CHAPTER 2

12 3 0
                                    

Engagement

Luna's POV

Hay! Salamat! After 30 minutes na pag byahe ay naandito na kami sa restaurant.

Nasa labas pa kami at papasok na din.

May parang hinahanap si Papa kaya may lumapit sa kaniyang waiter. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila dahil parang bulungan lang ang pag salita nila.

Inferness! Ganda! May chandelier sa taas. Parang ganito yung kay Mama.

Bigla nalang silang lumakad kaya napa-kapit ako sa braso ni Kuya, tiningnan niya ako  na parang sinasabing bumitaw ka pero tinignan ko siyang nag mamaka-awa kaya wala na siyang nagawa kaya sinundan nalang niya sila Mama.

Nice!

Dinala kami nung waiter sa isang table na may naka upo dito isang batang ka age ni Kuya at dalawang parang kasing edad nila Mama.

Bigla nalang tumayo sila at nag besuhan si Mama dun sa babaeng ka age niya ata.

"Welcome back! Sabrina!" Sabi ni Mama at nag beso.

"It's so nice to meet you again!" Sabi naman nung tinawag ni Mama na Sabrina.

Humiwalay na sila at ang nag action naman ay si Papa at yung ka age niya.

"Nice to meet you again Siverio." Sabi ni Papa at nag shake hands.

"Nice to see you again Juanito." Sabi naman nung Siverio at nag shake hands din.

"Oh! You have kids? Sino toh? Si Leslie? Ang binata na ah..." Sabi nung Sabrina.

Binitawan ko si Kuya sa braso dahil mag babati siya.

Nag shake hands siya kay Sabrina at Siverio.

"Who is she? Siya ba si Luna?" Sabi naman ulit ni Sabrina. "... Aww she is very pretty and cute!" Dugtong pa ni Sabrina.

Walang galang naman Tita nalang at Tito.

Nag shake hands din ako katulad ng ginawa ni Kuya at ngumiti.

"Magalang na bata." Sabi ni Tito Siverio. "... Oh let me introduce our child."  Dugtong pa nito.

Pumunta yung mga ka age ni Kuya sa gilid.

"Is this Adrian? Ang gwapo nga naman." Sabi ni Papa at ngumiti dun sa bata.

"Adrian paano ulit mag bati?" Sabi ni Tito Siverio.

"Do i have to?" Cold nitong sabi.

Bigla namang nag iba ang tema ni Tito Siverio.

"Adrian maging magalang ka." Sabi ni Tito Siverio.

Umirap naman itong si Adrian at nag shake hands  sa amin.

Ipinaharap siya sa akin ni Tito Siverio.

"This is Yluna Yra Fernando Dela Cruz. Mag hi ka sa kaniya." Sabi ni Tito Siverio.

Umirap naman ito at nag bati sa akin.

"Hi." Sabi niya ng walang gana.

"H-hi." Sabi ko naman.

"Oh! Umupo na nga pala tayo." Sabi ni Tita Sabrina kaya nagsi-upo na kami.

Katabi ko si Kuya sa kaliwa kong bahagi. Bigla akong nagulat ng may umupo sa kanan ko. Tumingin ako doon kaya nakita ko siya.

Si Adrian.

Parang naiinis ang ekspression sa mukha niya. Patang napilitan lang siya.

"H-hi... Bakit ka umupo dito?" Pag tatanong ko sa kaniya.

"Cause... Why won't you mind your own business?" Sabi niya ng pag tataray at hindi naka-tingin sa akin.

"Nag tatanong ng maayos eh..." Sabi ko.

Tumingin siya sa akin.

"Cause, I have to. A monster will attack me if I don't." Sabi ni Adrian na parang walang buhay.

"Monster? Diba fictional lang yung mga yun?" Sabi ko at napakamot sa ulo.

Wala akong kuto okay?

"There is, and he's here." Sabi niya ng pananakot.

"Saan?" Sabi ko at lumingon sa kaliwa't kanan ko at tumingin sa kaniya. "... Wala naman eh." Dugtong ko pa.

"Meron talaga, and in fact nasa harap mo na siya!" Sabi niya ng pang-aasar na nakakatakot sabay turo sa harap ko.

Nagulat naman ako ng konti sabay hawak sa dibdib ko.

Tumingin ako kung sino ang nasa harap ko nakita kong si Tito Siverio lamang yun kaya kita sa mukha ko

"I told you they exist." Sabi niya sabay tingin sa plato niya dahil dumating na ang pag kain niya.

Umirap naman ako sa kaniya.

Kainis kasi.

Bigla nalang may dumating na waiter sa amin kaya itinuon ko na lamang ang pansin ko doon.

May inilagay sa akin na isang plato yung waiter sa harap ko. Isang malaking steak iyon at may kaunting GOLD BA TOH?!

Nice!

Sa tingin ko yun yung nakakain na gold. Well done na din ang steak na toh. Bigla nalang may inilagay pa sa tabi ko isang strawberry cake!

Favorite ko!

Bigla nalang may nag kulbit sa akin. Alam ko na si Adrian yun.

"Ano yan?" Sabi niya habang turo yung strawberry cake sa tabi ko.

"Straberry cake bakit?" Sabi ko ng pag-tataka.

"W-wala l-lang." Sabi niya at humarap muli at humanda na para bang kakain na.

Tsk! Bala ka jan basta kakain ako.

Inuna ko munang tinikman ang strawberry cake dahil baka may kumuha.

MGA MONSTER

Tumikim ako dito at napapikit ako sa sarap.

Napatingin ako kay Adrian. Na parang walang ganang kumain.

Huh? Bakit kaya?

Kinuha ko yung strawberry cake at kumuha ng isang slice at inilagay ito sa mangkok at inilagay sa tabi niya.

Laki naman ang pagtataka niya sa mukha niya.

"H-huh? What is this for?"  Tanong niya sa akin.

Asus! Gusto mo din naman!

"Binigyan kita, kasi sobra naman yan sa akin eh." Sabi ko.

"T-thank you." Sabi niya at kumuha ng tinidor para makain niya yung cake niya at tinikman ito. Kitang-kita ko sa mukha niya na ayos sa pansala niya ito.

"Tingnan mo sila." Sabi ni Mama Vicky.

Nakatingin pala sila kanina pa sa amin kaya napangiti nalang ako na parang naging ngiwi.

"They're getting closer to each other na ha... So... Kailan gaganapin ang engagement?" Sabi ni Tita Sabrina.

Kahit hindi ko alam yung sinabi na yun... Bakit parang nag iba ang tema nila?

"We will discuss about it tomorrow." Sabi ni Papa Juanito ng seryoso.

#LAST2






Love at second time.Where stories live. Discover now