☪️ CHAPTER 46☪️

2.1K 64 3
                                    

LIVIUS POV:

Nakita kong wala siyang maskara dahil nakatutok sa amin ang ilaw ng flashlight sa amin ngunit hindi ko masyado makita ang kaniyang mukha dahil sa kaniyang buhok na nasa mukha ko kaya nagmumukha siyang sadako sa paningin ko.

"LIVIUS!"

Agad akong napatingin sa tumawag sa akin at nakita ako ang nalalapitan kong kaklase ng Blood Thicker ngunit hindi ko 'yun pinansin at tumingin sa rooftop ngunit wala na akong nakita roon.

Napansin kong nawala ang bigat sa ibabaw ko kaya napatingin ako rito at nakatayo na pala ito habang nakatalikod.

Napakunot ako ng noo. Mukha siyang nagtatago sa tindig niya at ayaw ipakita ang mukha, tsk. Nakita na ng lahat ang mukha niya bakit mukhang kinakabahan 'tong humarap? Kung sabagay baka nahihiya lang siya.

"Livius anong nangyari?" Agad na tanong ni Rhezero.

"May sniper sa Academy natin." Sagot ko habang pinupulot ang flashlight ngunit napahinto ako nung nakita ko ang mask ni Axerylle.

Kinuha ko na lang ito saka tumayo ng tuwid at inabot ng patalikod ang mask ni Axerylle dahil nasa likod ko lang to na nakatalikod rin sa akin.

"Bakit may kasama kayong babae supremo?" Tanong ng isa kong kaklase ngunit hindi ko sinagot.

"Sinong malanding babae na 'yan?!" Galit na pasigaw na tanong ni Stephanie.

Lumapit ito sa amin at akmang hahablutin niya ang buhok ni Axerylle nang hinarangan ko ito gamit ang aking braso.

"Stay away from her Steph." Malamig kong saad na ikina-atras niya.

"W-who the hell she is Livius?"

Hindi ko siya sinagot bagkus ay tumingin lang ako sa kaniyang likuran na parang wala siya sa harapan ko

"Hey! Hey!" Lapit ni Vishnu sa amin at hinawakan ang balikat ni Stephanie. "Why you sound like you're Livius' girlfriend?" May tonong pang-aasar na tanong niya.

"Shut up! And don't touch me." Inis niyang inalis ang kamay ni Vishnu sa kaniyang balikat. "Isn't obvious t-"

"That you're Livius girlfriend? Tsk! B*tch will always be b*tch." Napatingin ako kay Aisleir nang nagsalita ito at dahan-dahan din na lumapit sa kinatatayuan ko.

"Arrgh! Pinagtutulungan n'yo na naman ako! Livius tell them na tayo parin, hindi ba?"

Napakunot ako ng noo dahil sa sinasabi ni Stephanie. What she talking about? Is she out of her mind?

"Ex.... actually."

"Aww HAHAHAHA ok lang 'yan Steph madami pang pagkakataon." Rhezero said kaya parang hindi maipinta ang mukha ni Stephanie.

"Really Livius?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Nabaling ang tingin ko kay Aisleir nang hinila niya sa braso si Axerylle kaya napahawak rin ako sa kabilang kamay ni Axerylle na ikinahinto ni Aisleir at tumingin sa akin ng nagtataka.

"What do you think you doing, Aisleir?"

"Ihahatid ko lang kaibigan ko sa dorm niya. Is there any problem with that, Livius?" At ginaya niya ang tono ko sa tanong ko ngayon lang.

"Teka... si Axerylle ba 'yan? Wews! Ang magka-away nagsama ngayon ah." Agad akong napatingin kay vishnu at sinamaan ito ng tingin kaya napatikom ito ng bibig.

"You two..." Napatingin kaming pareho ni Livius kay Axerylle nang nagsalita ito. "Get off your filthy hands on me." Malamig nitong sabi kaya dahan-dahan naming binitawan ang kaniyang kamay.

The Secret Assassin in the Mafia's Academy (ON GOING)Where stories live. Discover now