SULAT

2 0 0
                                    



Mahal ko, kamusta ka?

Sana masaya ka kung na saan ka man naruruon

Pasensya na kung ako'y sumuko na sa ating pag-iibigan

Ngunit lagi mong tatandaan na ako at ikaw ay ginuhit ng tadhana para sa isa't isa

Hindi man ito ang totoong tadhana pero masaya akong nakilala kita, mahal ko

Sa bawat araw na naalala ko kung paano tayo naging masaya

Sa bawat pagkita natin sa tagpuan na siyang una kitang nakita

Suot suot ang napakaganda mong kulay lilang kasuotan

Sa bawat pagtagpo ng mga mata ko sayo ay siyang pagliwanag ng paligid

Sa bawat pagtagpo ng mga mata natin, ramdam ko ang kaba na siyang nagbibigay saya

Dahil sa wakas ang taong nakakuha ng aking atensyon ay tinignan at nginitian ako

Ngunit ang mga masasayang araw na magkasama tayo ay huling ngiti na makikita ko

Mahal ko, patawad kung hindi mo na ako makakasama sa dulo

Patawad kung hindi ko matutupad ang mga pangako ko sayo

Patawad kung hindi ko sinabi ang mga katagang matagal mo ng hinihintay

Patawad kung dito sa sulat na ito mo mababasa ang mga salita na iyon

Mahal ko, tandaan mo habang buhay kong dadalhin ang mga masasayang ala-ala nating dalawa

Tandaan mo mahal ko, ikaw ang siyang huling taong aking mamahalin

Mahal ko, patawad sa ibinigay kong sakit sayo

Ngunit tandaan mo, MAHAL NA MAHAL KITA, mahal ko



Nagmamahal,

Ang iyong Ginoo

The EmovereWhere stories live. Discover now