Chapter 23: Ang Balak Na Pag Alis Ni Rukawa, At Ang Pagpipigil Ni Haruko

215 17 4
                                    

Matapos ang naging practice ng Team Kanagawa

Sa bahay ni Sakuragi gabi 7pm iniisip parin nya ang naging 1on1 nila ni Rukawa at ang pagbabago ni Rukawa pagiging malapit kay Haruko

"Hindi sapat ang tatlong buwan na training ko para matalo sya" sabi ni Sakuragi sa kanyang sarili

Tumayo sya at lumabas ng bahay nya

Umakyat sya sa hagdanan kung saan nakatira sa Room 202 ang magkapatid na si Shino at Inami, nasa baba kasi ang room 201

Habang ang room 202 at 203 ay nasa taas

Pag akyat ni Sakuragi nakita nya si Inami

"Sabi kona nga ba aakyat ka rito" sabi ni Inami

"Huh? Paano mo nalaman?" Tanong ni Sakuragi

"Wala, napansin ko kanina tahimik ka lang, iniisip mo ba naging practice game nyo kanina?" Tanong ni Inami

Dahil kitang kita sa taas ang paligid at mga puno kahit na gabi dahil sa sikat ng buwan, napapikit si Sakuragi nang dumaan sa mukha nya ang medyong malamig at sariwang hangin

"Sabihin mo ina-chan gumaling naba talaga ako sa paglalaro? Pakiramdam ko kasi hindi" sagot ni Sakuragi

"Diba wala ka pang isang taon na naglalaro? Kung iisip ang laki ng ginaling mo ngayon kumpara noong unang nagkaharap kayo ni Kenzo, para kang bata na pinaglaruan nya, wag mong masyadong isipin yan" sagot ni Inami

"Ganun ba? Kung ganun hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalampasan ang galing nya" sagot ni Sakuragi

"Sa nakita ko, parehong kayong dalawa" sabi ni Inami

"Ahk ano? Paano mo nakukumpara ang isang henyong katulad ko sa panget na yun ahh ggrahhhmm" nainis na si Sakuragi

"Ang tinutukoy ko ay yung paglalaro nyo ng basketball" sagot ni Inami

"Ano? Anong pareho sinasabi mo?" Tanong ni Sakuragi

"Katulad mo may igagaling pa sya sa paglalaro kung baga katulad mo Sakuragi-kun hindi pa lumalabas ang tunay ninyong kakayahan" sagot ni Inami

"Bakit may magic ba yang mga mata mo para masabi mo yan ah tsu dibale na nga lang magsisikap ako at tatalunin ko mayabang na rukawa na yun" sagot ni Sakuragi

Napangiti si Inami

"So pano nga pala yung tungkol kay Kumi? Hay hindi ko maintindihan bakit kaylangan mo pang humingi ng tulong sa kanya? Para magpanggap na kayo sa harapan ng babaeng gusto mo, Alam mo Sakuragi-kun kapag may gusto ang isang babae kahit na ano kapa tatanggapin ka nya, kaya hindi mona kaylangan pang makipag kumpetensya kay Rukawa dahil kung gusto ka talaga ni Haruko tanggap ka nya" sabi ni Inami

Di sumagot si Sakuragi

Yan talaga ang balak ni Sakuragi noong una kaya nya kinausap noon si Kumi noong nasa Tokyo pa sila kung saan nakipag 1on1 pa sya kay Tobirama isa sa player ng Fujian High School

Ngunit base sa observation ni Sakuragi tila walang pakialam si Haruko

Nang malamang girlfriend ni Sakuragi si Kumi

At mukhang masaya pa si Haruko sa nalaman nya

At isa pa sa napansin ni Sakuragi ang pagiging close at palaging magkausap sina Rukawa at Haruko na lalong kinagalit ni Sakuragi

"Wala na akong pakialam kay Haruko" mahinang boses ni Sakuragi

"Huh?" Na medyo hindi naintindihan ni Inami

"Naiintindihan ko ang sinasabi mo. Kahit na anong gawin ko kahit na matalo kopa si Rukawa hindi kona mababago pa ang nararamdaman ni Haruko, alam ko nman yun eh mismong inamin nya sakin pero sakabila non umasa parin ako, Salamat Ina-chan sa mga payo mo ngayon na-realize kona ang lahat" sagot ni Sakuragi

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: 3 days ago ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Suramu Danku: Book 1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang