24

66 2 1
                                    

Chapter 24 : Little survivors

Hadzleigh Cristoff

Kahit ang malalakas na tao, may karapatang ring maging mahina.

Ayan siguro ang araw-araw kong sinasabi sa sarili ko para may motivation akong mabuhay pa, dahil kahit gusto kong mamatay nalang ay hindi naman pwede.

Pinagpag ko ang pantalon ko ng mapansing puro lupa na pala, kagagaling ko lang sa labas. Maganda na rin 'to na nakakapag lakad lakad para masiguro na wala ng umaaligid na halimaw sa labas.

Pangatlong araw na 'to at pabalik balik lang ako sa gubat ng mag - isa. Inutusan ko kasi sina Daico na ayusin ang grills na nagalaw ng mga zombies nung dumating ang mga bata.

Pangatlong araw na at hindi pa rin sila nag sasalita , ayoko naman sana silang pilitin ang kaso kailangan kong malaman kung saan sila galing at paanong napunta sila sa gubat at tumatakbo sa gawi ng hacienda.

Hindi naman mahirap hanapin ang bahay nina lola Faith, ang nakakapag taka sa dinami daming pwedeng likuan nitong mga batang 'to, tiyumempo pa sa landas namin.

At isa pa, hindi sila mukhang normal na bata lang. Base sa itsura nila, maganda ang lahi nila.

Mata palang masasabi mong may dugong bughaw eh, langit kasi ang kulay ng mga mata nila, sobrang puti pa at mga mukhang amerikano.

Napag desisyonan ko nalang na umuwi.

Kung hindi kayang pilitin ng mga kasama kong makapag salita ang mga batang iyon, pwes ako ang gagawa.

Hindi naman sa hindi ko gustong nandito sila, ang iniisip ko lang paano kung may naghahanap sa kanila, paano kung may pamilya pa rin sila. Hindi ko rin alam kung kaya ko pang magdagdag ng survivors sa grupo namin.

Hindi sa ngayon.

Iniisip ko rin 'yung sanggol, hindi pa nga nanganganak si Ana tapos may sanggol na agad kami, mahirap protektahan ang mga walang muwang sa mundo, dahil kapag hindi ka nag tagumpay, habang buhay mo namang pag sisisihan.

Pag labas ko sa gubat ay dumiretso ako sa malawak na hacienda. Kung tutuosin ay ayos na ang pamumuhay namin dito, kahit hindi ako sigurado kung magtatagal ba ang mga pananim at alaga namin, pero nasisiguro ko naman na kahit papa'no ligtas kami dito. Patunay na rin ang nangyari noong nakaraang araw.

Pag pasok ko sa taniman ay nakita ko ang grupo nina Drake na silang nakatoka sa pagtatanim, nadaanan pa ng mata kong nakatingin si Hara sa'kin pero hindi ko na pinansin at naglakad papasok.

Ilang araw ko na rin siyang iniiwasan, hindi naman ako galit sakaniya. Ako pa nga ang na g-guilty dahil sa sinabi ko sa kaniya.

Ginawa ko lang naman iyon dahil wala siya sa sarili nung oras na mas kailangan siya ng sanggol, hindi ako sigurado kung sobrang nak apekto iyon sa kaniya. Binigyan ko nalang ng space ang sarili namin, ayokong pagtalunan pa namin iyon.

Pagkarating ko sa bakuran ay nakita ko naman sina mama Ayen na mukhang nag luluto.

"Nakabalik kana pala, kakain ka na?" salubong sa'kin ni Serenity.

"Nasaan ang mga bata?" saglit siyang natigilan at tumitig sa'kin.

Nakita ko pa ang paglunok niya at tumingin sa mga kasama naming naka tingin na rin pala sa'kin.

Lihim ako napabuntong hininga, anong akala nila mananakit ako ng bata.

Ang seryoso ng mga 'to.

"Ah, siguro kailangan pa nila ng time Hady. Alam mo naman ang mga bata." alanganin niyang sagot.

Save Us: Twenty Four SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon