Poem #1

5 1 0
                                    

Bubuo ng sandamakmak na tula,
Sinta, basahin mo ang aking ginawang tula,
Mga pinagtagpi-tagping salita,
Sinta, sa tula'y ikaw lamang ang nakikita.

Handa akong gawin ang lahat para sa'yo,
Agwat lang natin sana'y wag magkalayo,
Mahal kita at ako'y nahuhumaling sa'yo,
Bakit nga ba ako nagkakaganito?

Tunay ngang mahal na kita,
Wala na akong ibang makita pa,
Ikaw lang at wala ng iba pa, sinta,
Mahal kita at wala nang hihigit pa.

***

05 / 14 / 23

Short poems CompilationWhere stories live. Discover now