Chapter 15

76 20 0
                                    

Short Update guys :)

-

This story is not edited so sorry for the errors due to typing and grammars. :)



xxjgrande1997



"hoy! Chloe 'di ka naman nakikinig eh." Pagmamaktol ni Kath. Hindi pa rin talaga maalis sa isip ko ang pangyayaring iyon. Parang ang bilis naman ata.

Napakamot ako sa batok ko, "Pasensya na Kath, puyat lang ako." Pagdadahilan ko. Nandito kami sa loob ng classroom last subject na naming ngayon umaga, hinihintay na lang namin dumating ang prof. Kahapon nung nakita naming sila sa cafeteria, magka-holding hands. Kung titingnan mo parang ang tagal na ng relasyon nila, sabay silang naglunch. At pag-uwi sa hapon hinatid pa ni Kapre si Alice gamit ang kanyang sasakyan.

-


"class dismissed" anunsyo ng prof namin.

Naguunahan ng lumabas ang mga kaklase ko. Lumapit si Kath sa 'kin, "uy tara na sa cafeteria" sabi ni Kath. Habang inaayos ko ang mga gamit ko, iniisip ko kung sasabay ba ako sa kanila. Pinapatawag kasi ako ni Sir Manuel.

"Sige mauna na kayo, pinapatawag kasi ako ni Sir Manuel. May sasabihin ata sakin" tugon ko naman.

"oh sige" umalis na siya. Dinala ko naman na ang mga gamit ko at umalis na patungo sa faculty room kung na saan si Sir Manuel. Pagdating ko doon, hinarap ko naman agad si Sir.

"Sir pinapatawag niyo daw po ako?" mahinhin kong sabi. Nakatayo ako sa harapan niya ngayon.

"Chloe ano babalik ka pa bas a pagkanta?" tanong niya. Oo dati akong kasali sa mga choir, umalis lang ako dahil tinatamad na kong magpractice at mago-ojt na rin kasi ako noon kaya umalis ako.

"Sir, pwe-pwede po bang pag-isipan ko muna?" tanong ko, last semester ko na kasi ngayon baka maka-apekto pa sa pag-aaral ko.

"Sige, pero kong babalik ka. Tandaan mo always welcome ka sa choir. Okay?" nakangiting pahayag niya.

"opo, sige po salamat po" tumayo na ko at umalis na.

-


Isang linggo na ang nakakalipas, buti na lang at hindi na ko napapansin ni Alice ngayon dahil na kay Kapre na ang atensyon niya. okay na rin iyon kasi paano noon walang araw na hindi iyan nagsusungit. Halos araw-araw may dalaw.

Papunta na ko sa locker ko ng mapansin kong parang may naghahalikan sa tabi.....pagsilip ko, halos mapanganga ako..

... si Kapre at Alice.

Bakit parang ang sakit makita silang naghahalikan?? Pati this past few days hindi na 'ko pinapansin ni Kapre. Sabagay may Alice na siya eh. Hindi ko namalayang napaluha ako. Pero agad ko namang pinunasan ito. Umalis na ko doon at mabilis na tinungo ang locker ko, binuksan ko na ito at nilagay ang iba sa mga libro ko. Pagkalagay ko ng mga libro ko, sinarado ko naman ito kaagad.

Aalis na ko ng- "ay ang sakittt..!" nahulog ko 'yung isang librong hawak hawak ko ng dahil sa gulat. Nasa harapan ko si Alice, pero buti na lang at wala si Kapre. Pinulot ko ang libro at tumayo na rin agad.

"Oh? Anong kaylangan mo?" tanong ko sa kanya. Hindi ko maialis sa isip ko 'yung nakita ko. Naghahalikan. Napatingin ako sa labi niya. Ano kayang pakiramdam ng mahalikan si Kapre? Wait ano ba itong naiisip ko.

" anong pakiramdam ng makita mong kahalikan ko si James?" sabi niya pero halata sa boses niya na parang nang-aasar siya. Tiningnan ko naman agad siya sa mata. Nakita niya? Nakita din kaya ako ni Kapre?

"Alam mo bang ang lambot ng labi niya" dugtong pa niya, na kala mo nagda-daydream. Tumingin naman ako sa kaliwa niya, hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Parang ang sakit eh, pero bakit ako nakakaramdam ng ganito. Hindi na lang ako nagsalita baka kasi may masabi akong hindi maganda.

" At ano 'ding pakiramdam ng matapos ka niyang pagsawaan eh iiwan ka nalang niya?" nang-iinis niyang tanong. Napatingin ako sa kanya. Kelan kaya tatatak sa isipan niyang wala talagang nagyari samin ni Kapre.

" Pwede ba? Ilang beses ko bang sabihin sayo na walang nangyari samin" pagkla-klaro ko. Naiinis na 'ko, ano naman kayang gusto niyang palabasin?

" Talaga? Sa gwapong 'yun ni James? Hindi mo sinubukang akitin siya?" tugon niya. Bigla ko namang kumunot anog noo ko. Akitin? Ang kapal niya para sabihin 'yan sakin.

"Akintin? Ha! Sino kaya satin itong desperadang maging boyfriend ang halos lahat ng basketball player dito sa university?" taas noong sagot ko sa kanya. Akala niya siya lang ang may karapatang laiitin ako. Ha! Nagkakamali ka!

Sinampal niya ako pagkarinig niya sa sagot ko. Napatingin naman samin ang iba sa mga estudyante. "You Bitch! Wala kang alam! Siguro kaya ka iniwan ng tatay mo dahil malandi ang nanay mo!" pasigaw na sabi niya sakin.

Nakaramdam naman ako ng galit sa sinabi niya. Sinampal ko siya ng malakas, "Ang kapal mo! Wala ka ding alam sakin!" galit na sabi ko at sinampal na naman siya sa kabila niyang pisngi. "Sabihan mo na 'ko ng masasakit na salita, wag lang ang nanay ko!" Nanginginig kong sabi sa kanya.

"Walang hiya ka!!" hinila naman niya ang buhok ko kaya nabitawan ko ang bag at librong hawak ko. Hinila ko rin ang buhok niya. Kala niya magpapatalo ako sa kanya.

"Wala kang matinong ginawa! Bwisit ka!" galit na sabi ko sa kanya.

"Ha!! Ang pangit pangit mo! Malandi ka pa!" sabat naman niya. Napaupo na kami sa sahig dahil sa sampal at hila ng buhok ng ginawa namin. Wala namang estudyanteng gustong umawat samin, dahil baka masangkot sila sa gulo namin. Pero nabigla na lang ako ng may umawat samin.


Si Kapre.

Hinila niya si Alice. Sakto namang dumatig si Jess at si Kath. Kaagad naman nilang kinuha ang mga gamit kong nakakalat sa sahig.

"Anong nangyari ditto?" hindi makapaniwalang tanong ni Kapre. Nakanunot ang noo niyang nakatingin samin ni Alice. Parehas kaming magulo ang buhok pero mas napuruhan siya dahil na kalmot ko siya sa braso niya.

Biglang umiiyak si Alice. "Babe pinagbintangan niya kong inakit daw kita *sob* , ta-tapos *sob* sinabi niya pang-slut daw *sob* ako" nagpapaawa pa siya. Nakayakap na siya ngayon kay Kapre na umiiyak. Tiningnan naman ako ni Kapre.

"totoo ba?" kunot noong tanong niya. Ang kapal ng mukha niyang magpaawa! Gumawa ng kwento! Siya nga itong pinagbintangan ako!

"Hindi totoo yan! Alam mo namang hindi ko iyan magagawa!" galit na sabi ko sa kanya. "Wag mong sabihing naniniwala ka sa kanya?"

"sa susunod na lang natin ito pag-usapan" mahinang sabi niya. Sabay alis nilang dalawa. Hindi ako makapaniwala, kinampihan niya 'yung mangkukulam na 'yon!. Niyakap naman ako ni Jess at ni Kath. Napaiyak nalang ako.


Ang sakit.



**

A/N

Pasensya na short update lang, 'di ko na natapos eh nanuod na ko ng kasal ni Toni at Paul. Hehe!

By the way thanks for reading :)

The PromiseWhere stories live. Discover now