Chapter 11

71 1 1
                                    

Nagising ako ng 5:20 Ng madaling Araw dahil sa uhaw. Kinuha ko ang tumbler ko at uminom Doon. Naalala Kong nakatulog ako matapos namin magtalik at nagising nalang ako nandito na sa aking kama. Tumayo ako Ng mapansin ko na may nakalagay na papel sa aking higaan. Binuksan ko ang nakatuping papel at binasa ito.

Nandito ako sa ilog sa tabi Ng resort, I'll tell you everything, kung gusto mo malaman kung ano si Nathan noon.
                                      From.KL
                                                            
lumingon ako sa higaan ni Kendall at Wala sya Doon tumingin Naman ako sa taas at mahimbing na natutulog si Lucy at ate Kaylee. Agad akong kumuha ng jacket sa aking bagahe at Bago ako pumunta Doon ay naghilamos at nag toothbrush ako. Nagsisimula akong maglakad at madilim pa Ng kaunti pero pataas na Ang araw.

Tinahak ko Ang daan papunta sa ilog na sinasabi nya na malapit sa resort. Hindi ko alam pero kuryoso ako ako sa Sinabi Ng magpinsan. Sino ba talaga si Nathan nung Wala pa ako.

Ilang minuto Ang tinagal Ng aking paglalakad ay nakarating din ako Ng maaninagan ko Ang nakaupo na si Kendall sa tabi Ng Puno. Ang Ganda dito parang paraiso.

"Mabuti at dumating ka" hinarap ako ni Kendall at Ngumisi sa akin Ng nakakaloko.

"Sabihin mo na kung ano Ang alam mo" seryoso Kong Sabi sa kanya Ng tumawa sya at tinaas Ang kilay.

"Huwag kang mag alala dahil sasabihin ko sayo lahat" Umiling iling pa sya at tumayo sa pagkakaupo Bago pinantayan Ang aking tingin. "Masyado kang inusente sa lahat Isabella kaya Pala lumaki agad yang tyan mo" kinakabahan akong tumitig sa kanya, ibig sabihin ay may alam sya. "Huwag kang magalala hindi ko ipagsasabi na buntis ka" umirap pa sya at Ngumisi.

"Deretsyohin mo nalang ako Kendall, kung wala ka din Naman balak sabihin sa akin aalis nalang ako" paalis na ako Ng magsalita sya at kinahinto ko iyon.

"Si Ayana dating girlfriend ni Nathan" hindi malabong magkaroon Ng dating relasyon si Nathan pero parang may tumarak sa puso ko Ng sabihin nya iyon.

"Ibig sabihin Ex girlfriend na nya, ano ba ang pinupuntu mo bakit nadamay yung dating nakaraan nya" kinakabahan Kong Sabi pero kina ngisi nya lang ito Lalo.

"No wonder kung bakit ganyan sya sayo" Umiling pa sya at tumawa na parang nababaliw. "Si Ayana ay kaybigan namin simula nang tumuntong kami Ng Highschool, una Kong nakilala Ang grupo nila Nathan si Drei,Climb at Luke at dahil kami lang din Naman Ang laging magkakasama ay nabuo Ang pagkakaybigan namin.Pero habang tumatagal ay nagkakagusto na ako Kay Nathan at nahihiya ako noon na sabihin ang nararamdaman ko dahil magkaybigan kami at alam Kong Hanggang Doon lang Ang Turing nya sa akin" Umiling iling syang nakangiti pero halata sa mga mata nya Ang sakit.

"Hindi ko alam, hindi ko napapansin na may something na Pala noon si Ayana at Than tumagal Sila at Akala naming magkakaybigan ay hindi na Sila maghihiwalay dahil kita namin sa kanila na mahal nila Ang isat isa. Ang alaga ni Nathan Kay Ayana binibigay nya lahat, pati Ang buo nyang puso,nakita namin syang umiyak, nakita namin syang nahirapan nung panahon na iniwan sya ni Ayana " tumigil si Kendall sa pagkekwento at kinagat ang labi sa naalala.

