LXV

4.1K 159 48
                                    






" Master, sigurado ba kayo na hindi niyo kami isasama? " Tinignan ko si Loki mula sa salamin na nasa harap ko.






" Wag kayong mag-alala, Kaya ko ang sarili ko. " Pinagpatuloy ko ang paglalagay ng make up at pagkatapos ay pinagmasdan ang maskarang itim na isusuot ko.






Nilagay ko ang gold card sa bag maging ang maskara pagkatapos ay sumakay na ako sa sasakyan.





" Mag-iingat ka. " Tumango ako kay Sir Boris bago nagsimula ng magmaneho.






Ang auction ay gaganapin sa Solaire Hotel, Isa itong kilalang hotel ngunit walang nakakaalam kung sino ang nag mamay ari nito. Maraming branch ang Solaire sa buong bansa ngunit ang branch kung saan gaganapin ang Auction ay sa Luminary City. The city of lights. A peaceful country. Or isn't?







Knowing that it will held in a peaceful city, There's something wrong. There must be illegal happenings in Luminary that no one knows..






Tinignan ng security ang card ko bago ako nito pinapasok ng tuluyan, Umupo ako sa bandang dulo ng Hall at pinagmasdan ang kapaligiran at ang bawat isa. Hindi ko mapigilang mapangisi ng makita ang mga pamilyar na tao, Kahit pa nakamaskara ang mga ito ay malinaw kong nakikita ang mga mukha nito dahil tumatagos ang paningin ko sa loob ng maskara and it's because of my ability.





Tumaas ang kilay ko ng makita ang naglalakad patungo sa isang upuan sa unahan, It is my father together with his wife, Zerebine. I see they are interested too.



Ano mang oras ay magsisimula na ang Auction kaya dali dali akong tumayo at Pasikretong tumungo sa kwartong kinalalagyan ng mga bagay na ibebenta sa Auction.




" Miss, Bawal ang guest dito. " Hinawakan ko ang braso ng lalaki at bahagya itong pinisil. Natigilan ito kaya napangisi ako.


Nilapit ko ang mukha ko sa Tenga nito at bumulong bago ito sinikmuraan.



" Anong ginawa mo?!! " Sinalo ko ang kamao ng kasama ng sinikmuraan ko ng bigla itong sumugod, Susuntok pa sana ito gamit ang isa nitong kamay ngunit inunahan ko na ito, Tinadyakan ko ito na siyang nagpatalsik sa kaniya patungo sa dulo ng Hallway..




Tumingin ako sa paligid bago pumasok sa kwarto na kinalalagyan ng mga drugs, Napanganga ako ng makita na puno ng drugs ang kwarto.
Nakamaayos na nakasalansan ang mga ito na tila handa na maibenta Too bad, Hindi yun mangyayare.



Pinagmasdan ko ng mabuti ang mga drugs at nag isip mabuti kung anong gagawin sa mga ito, Hindi ko pwedeng hayaan na mabenta ito sa publiko dahil nakakatiyak ako na milyon milyon na tao ang malalagay sa peligro.





Napapikit ako ng marinig ang sinasabi ng hangin, Pinakiramdaman ko ang paligid, Isa, dalawa, Tatlo o higat pa na nilalang ang patungo sa kwartong ito. Nilagyan ko ng barrier ang buong kwarto para pigilan ang mga nilalang na makapasok ng tuluyan.





Nang matapos ako ay naglabas ako ng apoy sa palad ko at Hinagis iyon sa kinalalagyan ng mga drugs, Unting- unting tinupok ng apoy ang mga drugs.. Marami rami ang drugs kaya aabot ng ilang minuto bago ito tuluyang matupok.





Binuksan ko ang bintana at Ginawang invisible ang sarili bago ako tuluyang tumalon pababa.





Ang barrier na nilagay ko sa kwarto ay hindi mawawala unless natupok na ng apoy ang lahat ng drugs.






Nakangisi kong pinagmasdan ang mga taong nagmamadaling lumabas ng Hotel dahil lumalaki na ng lumalaki ang apoy, Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa taas ng puno hindi kalayuan sa Solaire Hotel.




May mga reporter naring nagkalat sa labas ng hotel habang kinukuhanan ng video ang mga kaganapan sa loob.






Since sa Hotel na ito ginanap ang Auction ay malaki ang posibilidad na ang nasa likod ng Auction at Ang may ari ng Solaire ay konektado.



" Did you find someone suspicious around the area? "




" No sir. "





" Check again, Incase you find someone suspicious make sure to report it immediatey. "





Umawang ang bibig ko ng makita ang mukha ng lalaking may kausap na security kani kanina lang, Nang may marealize ako ay hindi ko mapigilang mapangisi.





Tumalon ako sa puno at naglakad papalayo, Hindi mawala wala sa labi ko ang kakaibang ngisi dahil sa mga bagay na nalaman. I see.




He must be connected in those drugs.







Everything is so interesting these days.










Third Person's POV



" Kasalukuyan ng pinaghahanap ng mga atoridad ang taong nasa likod ng pagsunog sa nasabing Hotel "





" Grabe bakit kaya sinunog ang hotel at sino kaya ang nasa likod nito? " Naiiling na sabi ni Marie habang nakatingin sa Tv, Kasama nito si Ashley at Andrea na kapwa nanunuod rin.






" Ayan ang hindi natin alam. " Tugon naman ni Ashley na kumakain sa Gilid..







Kasalukuyan nagpupulong sila Roman, Apollo, Magnus, Atthicus patungkol sa nangyare sa Solaire Hotel habang ang iba ay nasa nasabing hotel para pasikretong mag-imbestiga para malaman ang tunay na nangyare.





Nasa plano nilang umattend ng Auction upang nakawin at sirain ang mga drugs ngunit may iba ng naunang gawin ito, Hindi nila alam kung sino o ano ang nasa likod ng pangyayareng yun.




Gusto nilang malaman kung sino at kung anong plano ang tumakbo sa isip ng gumawa nun.






" Whoever did that, He surely make our work easy. " Sumang ayon naman si Apollo sa sinabi ni Athicus.




Kinalibutan naman si Athicus ng makita na matatalas paren ang tingin na pinupukol sa kaniya ni Roman.





Isip isip niya ay nakakatakot makagalit ito dahil kahit tagal ng panahon ay hindi paren ito nakakalimot at hindi ito basta basta nagpapatawad.




Bumuntong hininga nalang si Athicus at nagdasal para sa kaligtasan ng buhay niya.







Terry's POV




" Ang ganda ng ngiti niyo Master mukhang maganda ang kinalabasan ng plano niyo. " Ngumiti lang ako at inabot ang Basong inabot ni Loki.






Mabilis kong nadura ang nainom ko ng marealize na alak pala ang laman ng basong inabot nito.




" Patawad master, Nawala sa isip ko na Kape pala ang paborito niyo hindi alak hehe. " Sinamaan ko ng tingin si Loki at nagdali dali naman itong lumabas.





" Base sa ngiti mo ay mukhang nagawa mo ang mga plano mo. "





" Tama kayo sir boris at Marami akong nalaman.." Ngumisi ako at pinaglaruan ang mga daliri ko.






" Wag mong sabihin na ikaw ang sumunog ng Hotel? " Hindi ako nagsalita bagkos ay tumayo ako at Sumilip sa bintana kung saan kitang kita ko ang masayang mamayan ng Hadleigh City.




I can see smiles in everyones lips and I will promise to protect this City even it cost my life.





" Sino ka ba talaga? " Humarap ako kay Sir boris at ngumiti ng pagkatamis tamis.






" Someone you didn't expect to be...... "

Reincarnated as Seventh daughter of Mafia BossWhere stories live. Discover now