ONE-SHOT STORY.

26 2 0
                                    


Bata pa lamang si Narah nang malaman ng kaniyang mga magulang na mayroon siyang sakit. Isang sakit na hindi pangkaraniwan, sakit na iilang tao lang ang nakakaalam at iilang tao lang din ang nakakaramdam. Ngunit, sino nga ba ang hindi magugulat, magtataka at matatawa? Isa iyong uri ng sakit na hindi nakakaramdam ng sakit, iyan ang dahilan kung bakit nalilito ang karamihan.

Ngunit kahit na gano'n ay hindi ito naging hadlang sa dalaga. Ipinagpatuloy niya pa rin ang kaniyang pagaaral, kahit na alam nitong wala namang kasiguradohan ang kaniyang buhay. Hindi niya alam kung bakit sa lahat ng tao ay siya ang napiling magkaroon ng ganitong sakit, sakit na kailanman ay hindi na maaaring gumaling.

Isang araw habang nasa kalagitnaan ng klase ay tinawag ng isang guro si Narah.

"Hindi ka ba nahihirapan, anak? Hindi ba dapat ay nasa hospital ka at nagpapagamot?" Nagaalalang tanong nito, tipid siyang nginitian ng dalaga.

"Ayos lang po ako. Ipinagpapatuloy ko naman ang diagnosis kahit na nagaaral ako, ilang beses rin po kaming pumupunta ng Hospital upang magpa check up." Lintanya ni Narah. Napatango ang kaniyang guro at nginitian siya, humahanga ito kay Narah dahil kahit na may sakit ito ay napaka positibo niya at nagawa pa ring magpatuloy sa pagaaral.

"Palagi kang magiingat, sabihin mo sa amin kung may iba kang nararamdaman. Huwag mong ilihim upang maaksyonan na'tin agad, ayos ba 'yon?" Tinangohan ni Narah ang guro, nginitian ito at bumalik sa pagkakaupo.

"Ma'am, ano ba ang tunay na kahulogan ng sakit ni Narah? Hanggang ngayon ay nalilito pa rin po ako." Tanong ng isang studyante sa guro, hindi ito nilingon ni Narah, sa halip ay bumuntong hininga.

Hindi na bago sa kaniya ang ganito. Nasanay na siya sa ganitong klaseng tanong ng mga tao, sa kadahilanang hindi common ang sakit na mayro'n siya.

"CIPA. Congenital Insensitivity to Pain and Anhydrosis Syndrome. Iyon ang sakit ni Narah, isang uri ng sakit na autosomal recessive. Mayroong ilang mga kaso ng ganitong sakit na inilarawan sa panitikan, ngunit walang karaniwang pag-gamot. Ang mga pasyente na may CIPA ay maaaring mamuhay, sabihin na na'ting medyo normal." Lintanya ng guro, dahilan kung bakit napabuntong hininga muli ang dalaga. "Ang ibang pasyente ay may mahinang mental retardation at nag-aral sa mga espesyal na paaralan. Gayunpaman, mayroong ilang mga pag-iingat na kailangang gawin upang matiyak ang kaligtasan ng may ganitong uri ng sakit, katulad ni Narah. Ang pasyente ay dapat na palaging suriin kung may mga hiwa, pasa, pinsala sa sarili, at iba pang posibleng pinsala sa katawan, dahil kahit na hindi nila ito nararamdaman ay maaaring may mangyari na hindi maganda. Gayundin, dapat silang regular na bumisita sa kanilang doktor upang magpa-check up, upang matiyak na walang nararamdaman. Mayroong anim napo't dokumentadong kaso sa Estados Unidos. Mga ulat na siyang nagpapahiwatig, na ang mga pasyenteng ito ay maaari lamang mabuhay ng hanggang limang taon. Ang mga dahilan ng pagkamatay ng may mga sakit na CIPA ay mga bagay na maaaring gamutin. Ang pag-atake ng init, mas mapanganib para sa mga pasyenteng may CIPA dahil hindi nila ito nararamdaman, kaya hindi nila alam na kailangan nilang ma Hospital. Bagama't ang mga pasyente na may CIPA ay kadalasang nakakaranas ng trauma, bony fractures, at osteomyelitis dahil sa kawalan ng pakiramdam sa pananakit. Samakatuwid, ang mga naturang pasyente ay maaaring sumailalim sa operasyon tulad ng osteotomy at amputation. Ayon sa articles ay tatlo sa pasyente ang nagkaroon ng matinding osteolysis sa oral cavity na may osteolysis at pagkaputol ng mga daliri bilang resulta ng self mutilation. Ang congenital insensitivity sa sakit na may anhydrosis ay maaaring ma-misdiagnosed bilang leprosy, batay sa mga katulad na sintomas ng matinding pinsala sa mga kamay at paa, na hindi tumutugma sa mga kaso ayon sa iba pang mga natuklasan." Muling paliwanag ng guro, nangunot ang noo ng nagtanong.

"Wala pa rin akong maintindihan, masyadong nakakalito ang sakit na mayro'n si Narah." Nagugulohang turan nito, habang  tahimik lamang ang ibang studyante.

TILL MY HEARTACHES END. (ONE SHOT STORY)Where stories live. Discover now