Chapter 2

3.6K 164 7
                                    

Papasok na sana ako sa room ko nang bigla na lang may humarang sa pintuan na isang babae. Maputi, makinis, at mukha ngang Barbie doll. Naputol ang pagtitig ko sa kanya nang magsalita siya.

''Hey nerd! Why are you here?'' Nakataas pa 'yong kilay niya. Oh, Oh. Mukhang kung gaano kaganda ang mukha niya ay kabaligtaran naman ng ugali niya.

''Hey, answer me!'' sigaw niya sabay hablot sa buhok ko. Napayuko lang ako bwisit. Sino ba 'to?

''YOU DONT WANT HUH!'' Itinaas niya ang kamay niya. Napapikit na lang ako hinihintay ang sampal niya. Napamulat ako dahil wala namang sampal na dumapo sa pisnge ko. Pag-angat ko nang tingin may pumigil pala sa kamay niya.

''Hey Cassandra! Can you stop being a bitch?" madiing sabi ni Marco. Yeah, he save me again.

''Bakit ba napakapakialamero mo Fernandez, huh?" masungit na sagot naman nitong bruhildang 'to.

''Tsk, Miss okay ka lang ba?'' tanong ni Marco tumango na lang ako. ''Thank you.'' Nasabi ko na lang sabay pasok sa room. Medyo marami rin pa lang babae sa Engineering. Umupo na lang ako sa medyo sulok. Sigurado naman akong walang makikipagkaibigan sa akin. As in yuck lang daw kung makipagkaibigan sila sa akin dahil ang pangit ko raw at mukhang mahirap.

''Oh my! Classmate natin si Sky!"

''Hinaan mo nga ang boses mo girl. Mamaya marinig ka niya. Bawal pa naman siyang tawagin sa first name niya."

Napatingin ako sa pintuan. Si Sky nga habang nakapulupot sa braso niya ang kaninang babaeng Barbie.

''Totoo kaya na sila ni Cassie?"

''Siguro at saka bagay naman sila, eh."

Napahawak ako sa puso dahil sa pagsikip nito.

Siya ba ang bagong girlfriend ni Sky? Napaiwas na lang ako ng tingin. Hindi ko naman siya masisi kung ipinagpalit na niya ako.

Dahil sa pagkatulala ko ay hindi ko na namalayan ang oras. Mabilis natapos ang klase namin dahil puro introduction pa lang naman. Mukhang next week pa talaga ang official na simula ng klase namin.

Balak ko na sana umuwi pero naisipan ko munang puntahan ang lugar kung saan kami unang nagkakilala ni Sky. Pumunta ako sa highschool department dito sa Johnson University.

Wala pang klase ang highschool kaya wala pa ni isang studyante dito. Excited kong tinahak ang mahaba-habang hagdanan hanggang sa marating ko ang rooftop.

Napangiti ako, wala pa rin pinagbago ang lugar na ito. Ang rooftop na ito ang saksi sa love story namin ni Sky.

FLASHBACK

Nakasimangot ako habang pilit sino-solve itong assignment ko sa math. Ang hirap! Bakit kasi ganito? Bakit pagbibili ka ba sa palengke tatanungin ka ba ng tindera ng solve the value of 'y'? Solve for the value of 'x'? What is the sum of x y? Hindi naman, eh! Nakakainis lang masyado pa kaming pinapahirapan. Hindi naman ito applicable sa real life scenario.

''Hay, ayaw ko na!" sigaw ko sabay tapon sa libro ko. Hindi ko talaga ito maintindihan.

Ginulo-gulo ko na lang ang buhok ko. Bakit kasi hindi ako pinagpala ng galing sa math? Unfair lang! Ipinikit ko muna ang mga mata ko. Nang bigla akong makarinig nang malakas na tawa.

''Pft! Hahaha grabe ka Star. Tinapon mo talaga iyong libro, hindi mo lang ma solve, eh.'' Napasimangot ako. Bakit sa lahat nang pwedeng makakita, siya pa?

''Eh, ano naman ngayon sa iyo, Mr. Nice?" nakataas kilay kong tanong. Pinulot niya naman ang libro ko.

''Sabihin na lang nating may pakialam ako. Because I'm your tutor," nakangisi niyang sabi.

''Tutor? Kailan pa, huh? Bakit 'di ko alam?" sarcastic kong sagot sa kanya.

''Ngayon lang. Ngayon ko lang kasi nalamang ang The Great Amber Starlet Swendy ay mahina pala sa math."

''Tsk, umalis ka na nga lang!" Pagtataboy ko sa kanya. Ngumisi lang siya at nanatili pa rin sa kinatatayuan niya.

Naiinis talaga ako sa mga taong sobrang hinahangaan ng ibang tao dahil sa perpekto sila. Like this guy infront of me Skyler Jayden Mendez. Definition of perfect guy DAW. Mabait, matalino, gentleman, sweet, gwapo, mayaman, famous, at marami pang good qualities na nasa kanya na. Naiinis talaga ako sa kanya sobra siyang purihin ng mga tao. Lalo na ng mga babae.

''Hindi pwede! Tuturuan pa kita. Sa ayaw at sa gusto mo,'' seryosong sabi niya sabay biglang upo sa tabi ko.

Napahalukipkip ako at pilit siyang tinutulak pero talagang matigas siya. Namayani ang katahimikan sa amin. Nilingon ko siya, focus na focus siyang binabasa ang libro ko.

''Eto lang pala ang dali naman.'' Edi siya na. Siya na magaling.

"Ikaw na magaling ka sa math."

"Thanks." Napakunod ko siyang nilingon dahil sa sagot niya. Ang laki-laki ng ngiti niya. Napasimangot ako lalo.

"Turuan na nga kita. Baka ma-zero ka sa quiz niyo." Lalayasan ko na sana siya pero wala naman sigurong masama kung makikinig ako sa mga ituturo niya.

Baka nga mas maintindihan ko pa siya kaysa sa teacher namin.
Tinuruan na rin niya ako. Hindi ko man maamin pero magaling talaga siyang magturo. Mas mabilis kong naintindihan.

''Oo nga, madali lang pala,'' nakangiting sabi ko.

''Ganyan ngumiti ka. Lalo kang gumaganda, Star." Pakiramdam ko pumunta lahat ng dugo ko sa mukha ko.

Hinampas ko tuloy siya. "Bolero!"

Ganyan siguro mga sinasabi niya sa mga babaeng may gusto sa kanya.

"Uy! Hindi ah! Totoo sinabi ko. Ang ganda-ganda mo kapag nakangiti ka." Natahimik ako nang makitang walang halong panloloko sa mga mata niya. Parang sincere talaga. Ang ganda pa ng mga mata niya. Kulay abo at saka ang haba pa ng mga pilikmata talo pa ako.

"Are you done checking me out? Gwapo ko 'no?" Napasimangot ako. 

''Hindi ah! Feelng!" Pagkakaila ko. Hinampas ko ulit siya saka ako tumakbo. Hinabol niya naman ako. Kaya ang nangyari, naghabulan kami.

And that's our memorable meeting on the rooftop that led me to feel this powerful word called love towards him.

***

Shels<3
 

Why So Cold? (AVAILABLE ON DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon