Poem #2

5 1 0
                                    

Sabi mo ayaw mo akong makitang nahihirapan,
Ngunit bakit tila'y walang pake sa aking kinahihinatnan?
Sa paanong paraan ba kita tutulungan at tuturuan?
Na'ng pag-ibig ay hindi lang para sa pagmamahalan.

Gusto kitang mahalin,
Higit pa sa babaeng ika'y nilisanin,
Nais ipadama na hindi ka mahirap mahalin,
Ngunit bakit parang ako ang mahirap mahalin?

Hindi sapat ang salitang "mahal kita",
Kaya't nais ipadama na ikaw lang ang sinisinta,
Sa paanong paraan ba kita tuturuan?
Kailan ba matuturuan nang hindi iniisip na ika'y kawalan?

Nais kong itama ang ating pagkakamali,
Pero 'pag ika'y kaharap ay wala na akong masabi,
Hindi ko rin kaya man lang ibuka ang aking mga labi,
Upang tugunin ang ating mga pagkakamali.

***

05 / 15 / 23

Short poems CompilationDonde viven las historias. Descúbrelo ahora