Chapter 7

294 5 0
                                    

"Captain High Hopes!" Ang bati sa'kin ni Ces pagkabukas niya ng pinto ng apartment nila, at sinalubong ko naman siya ng mahigpit na yakap!

"Ang bango-bango naman ni Prinsipe Ces! Amoy marshmallows!"

"Syempre naman po! May date po akong dalawang gwapong lalaki, so kailangan po mabango ako ngayon!"

"Am I included in those handsome guys, Prince Ces?"

"Opo, Tito Arjs, kayong dalawa po ni Daddy Ken ang gwapong ka-date ko!"

"Teka, paano ako? Hindi ba ako gwapo?" Sabi ko't nag-pogi sign ako!

"Ibigay na po natin sa kanila ang pagiging gwapo, Captain High Hopes! Dahil cute po tayong dalawa!"

Nilagay ni Ces ang dalawang hintuturo niya sa kanyang pisngi, ti-nilt ang ulo niya, at nag-pout!

Cute!

"Parang ganito?"

Ginaya ko naman ang ginawa niya!Nag-iba pa siya ng posing at ginaya ko rin ito! Hahaha!

Biglang may bumukas na pinto, at lumabas si Ken doon! Agad naman akong nag-iwas nang tingin dahil ang tanging suot lang niya sa katawa'y maikling boxers!

"Daddy Kent, ilang beses ko po bang sasabihin sa inyong magdala na po kayo ng damit sa banyo't doon na kayo magbihis! Prinsesa po ang anak n'yo, baka nakakalimutan n'yo po!" Reklamo ni Ces!

"Nice bod, Dude!" Sabi naman ni Arjo!

"Kanina pa kayo?"

"Nope, kakarating lang namin."

"Sige, magbibihis lang ako para makaalis na agad tayo."

"Take your time, maaga pa naman!"

Studio type lang ang apartment nila, walang kwarto, at mukhang sa harap pa talaga namin siya magbibihis! At hindi pa rin ako makalingon sa gawi niya!

"Nainggit ako bigla, ah! Naggi-gym ka ba, Ken?" Tanong ni Arjo.

"Yep, every MWF ako pumupunta ng gym pagkahatid ko kay Casper sa school."

"Looks like I need to hit the gym again after skipping it for more than a month! Medyo naging busy kasi! Dumami na mga client kong nagpapa-edit ng vlogs nila! Tapos binabantayan ko pa 'tong makulit na batang 'to na takas nang takas sa bahay nila!"

Binagsak ni Arjo ang kamay niya sa ulo ko't ginulo ang buhok ko, sabay tawa! Agad ko namang tinapik ang kamay niya, at inayos ang buhok ko! I wanna raise my middle finger at him pero may bata, kaya pinigilan ko na lang ang sarili ko!

"Tumakas po kayo sa bahay n'yo, Captain High Hopes?! Bad po 'yon!"

"Hindi! Hindi ako tumakas sa bahay, Ces! Nagpaalam ako nang maayos sa Mom and Dad kong manonood tayo ng sine ngayon! Pumayag naman sila basta kasama ko si Tito Arjs mo!"

Pero hindi ko sinabing kasama ko ang pamilyang naiwan ng heart donor ko manood ng sine! Hehehe! Baka kasi hindi nila ako payagan 'pag nalaman nila, lalo na ni Dad!

Tapos na mag-ayos ng sarili niya si Ken. Naka-polo at shorts na siya gaya ng napag-usapan namin ni Ces na isuot naming lahat sa cinedate namin ngayong araw! Proud na proud pa ang bata dahil siya raw ang namili ng susuotin nilang mag-ama na kahapon pa raw niya hinanda! Hahaha!

"Iche-check ko lang kung may naiwan pang appliances na nakasaksak, tapos alis na tayo." Sabi niya.

Letter To Stranger (BL) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant