27

515 19 5
                                    



Roni's Pov

Naglalakad ako papuntang classroom namin. Ang tahimik ng hallway. Konting styudante palang kasi napasok. Aga ko nga ngayon eh, mugto pa mata ko kakaiyak kagabi.

Tahimik akong naglalakad nang biglang may tumigil na pamilyar na lalaki sa harapan ko. Pagod ko siyang tiningnan.

Si Borj.

Nakikiusap ang mga mata niya at parang awang awa sa'kin. Hindi ko siya ini imikan. Hindi konga alam kung ilang minuto naba kami nagtititigan. Ako na unang umiwas ng tingin.

Hindi mo siya papansinin, diba Roni? So ano dapat mo gawin.. iwan mona siya dito at dumeretso kana sa classroom mo. Tama!

Maglalakad na sana ule ako nang bigla siyang nagsalita.

"Roni," tawag niya.

Kapal naman ng mukha talaga. Saan ba siya nakuha ng lakas na loob kausapin ako pagtapos ng ginawa niya sa'kin kahapon, huh?

Mataray ko siyang tiningnan. "Oh?"

"I'm sorry," malambing na boses sabi niya.

Sa isip ko pinagtatawanan ko na siya. Sorry? Sorry niya mukha niya noh!

"It's okay. Basta simula ngayon kakalimutan ko nang nakilala kita." mariin kong sabi sakaniya.

He sighed. "Roni sorry talaga, nagsabi naman ako eh, nagpasabi ako sa classmate mo na hindi kita masusundo dahil biglaan kaming gumawa ng research nung classmates ko," paliwanag niya.

Agad naman ako nagtaka. Nagdadahilan pa talaga siya. Nagsabi siya sa classmate ko? Kanino naman dun noh! Sa dami ng kaklase ko.

Eh ni wala nga manlang lumapit sa'kin kahapon para sabihin na "Oy hindi ka daw masusundo ni Borj pinapasabi niya."

"Sinungaling. Borj alam mo ba na hanggang gabi inintay kita. Tapos madadatnan ko lang sa cafeteria na nakikipaglandian ka do'n sa babae. Kaya wag mona muna ako kausapin simula ngayon dahil galit pa 'ko sayo." sabi ko at iniwan na siya do'n.

Totoo nga sinasabi nila. Babaero nga siya. Idadahilan niya pa ang research nila eh, huling huli ko nga kahapon na paglalandian naman ginagawa nila hindi naman about research. Ako pa gagawing tanga.


Nakasalubong ko si Nelia pagpasok ko ng classroom.

"Ay Roni, sorry ngayon kolang naalala. Sabi nga pala ni Borj kahapon hindi ka raw niya masusundo eh," plastik na ngiting sabi niya.

Hindi ko alam kung nang aasar ba siya or ano eh. Kung pwede lang manapak, nagawa kona. Bwisit talaga si Nelia eh.

"Hindi mo ba alam Nelia na may tao kang napurwisyo kahapon. Inuuna mo yang pagbibida bida mo eh! Kung kahapon palang sinabi mona agad sa'kin na hindi niya 'ko masusundo edi sana hindi ako ginabi kaka antay at hindi ako napagalitan ng Mommy at Daddy ko!" sigaw ko sa galit. Natahimik lahat ng tao sa classroom dahil sa'kin.

Valid naman siguro galit ko ah?

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Tumakbo ako palabas ng room.

Hindi kona rin maintindihan ang galit ko. Alam kong mababaw na dahilan lang pero bakit ganito na agad reaksyon ko.

"Roni," boses ni Jelai. Sinundan niya pala ako.

Wala na 'kong ibang ginawa kundi yakapin siya. Iyak lang ako nang iyak sa balikat ni Jelai ngayon.

"I hate them,"

Hayskul LuvWhere stories live. Discover now