#WRHTYS02

1 0 0
                                    


Facebook Messenger

08-02 (08:34 am)

Julius Akee Hernandez

Kamusta na, Mr. Secretary?

Wexler Miranda

Ayon, Kuya Jake, nalulunod na sa mga documents.

Julius Akee Hernandez reacted haha to your message.

Julius Akee Hernandez

Kaya mo 'yan, Wex. May tiwala ako sa 'yo kaya nga pinush kita na tumakbo bilang secretary.

By the way, libre ka ba sa Sabado? Labas naman tayo kasama nila Iyah at Travis. Samgyup?

Wexler Miranda

Libre mo, Kuya Jake?

Julius Akee Hernandez

Syempre, kakasweldo ko lang kaya.

Wexler Miranda

Yabang.

Julius Akee Hernandez

Ikaw naman manlilibre sa akin kapag nakapagtrabaho ka na.

Wexler Miranda

Sabi mo eh.

Sige, Kuya Jake. Chat ako sa gc nating apat. For sure, namimiss ka na rin ng dalawang 'yon. Minsan nga natatanong kanila sa akin kapag nasasalubong ako.

08-02(9:00 am)

Facebook Messenger

Student Council Peeps

Wexler Miranda

@everyone free your saturday, manlilibre daw ng samgyup si Kuya @Julius Akee Hernandez

Iyah Rubio

Really? Omg, sakto wala kaming pasok ni @Travis Serrano non.

Travis Serrano

I miss you, Kuya Jake.

Julius Akee Hernandez reacted heart in this message.

Julius Akee Hernandez

Kung 'di pa ako mag-aaya ng libre, hindi pa mabubuhay 'tong gc natin.

@Wexler Miranda, ikaw, may klase ka ba sa Sabado? Baka may klase ka ha tapos aabsent ka para sa libre.

Iyah Rubio

May klase 'yan si Kuya Wex!

Travis Serrano

'wag na 'yan si Kuya Wex. Lagi mo namang iniispoil 'yan noong nag-aaral ka pa dito, Kuya Jake.

Gulatin mo naman kami ni @Iyah Rubio. Ilibre mo kami except kay Kuya Wex.

Iyah Rubio reacted haha in this message.

Julius Akee Hernandez reacted haha in this message.

Wexler Miranda disliked this message.

Wexler Miranda

FYI, mga anak kong second years! Ako lang kaya ang niyaya ni Kuya Jake. Naawa lang ako sa inyo kaya nagmessage ako dito.

Iyah Rubio

Imposible.

Travis Serrano

Hindi naman kami kakalimutan ni Kuya Jake.

Julius Akee Hernandez

'wag niyong pinipikon 'yang si Wex @Iyah @Travis. Tandaan niyong fourth-year na 'yan at graduating na next sem. Baka kalimutan kayo n'yan kapag nagkatrabaho 'yan haha.

Wexler Serrano

Talaga. Mga walang utang na loob 'yang dalawang bubwit na 'yan.

Travis Serrano

Wala ka lang boyfriend kaya ganyan ka eh, @Wexler Miranda.

Wexler Miranda reacted angry in this message.

Iyah Rubio

Natumpak mo, Trav!

Wexler Miranda

Ewan ko ba kung bakit napapalibutan ako ng mga epal na tao sa mundo.

Anyways, Kuya Jake, may isa akong klase sa Sabado pero 4pm pa naman 'yon. Maililibre mo pa naman ako :))

Julius Akee Hernandez

Okay. Okay.

Lunch time? Mga 12 pm? Sunduin ko na lang kayo sa mga bahay niyo. I'll bring my car.

Wexler Miranda reacted heart in this message.

Wexler Miranda

Iba na talaga 'tong si Kuya Jake! Napakasuccessful mo na kahit isang taon pa lang noong nakagraduate ka.

Iyah Rubio

Thank you, Kuya Jake. See you sa Saturday <3

Travis Serrano

See you, @everyone! Maraming kwento 'yan si Iyah for sure. Daldal nyan eh.

Julius Akee Hernandez

See you, guys! Miss you all a lot!

Wexler Miranda reacted heart in this message.

Iyah Rubio reacted heart in this message.

Travis Serrano reacted heart in this message.

WEX REACTED HEART TO YOUR STORYWhere stories live. Discover now