"Ate!, Ate, gising na nandyan na sila Ate Yara." Sabi ni Dorothy habang niyoyug ako para gisingin. Tinignan ako nito at kita ko na may ngiti sa labi.
Si Ate Yara ay isa sa pinsan namin mabait ito at sa lahat ng pinsan namin ay siya ang close lang namin. Ka-edadan ito ni Kuya. Bumangon ako at umupo sa higaan. "Anong oras na pala?" Tanong ko dito at tumingin sa may wall clock banda.
"5:30pm na ate." Sabi nito at "Tara na ate, may dala si Ate yara na bago ng libro for you." Tumango ako dito. Bumangon na ako ng tuluyan at pumunta sa loob ng banyo para maghilamos.Pagkatapos ko ay lumabas na ako at wala na si Dorothy nasa sala na ata iyon. Lumabas na ko ng kwarto ng marinig ko ang boses ni Dorothy.
"Talaga, dito na po kayo mag school Ate Sabelle?" Tanong nito.
Wala akong narinig na boses mula kay Sabelle. Ito ay kapatid ni Ate yara. Masasabing kong ibang iba siya sa Ate niya kasi masama ugali nito at ka-edaddan ko lang ito at tingin ko parehas lang kami ng grade level. Tuluyan na akong nakababa sa sala at kita ko doon sila Mama, kuya, Ate Yara, Sabelle, Kevin at sila Tito and Tita. Lumapit ako sa mga ito at tumayo si Ate Yara at niyakap ako.
"Namiss kita, maya bigay ko syo yung book na bago kung bili." Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Si lola niyo pala asan? Mamaya ata sila Maribelle dadating." Sabi ni Tita Elisa ang ina nila Ate Yara.
Si Tita Maribelle ay isa sa anak ni Lola at si papa ang bunso at si Tito Ruel naman ang panganay. Lahat sila magkakapatid dalawa maganda ang buhay sa Davao habang si papa ay nawala sa landas kaya ganyan ka galit si lola kay mama dahil daw kay mama kaya walang magandang buhay si papa. Kasalanan ba ng ina namin kung pumasok si papa sa masamang bisyo.Naki-upo ako sa kanila at madami silang pinag-uusapan ng biglang lumapit si Sabelle sa gawi ko.
"Alam mo, dito na daw ako mag-aaral. Magiging kaklase ko na si Sandro." Sabi nito.Oo, kilala niya si Sandro kasi may politics cycle si Tito Ruel at magkakilala sila ng ama ni Sandro. At ng bata pa kami lagi silang magkalaro pero iniiwan ni Sandro ito mag-isa kasi ang arte daw at ang ingay tapos sakin siya nakikipaglaro. Eh hindi naman ako hilig maglaro sa labas kasi nagagalit si mama dapat daw nasa bahay lang ako kaya nung bata ako lagi akong nasa bahay at tumitingin sa bintana sa labas.
"Ah, talaga ba."Sabi ko dito ng mas lalo niya pang pinagdikit ang katawan sa braso ko na may pasa.
"Oo, ang gwapo ni Sandro lalo na ngayon nakita ko sa IG niya." Sabi nito at ngumi-ngiti na parang nag-imamagine.Tumango ako dito at ngumiwi ng hawaakn niya ang braso na may pasa. Kinuha ko ang kamay niya sa braso ko at tumayo. Umalis ako sa sala at lumabas kasi pag andyan sila ay hindi ako komportable kasi alam ko magiging alila na naman ako. Si Ate Yara lang namn ang may pagpapahalaga saming magkakapatid. Si mama walang sinasabi sa mga ginagawa ng mga pinsan namin kasi pag nalaman ni lola ay papagalitan siya.
Buhay nga naman! Lumabas ako at makulimlim na naglakad-lakad ako hanggang nakaabot ako sa plaza. Angdaming tao at streets foods ang nakapaligid. Hindi nman ako hilig sa ganito pero ngayon hinahanp ko ang pahinga ko sa ingay ng tao. Ilang minuto ay nakahanap ako ng upuan. Umupo ako dito habang inaaliw ang sarili sa mag nakikita. Madaming gumagala dito na mag jo-jowa at katapat ng plaza ay munisipy. Ilang minuto ay bigla ako nakaramdam ng presensya sa likod ko. Hindi ko ito inimik, lumapit ito amupo sa katabi ko.
"I never seen you here before." Sabi ni Sandro. Nakaputing t-shirt ito at sweatpants na black at naka slipper.
"Hindi naman ako lumalagi dito." Sabi ko dito at hindi siya tinignan."I see. Is there something bothering you?" tanong nito.
Umiling ako at maramadam ko ang titig niya sakin. Hindi na siya nagsalita at walang umimik sa amin ng ilang minuto ng bigla itong nagsalita.
"Nandyan na pala ag mga pinsan mo. Sorry kasi nakita ko lang sinundo kasi dito sa office ang mama mo." Sabi nito at tumango lang ako.
"Anyway, kamusta na pala ang braso mo." sabi nito at tinignan ko siya sa mata.
"Okay lang." Sabi ko ng umusog ito sa gawi ko at hinawakan ang pala-pulsuhan ko at inangat ang laylayan ng damit ko para makita ang braso ko.
"Okay pa ito sayo?" Sabi nito na may halong pang-aasar at inis. "Bakit hindi mo ginamot?" Tanong nito.Hindi ko muna siya sinagot at kinuha ang kamay niya sa pulso ko ay pinausog siya. "Magiging okay din naman yan eh." Sabi ko at parang hindi ito kumbensido. Nakatingin pa rin siya sa akin na parang kinakabisado ang mukha ko.
