Chapter 1

4 0 0
                                    

"ASTRID, is that your final decision?" Tanong sa'kin ni Ms. Santos, Grade 10 adviser ko. Pinaiwan ako ni ma'am after class para tanungin kung anong desisyon ko tungkol sa natanggap kong scholarship offer mula sa Crestwood Academy—private school. Gusto nila akong maging athlete at gusto ko din naman, nanghihinayang ako kung tatanggihan ko ang offer kaso nang magpaalam ako kay mama, ayaw pumayag.

"Ayaw po kasi talaga ni mama. Ayaw po naming i-risk baka po matanggalan ako ng scholarship." Pilit-ngiting paliwanag ko.

Napabuntong-hininga naman si Ms. Santos. "Astrid, you are the best volleyball player of Del Pilar High School. I want you to think of this, bibihira ang ganitong oportunidad kaya please h'wag mong palampasin. H'wag ka munang mag-decide ngayon, may two weeks pa naman. Pag-isipan mong maigi." Tinapik ni ma'am ang balikat ko bago umalis. Binitbit ko na bag ko at dumiretso sa gym para sa afternoon training, malapit na naman kasi ang tournament.

Marami akong naririnig about Crestwood Academy, school daw ng mga rich kid at spoiled brat. May mga average na tao din namang nag-aaral doon pero scholar, either sa academic or sa sports.

"Andito na pala si big time eh!" Biro sa'kin ni Coach. "Ano? Doon ka na ba sa Crestwood magse-senior high?" Usisa niya, nagsimula na akong magstretching habang kausap siya.

"Pinag-iisipan ko pa po." Hindi ko din kasi alam talaga kung tatanggapin ko ba o hindi. Baka kasi ito pa ang dahilan para mag-away na naman kami ni mama.

"Grabe, tagal mag-isip ah. Alam mo Astrid, ang mga ganiyang offer hindi na pinatatagal 'yan. Isipin mo na lang scholar ka, libre tuition, dorm, allowance at lahat ng miscellaneous fee mo. Maglalaro ka lang ng volleyball at mag-aaral ng mabuti." Natigilan ako sa sinabi ni Coach.

As in libre lahat?!

"Seryoso, Coach? Libre lahat 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong ko, parang ayaw mag-sink in eh. Like, sino ba ako? Lord, do I deserve that kind of blessing?

"Engot ka, 'di mo ba binasa 'yung pinadala nilang letter?! Nakasaad doon ang lahat ng incentives na matatanggap mo!" Agad akong natuwa sa balitang 'yon. Masyado akong na-overwhelm sa offer kaya 'di ko na naisipang basahin ang buong letter. Pero mukhang dito, papayagan na talaga ako nila mama.

Lumapit sa akin si Kalix, kaibigan ko at volleyball player din. "Grabe talaga kapag mga MVP, nagiging famous!" Pangga-gago niya sa'kin. Umirap lang ako kinuha ang bola saka sinerve  papunta sa kaniya agad naman niyang ini-spike 'yon pabalik sa akin. Nagsalitan ang bola sa'ming dalawa at pagka-spike ko ng malakas ay hindi niya naabutan kaya bumagsak ang bola sa side niya. "Naknampucha, ang yabang oh!" Tinawanan ko lang ang reaksyon niya.

Nag-training kami sa loob ng dalawang oras at nang makaramdam ng pagod nagpaalam ako kay Coach na uuwi na ako at pumayag naman siya.

Advantage ng palaging MVP mwehehe...

Hindi matanggal ang ngiti ko dahil sa excitement, hindi na ako makapaghintay na i-kwento kila papa 'yung nalaman ko. Paniguradong matutuwa si papa nito, gusto din ni papa na sa Crestwood ako mag-aral kaso ayaw lang talaga ni mama.

Pagdating ko sa eskinita malapit sa bahay nakita ko ang kumpulan ng mga chismosa na pasimpleng sumisilip sa bahay namin. Lumapit sa akin ang isa sa kanila, si Aling Perla, "Nag-aaway na naman ang mama at papa mo." Balita niya sa'kin.

Agad akong tumakbo papunta sa bahay at pagpasok ko ay malakas na sigaw at mga nagliliparang gamit ang bumungad sa'kin. Sapat na 'yon para mawala ang saya na nararamdaman ko kanina.

"TANGINA MO ASTON!!! Wala ka na talagang silbe sa buhay ko!!!" Dinig kong sigaw ni mama kasabay ng pagkabasag ng mga pinggan. "'Yan na nga lang ang gagawin mo para pagbayaran lahat ng kasalanan mo sa'kin, hindi mo pa magawa nang maayos!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reaching The Stars (Del Fuego Series #1) Where stories live. Discover now