CHAPTER 40

635 20 3
                                    

Weeks have passed and my relationship with Xavier was becoming better and better. Kung may nag-iba man ay sa pangangatawan ko iyon. I just noticed that every morning, I always felt sick. Palagi akong nahihilo at nasusuka ng hindi ko alam ang dahilan.

“Pa check-up kana kaya. Baka kung ano ng sakit mo.”saad ni Esme dahil naabutan nanaman niya akong nagsusuka sa lababo.

“Ano kaba nawalala naman siya agad.”sabi ko at pinahid ang bibig ko.

“Ewan ko sayo. Ang tigas ng ulo mo eh ilang araw kanang gan'yan.”sabi niya pa at umiling.

Umalis na siya at ako naman ay pinag-iisipan narin ang magpa check-up. Papasama nalang ako kay Hera dahil may trabaho si Esme. Ayoko namang mag-alala si Xavier kaya si Hera nalang ang yayayain ko.

Nag maneho na ako papunta sa bahay nila Hera. Nagdoorbell ako at agad namang pinapasok ng katulong sa loob.

Agad ko silang nadatnan sa sofa kasama ang mga anak niya. Agad niyang pinakuha ang anak sa mga katulong at pumunta sa pwesto ko.

“Bakit ka nandito? May problema ba?”tanong niya.

“Meron eh. Can you accompany me?”tanong ko sakan'ya.

Agad naman siyang umakyat para magbihis. Nag-antay pa'ko ng ilang minuto bago ito bumaba sa hagdan. Agad siyang lumapit sa pwesto ko at inihabilin ang mga bata sa kasambahay bago kami lumabas.

“Nahihilo ka, tapos nagsusuka?” tanong niya na tila may ideya ng naiisip.

“Oo, pero nawawala naman siya kalaunan. I'm not sick right?”tanong ko pa sakan'ya.

Never naman ako nagkaganito kaya aaminin ko na kinakabahan ako. Baka kung may ano na kasi akong sakit eh.

“When is your last period?”tanong niya kaya agad na kumunot ang noo ko. Agad akong napanganga noong marealized ang ibig niyang sabihin. Possible iyon dahil nagtatalik kami ni Xavier.

“Delayed yata ako for almost one month na.”sabi ko sakan'ya.

“Nakikipagsex kaba kay Xavier?”muli niyang tanong.

“Malamang! Ano ba 'yang mga tanong mo.”reklamo ko pa sakan'ya.

“Delayed ka, tapos nakikipagsex kapa? I think you're pregnant. Mas better nga kung pumunta kana sa doctor dahil baka ano na ang nangyayari sa baby mo.”sabi niya na tila siguradong sigurado siyang buntis ako.

Gano'n nanga ang ginawa namin. We visit an obgyne. The moment we entered inside the clinic. The doctor suddenly asked some questions. I was just answering all of it all the time.

“Based on the statement you're saying. I think you also have idea about it?”tanong ng doctor.

“Here!”inabot niya ang tatlong pregnancy test. “put a small amount of urine, and let's see the results.”sabi niya at imenuwestra sa'kin ang daan patungong banyo.

Ginawa ko na ang mga bagay na sinabi niya. I also followed her instructions. My heart was thumping so loud as I watched the line coming out in those pregnancy test I used.

“Oh my god!”I bit my lower lip when I saw the two lines in all of it.

“How was it?”tanong ni Hera at pumasok na sa loob. Agad kong ipinakita ang resulta na agad na ikinalaki ng mata niya.

“Gaga ka!”sigaw niya at lumabas ng banyo.

Noong pagkalabas ko ay hawak na no'ng doctor ang pregnancy test. Agad siyang ngumiti sa'kin na tila binabati ako.

“So dahil alam mo ng buntis ka, you need to be cautious about eating. You need to take care of yourself like eating healthy foods and taking vitamins. You also need to do exercise, iyong magagaan lang dahil makakatulong din iyon sayo.”sabi pa nito.

Agreement With The Bad Boy (MORGAN SERIES 1)Where stories live. Discover now