CHAPTER SIX

43 3 0
                                    


We were both quiet for the whole ride. Hindi siya masyadong nagtanong dahil para saan naman?

He's my client--my customer, I am his stripper. 

"Your son didn't ask you about your work?" Nasabi ko kasi sa kaniya na lalaki ang anak ko. Sobrang gulat niya kanina na hindi ko alam kung paano siya nakarecover.

"He doesn't know, I don't want him to know." Who wants that? Sino ba naman ang ina na gustong malaman ng mga anak nila na nagtatrabaho sila para sa pantasya ng mga lalaki.

"How old is he?" He suddenly asks, tiningnan ko siya subalit sagit lang.

"He's turning 4, he's so smart. I don't want him to worry or even think about my financial problem." Iyon ang totoo, ayaw kong lumaki si August na iniisip ang mga dapat hindi niya pa isipin. Ayoko na mamoblema siya sa mga problema ko, gusto kong lumaki siya na ang pinoproblema lang ay kung anong oras sia maglalaro, kung manonood ba siya o mag-aaral. Gusto kong ma-enjoy niya ang kabataan niya.

Dahil kaya ko pa naman, hangga't kya ko. Hindi ko siya hahayaan na problemahin ang responsibilidad ko.

"Where's his father?" I don't want him to know na nabuntis ako ng taong hindi ko kilala, masyado na ngang mababa ang tingin ko sa sarili ko. Hindi ko na hahayaan na may makaalam pa ng tungkol sa bagay na 'yon.

"Gone."

"Gone, gone?" Tumango-tango ako at ngumisi

"Gone, dead, nowhere to be found."

"Hmm, that's why." Tumatango-tango rin ito habang nagmamaneho.

"So now, that you know that I have a son... tataasan mo ba ang bayad mo sa akin?" Nagbibirong usal ko.

"Kung gusto mo ako pa sumuporta sa inyo ng anak mo." Nasamid ako sa sariling laway kaya napaubo ako, tiningnan ko siya na ngayon ay nakatingin na pala sa akin.

"Alam mo ba na hindi ako tumatanggi sa grasya? Kung joke 'yan ay dapat seryosohin mo." Natatawa kong usal pero agad din na natigil dahil seryoso ang ekspresyon niya.

"I'm not joking, I can support you and your son." Tumikhim ako at umayos ng upo.

"You're not my son's father, you don't have to do that. Kung awa lang, no thanks. I can work."

"That's why, hindi ko naman ibibigay 'yun ng libre. You will work for me, then I'll support you." Napaisip ako sa sinabi niya, kung totoo ang sinasabi niya ay mababawasan ang isipin ko. Hindi na ako mamomoblema sa future ng anak ko dahil tiyak ako na makakaipon naman ako.

"Okay..." Mahinang sagot ko.

"I'll make another contract tomorrow, then you can add your rules again." Natahimik ako, hindi ko alam kung seryoso ba siya.

Dahil kung oo, hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa kaniya. Kanina ang usapan lang namin ay 2 million pesos, tapos ngayon ay susuportahan na niya kami ng anak ko?

Napatingin ako sa harap at napansin na ang pamilyar na daan. "Doon nalang sa gilid, I'll walk nalang papunta sa bahay." Turo ko sa gilid.

"No, I'll take you home." Pagkontra nito. "Saan pa ba banda ang bahay mo? It's dangerous at this hour."

"Mas gabi pa nga akong umuuwi dati, wala namang nangyayari." Sagot ko sa kanoya.

"Nandito na rin naman ako, why will I let you to go home alone, walking." Hindi na ako sumagot at itinuro nalang ang daan papunta mismo sa bahay namin.

"Uhm, kape ka muna?" Alok ko sa kaniya ng makababa na ako sa kotse niya.

Tumingin siya sa akin at kalaunan ay tumango rin. Tinanggal niya muna ang seatbelt niya at lumabas na rin sa kotse niya. Nauna ako dahil binuksan ko pa ang maliit na gate dito sa inuupahan namin na apartment.

Sumunod naman sa akin si Aguas. Kinapa ko ang susi sa bag ko at ipinasok 'yon sa doorknob.

Marahan ko lang itong binuksan dahil baka makinig pa ni August. Pumasok ako at binuhay ang ilaw na katabi lang ng pinto ang switch.

"Pasensya kana, medyo maliit lang space namin." Usal ko habang inilalagay ang bag ko sa sofa,

"No, it's fine. Your house is fine." Nginitian ko siya bago pumunta sa kusina para mag-init ng tubig.

Binubuhay ko palang ang gas stove ko ng may makinig akong maliit na boses. "Mommy?" Agad kong nilingon kong saan nanggalig ang boses.

Sa labas ng kwarto namin ay nakita ko ang nakapikit na si August, nakapantulog ito at yakap ang teddy bear niya.

"Hi baby. Wait lang, huh? Mommy's going to make coffee." Sumulyap ako kay Aguas na ngayon ay tahimik lang na nakatanaw kay August. Hindi ko alam kung nakikita niya ba ang anak ko dahil nasa madili na bahagi ito.

"But you're not drinking coffee, mommy..."

Itinaas ni August ang mga kamay at tamad na lumapit sa akin.

"Mommyyyy... I miss you." Agad akong nag squat para salubungin ang yakap niya.

"Aww, mommy missed you too." Nakangiting usal ko habang niyayakap siya. "By the way, mommy have visitor." Hindi ata ito napansin ni August kaya naman nagpalinga-linga pa ang anak ko. 

Kinalong ko siya at inayos ang medyo magulong buhok.

"There he is oh." Agad na dumako ang mata ni August sa bisita ko.

"Wow, mommy! He's so pogi po!" Ang akala kong inaantok na anak ko ay parang nabuhayan ng dugo. Kinusot-kusot pa niya ang mga mata niya.

Ngumiti si Aguas at tumayo, nangunot pa ang noo ko dahil doon. Lumalakad siya papalait sa amin.

"Hi," pagbati nito ng tuluyan ng makalapit sa amin. "I'm Aguas, I'm your mommy's friend. What's your name?" Naka-awang ang labi ni August habang tinitingnan si Aguas na nagsasalita.

"You're pogi po, like me..." Natawa ako sa sinabi niya, hindi siya palaging nag-ko-compliment sa kung sino-sino lang. "Your name sounds like my name po." Natahimik ako, ngayon ko lang na realize na parang magkagaya nga ang name nila. 

"My name is August po, I'm three!" Bibong pagpapakilala niya.

He was August, dahil nalaman ko na buntis ako ng august. I don't want to forget that month. So, I named him August, I will always remember how scared and happy I am that time.

"Do you have wife po?" My eyes widened. Agad akong tumingin kay Aguas na parang nanghihingi na agad ng pasensya.

Ngumiti lang siya at marahang kinuha sa akin ang kalong kong anak, malaki ang naging ngiti ni August. Maliban sa akin na tuwing magkasama kami, ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganito kalawak.

"I'm single, baby August." Dahil sa sagot niya ay mas lumawak pa ang ngiti ng anak ko, para bang sobrang saya nito sa naging sagot ni Aguas.

"My mommy is single too." Napaubo ako sa sinabi niya, ngumiti naman si Aguas habang nakatingin sa akin. 


Enchanted By The SpotlightWhere stories live. Discover now