CHAPTER 1

1 0 0
                                    

                                 °CHAPTER 1°

"Tama na po!" Sigaw ni Samantha habang paulit-ulit siyang hinahampas ng kanyang ama gamit ang sinturon nito.

"Sinong may sabing bastusin mo ang stepmom mo huh?!"sigaw ng kanyang ama habang hawak ang panga ng dalaga

"W-wala naman p-po akong ginagawa,"humihikbing turan niya.

"Anong gusto mong palabasin?!na sinungaling ako?!" Singhal ng kanyang madrasta.

Wala siyang nagawa kundi umiyak na lamang dahil sa hapdi ng kanyang mga binti na pinaghahampas ng kaniyang ama.

"Pumasok ka sa loob ng kuwarto mo!"sigaw ng kaniyang ama. Kumaripas siya ng takbo at ini-lock ang pintuan.

Namumugto na ang kanyang mga mata kakaiyak ng marinig niya ang kanyang cellphone na nagri-ring.

"Hello?"bungad niya pagkasagot ng kaniyang cellphone.

[Hello?ija how are you?] Sabi ng kausap.

"Ah,ok lang po ako tita"sagot niya sa kanyang tiyahin na kapatid ng kaniyang ama.

Mabait sakanya ang kanyang tita Esmeralda,yun nga lang ay malayo ito sa kanya.

Nag-usap sila ng matagal bago niya pinatay ang tawag. Naisipan niya muna ang maligo bago siya kumain.




Kina-umagahan tinawag siya ng kanyang step-sister na magmo-mall daw sila. Hindi siya maka-tanggi dahil paniguradong isusumbong nanaman siya nito sa kanilang ama kaya no choice siya kundi sumama nalang.

Nag damit siya ng ripped jeans at white oversized na t-shirt na pinaresan niya ng flat shoes,pinili niyang ilugay ang kanyang mahabang buhok saka lumabas.

Bumaba na siya at nadatnan ang kaniyang stepsis na kanina pa ata naghihintay. Naka black skirt ito at white tube na pinaibabawan ng crop top jacket at naka heels.

"Bakit ba ang tagal mo?!"sigaw ng kanyang stepsis

'Ingay ng boses ng babaeng hyena na toh',sabi niya sa kanyang isip saka naglakad palapit sakanya.

Umalis na sila ng bahay at dumiresto sa mall.

-Gideo's POV-
NAKAKA-ISTRESS ang umaga lalo na't andaming sakit sa ulo tsk... Kakadating ko lang sa office ko ganito na agad ang bungad nila sa akin.

"S-sir m-may nag ri-request po na--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil naiirita na ako.

"Who the hell requested it?"malamig kong turan.

"Si s-si-sir Kian--"

"Damn that man,wala na siyang ginawang matino kundi inisin ako!"singhal ko.

Napa-atras naman sila,siguro dahil sa gulat or baka natatakot,' I'm sorry my dear employees stress lang boss niyo'

"Bring that American here,now!" Muling sigaw ko.

Tumalima sila ng takbo palabas. Damn that man,ang sarap lunurin!

"Hey man!" Masiglang bati niya.

"Di ka ba marunong kumatok?" malamig kong turan at binigyan siya ng nakamamatay na tingin.

"Chill bud, don't be mad" saad niya,tss

"Bakit ka ba nagre-request ng ganon?!" Singhal ko

"Wala lang" ay gago,sarap talagang lunurin ehh. Bakit ba ako nagkaroon ng kaibigan na ganito?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I.N.N.O.C.E.N.TWhere stories live. Discover now