"Parang Ikaw sya Isabella, halos magkahawig kayo at halos magkasing talino kayo, ganyan na ganyan sya kaya hindi ako magdadalawang isip kaya nahulog sayo si Nathan dahil kamukha mo sya. Si Ayana" mabait syang ngumiti Bago tumawa.

"Grabe, naging misteryoso si Nathan Ng dalawang taon dahil Kay Ayana" ano bang ginawa ni Ayana bakit nya iniwan si Nathan.
"Alam mo bang nakalimutan nya kaming mga kaybigan nya, halos sa tuwing nagkikita kami sa school parang mga hangin lang kami sa kanya, pati kami na walang kasalanan dinamay nya. Mabuti nalang at dumating Ang panibagong version ni Ayana" Pinunas nya Ang kanyang daliri sa mga luhang tumutulo sa kanyang pisngi. Hindi ko alam Ang magiging reaksyon ko, pero Ang alam Ng puso ko ay nasasaktan ako.

"Iniwan ni Ayana si Nathan sa hindi malaman na dahilan, walang paalam syang umalis at hindi na nag pakita sa amin." Dapat Pala akong nagpasalamat na umalis si Ayana dahil kung hindi pala hindi ko makikilala si Nathan.

"At Ikaw hindi ako makapaniwala Ng buntisin ka kaagad ni Nathan siguro  dahil nakikita nya sayo si  Ayana, HAHA grabe kawawa ka dahil nakikita lang sayo ni Nathan Ang dati nyang Kasitahan sayo, binuntis ka lang ni Nathan dahil kamukha mo sya." Parang piniga Ng puso ko Ang kanyang sinabi.
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga sinabi nya, kailangan ko Ng sagot sa lahat na ito, hindi ako Basta Basta maniniwala kung walang patunay Ang lahat Ng sinasabi nya.

Oo, nasasaktan ako

"Pero grabe Ang pag kadesperada mo nagpabuntis ka Naman. Hindi mo muna kinilala Ang lalaking Kasama mo gumawa Ng Bata. I feel bad for you" masyado nga siguro akong desperada dahil ginusto ko na may mabuo sa kadahilanan na gusto ko may Kasama sa Buhay na masasabi Kong akin.

"sigurado akong hindi papayag Ang mga Velasquez na nakabuntis Ang anak nila ng Isang dukhang kagaya mo, alam mo habang hindi pa nagkakagulo iwanan mo nayang si Nathan dahil darating Ang Araw na sarili nyang pamilya ay kaya kang paalisin ka na parang basura gamit ang Pera" mga Velasquez, hindi ko Sila Kilala pero naalala ko na Sabi ni Faith ay malalaking tao Ang mga magulang ni Nathan, lagi itong nangunguna sa larangan Ng business.

"Iwanan mo na si Nathan dahil masmasakit kung Ikaw mismo Ang makakakita..." hindi ako maniniwala habang walang patunay, pero nasasaktan ako, nalulungkot ako sa mga sinabi nya na parang kilalang Kilala nya Ang pamilya ni Nathan.

"nakakaawa ka dahil Wala kang alam Isabella. Nabalitaan Kong nakatira kana sa bahay ni Nathan pero satingin ko hindi mo pa nakikita kung saan namamalaging noon  matulog si Ayana sa bahay ni Than" natulala ako sa Sinabi nya. Ibig sabihin hindi pala ako ang unang babae na nakasama nya sa iisang bubong, Meron na palang Ayana Bago ako.

Yung pinto. Sigurado ako na iyon Ang kwarto ni Ayana dahil ni Minsan ay hindi ko nakitang nakabukas yun o pinasok namin ni Nathan para Doon kami mag sex.

Hindi ko alam na tumutulo na Pala ang luha ko. Ang ibig sabihin ay ginawa din nila Nathan Ang mga ginagawa naming pagpapainit sa katawan. Kung paanong mag isa Ang aming katawan kung saan sang parte Ng bahay nya. Ganon din ba Sila ni Ayana.

Tatanungin ko si Nathan, gusto Kong malinawan sa mga sinabi ni Kendall, gusto Kong galing sa kanya iyon kahit na magkanda wasak Ang puso ko. Gusto ko sabihin nya sa akin Ang totoo at gusto ko na malaman kung mahal nya ba ako.

Say my NameWhere stories live. Discover now