Y kay X na ibinababa ng very slight ang neckline ng suot na dress bago nag-take ng selfie nito.

Sa kanilang tatlo ay si X talaga ang mahilig mag-post sa social media. Kaya kahit 'di niya sabihan sina Grey ay nalalaman ng mga ito kung nasaan sila. Kada kibot ni X ay nasa FB, IG, TikTok, at Twitter. Nakapublic pa lahat, akala mo talaga ay artista, eh. Well, she has 500K followers on Tiktok. Hindi niya rin alam kung bakit ang daming nagpa-follow, eh. Siguro bukod sa sobrang ganda at sobrang sexy nito ay isa itong Ferrer.

"Kapag inggit, pikit," maarteng sagot naman ni X at patuloy lang sa pagse-selfie.

"Hindi ko kasi dinidibdib 'yung mga problema ko kaya hindi lumaki ang boobs ko."

Enthralling Sunrise (Tangway Series #1) [Editing]Where stories live. Discover now