UNA
By: Pencilinfinity8Hi, Kamusta ka?
Ikaw ba yung dating malungkot,
dating nakabusangot na akala mo ay pasan ang buong mundo?
Ikaw ba yung maldita na hindi malapitan ng iba?
Ikaw ba yung takot na magmahal kasi isang beses ay nasaktan ka na?
Hi, ako nga pala si Una
ang sa pagkakataong ito ay unang sasalo sayo.
Unang bubuo ng nadurog mong puso.
Unang magapaligaya upang sa labi mo ay sumilay ang saya
Unang magpapangiti sa lumuluha mong mga mata
na matamlay na sa kaiiyak at pagtatago ng tunay mong nadarama.
Kita mo na?
Ngayon ay tumatawa ka ng mag isa
Mukha kang tanga na nakatingala sa kisame habang nakangiti.
Paulit-ulit na pagsilip sa screen ng cellphone mo at binabasa ang chat ko.
Kilig na kilig at sige ang paggulong sa kama.
Ayan, hala! nahulog pa nga. Nahulog sa kama?
Oh nahulog ka nanaman ba?
Heto na nga ako oh,
nananakbo na upang saluhin ka
Narito at sa bisig ko ay ligtas ka.
Ang saya mo ay hindi ko na hahayaang kumawala pa.
Una kitang minahal kahit hindi ako ang una mo.
Pero pinapangako ko
Ako man ay pangalawa sa iyo
Mananatili ako hanggang dulo.
Ikaw ang una para sa akin.
Ikaw rin ang hulit huli kong mamahalin.
Mahal kita.
-Una
A/N: Spoken Poetry dedicated to bbyJuvia, kleinayuki& MsInfinityWrites. Thank you so much! Mwah!
Next page onwards is still open for dedications. Just comment down below.
You may also leave some comments too and let me know what you think and felt about the poetry.
Tenchuuuuuu!
*Should I do a voice over so you can hear it loud? hmmm*
STAI LEGGENDO
UNTOLD POETRIES
PoesiaTHE COLLECTIONS #2 (Spoken Poetries) By: Pencilinfinity8 Mga tulang marapat na sinasambit, ngunit ang dila ay umurong ng mahabang saglit.