"Pwede ba Mr. Davis wag mo akong tigann ng ganyan. Kasi nakaksura ang mukha mo at kung makatingin ka kala mo naman may ginawa akong masama." Sabi ko dito at umiling ito at tumawa.
"No, is not that. I was just amaze kasi sa hirap ng pinagdaanan mo you still make things up clear in your mind. May buhay ka naman why you didn't care for yourself?" Tanong nito.
"May pake naman ako sa sarili ko sadyang may mga bagay na hindi naman dapat bigyan ng oras eh."
"Kahit ikapahamak mo ito?" Tanong niya at wala akong masagot. "Pwede ba wag na din akong tawagin na Mr. Davis masyado kang pormal tawagin mo akong Sandro or Adam.Wow! First name basis yarn? Mas lalo akong namangha sa second name niya. Muli akong nagsalita " Bakit ba? Yun gusto ko eh."
"Well, hindi ko gusto." Sabi niya at tumingin sa mata ko.
"E bahala ka eh." Sabi ko at umiwas ng tingin. Nakakalunod siya tumingin. Jusme!
"Whether you like it or not. Tawagin mo akong Sandro or What wag lang Mr. Davis." Sabi nito at tumango ako ng may maisip ng ipapangalan sa kanya. Tumingin ako at may ngisi sa labi."How about Sandong?" Sabi ko at tumawa dahil sa hitsura na niya na parang kinasura ang pangalang binigay ko. Panay ako tawa habang siya nagitla sa sinabi ko. "Fine. Joke lang yun, okay Sandro Adam." Sabi ko dito.
"No, just Sandro will do." Sabi niya.
"Okay. Sandro, then" Sabi ko at muli bumalik sa katahimikan at tumitingin sa paligid. Pinagtatawanan namin ang mga nakikita lalo na sa magka jowang nag-aaway kasi parang mga tanga. At mga ibang tao sa paligid na gumagawa ng kalokohan. We both liughed ng nag vibrate ang phone niya. Tinignan ko ito at nagsalita siya.
"Hinahanap ka na ata sa inyo nag text si Kuya Kristoff sakin. Pero samahan mo muna ako sa phramacy may bibilhin lang ako." Sabi nito at tumayo kami dalawa sabay kami lumakad at may binili siya sa pharmacy at binigay sakin binuksan ko ito at yun ay gamot o pain reliever magsasalita na sana ako ng bigla siya nagsalita.
"Wag ka ng umangal or isauli yan." sabi niya at wala akong nagawa kundi tumango na lang. Well, libre naman. "Tara uwi na tayo baka ano gawin sakin ng kuya mo." sabi niya at tumawa.
Ngalakad na kami at nagsalita ako "Wala ka namang obligasyon sakin bat magagalit yun." Sabi ko at may binulong siya na hindi ko maintindihan. "May sinasabi ka?"
"Wala ah." Sabi niya at nagpatuloy kaming maglakad at tingin ko alas syete na ng gabi. Ilang minuto ay dumating na kami sa harap ng bahay ng lumabas si Sabelle doon at bigla niyakap si Sandro.
"I miss you Sandro. Hindi mo man lang ako pinuntahan dito. Gala tayo bukas, Sunday naman." Sabi nito at hindi ito tinitignan ni Sandro sa akin kasi nakatingin."Sige una na ako, baka hinahanp na ako ni papa eh." Sabi Sandro at kinuha ang kamay ni Sabelle sa pagkakayakap tumango ako ng muling siyang nag salita "Inumin mo yan para maging okay kana." sabi niya at tuluyan ng umalis.
Lumapit si Sabelle sakin at hinawakan ang braso ko na may pasa. "Inaagaw mo ba ang boyfriend ko?" Tanong nito
Tinignan ko siya sa mata at kinuha ang kamay niya sa braso ko. " Ayy, kayo pala hindi ko alam eh. Ikaw lang ata ang nakakaalam na meron kayo kasi sa pagkakalam ko wala namang jowa si Sandro yun ang sabi niya. Kawawa ka naman kung ganun kasi dini-deny ka." Sabi ko na ngumisi ito sakin at ng magasalita sa na siya ulit ay inunahan ko na.
"Alamin mo Sabelle ang lugar mo sa buhay ng isnag tao. Nakakamatay ang pag a-assumed. At ano naman pake mo kung gustuhin ko siya eh hindi mo naman pag mamay-ari."Sabi ko at iniwan ito.Ngumiwi ako kasi ramdam ko ang sakit ng braso ko. Tanga talaga ng babeng yun. Bobels talaga boyfriend niya daw tas siya langang nakkalamn. Hanep sa panaginip si anteh.
Wala naman akong balak ustuhin si Sandro kung ano meron kami bilang mag ka partner lang for grades. And thats it wala na ng iba pero tingin ko may mali dahil ng pagdating ko sa loob at dumiretso sa kwarto ay nakita ko ang phone at inopen ang mesage galing sa kanya.
Sandro Davis
Wow! Palaban yarn? Bakit nga naman kung gustuhin mo ako pwede naman. HAHAHAHAHAHA
BINABASA MO ANG
Halfway (Journey Series 1)
Teen FictionKung ang paglayo ko sayo ay isang paraan para maprotektahan ko ang sarili, gagawin ko wag lang ang ako masaktan ulit kagaya ng ginawa mo.