PART NINE

12 4 0
                                    

Tapos na kaming kumain at nag bayad na si Fuel, "salamat sa pagkain grabe kulang pa" saad ko

"Kain ka ng kain hindi ka naman tumataba" sabi naman Ash at binigay sakin ang isang Siomai na may laway na niya, "ang bait mo naman wag na may laway mo na kasi,ayaw ko pa naman mahawaan ng may nunal sa noo" saad ko at lumayo kay Ash baka kasi hampasin ako nako nako talaga naman.

Tiningnan naman ako nito ng masama kaya tumawa ako,pati yung nunal niya sa noo nagalit na sakin,naka tingin kasi sakin eh hahaha, "takpan mo nga third eye mo natatakot ako" asar ko.

Tapos hindi na niya ako pinansin, "aba ang suplada naman" saad ko sa isip at lumapit sa kaniya, "galit na ang beshy ko?" Asar ko pa

"Che,sino kaba" sabi nito

"Mama mo" sabi ko at hinampas ako

"Grabe naman to,kulang nalang sayo na tong katawan ko maka hampas ka wagas" saad ko

"Sino kausap mo?"

"Nunal mo" saad ko

"Hahaha" tawa ko at nakita ko naman si Fuel naka ngiti,iba talaga oh napa ngiti kona siya nyaknyaknayak

Kaya naisipan ko nalang lumipat ng pwesto dahil baka maistress yung isa hahah, "hi Fuel" saad ko dahil sa kaniya ako lumapit,nasa gitna si Fuel oo at hinakbayan ko naman siya kahit naka taas ang paa ko,ang tangkad kasi niya,namukha na nga akong alipin sa kanilang dalawa dahil mataas sila,pake ko naman atleast my hieght.

Nakita ko naman si Maimai kaya sumigaw ako, "Maye ay Maimai" sigaw ko nakita ko naman napatingin ito sakin at kumaway naman ako ganun din siya at ngumiti ito sakin. Nakita kona rin si Kenshin dahil kasama niya pala to.

Kaya tumakbo ako sa kanila, "hoy anong ginagawa nyo?wow ano yan penye naman" saad ko at kinuha ang hawak hawak ni Kenshin at kinain. "Walang kabusogan tong si Mans" rinig kong sabi ni Ash kaya kinindatan ko lang siya.

"Hi ako si Ash at siya naman si Fuel nice to meet you" saad ni Ash at nakipag kamayan naman silang apat, at ako naman, "grabe naman may apat na puno sa harapan ko" saad ko dahil ang tatangkad talaga nila, para na ngang hindi na nila ako nakikita eh huhuhu.

"Ay sorry" sabi naman ni kenshin at kinurot ang pisnge ko, "don't" sabi ko sabay iwas ng mukha

"So kamusta na kayo?si Manexxt ba inaasar kayo?sorry ganyan talaga siya,alam nyo ba pa iba-iba yung ugali niya haha" sabi ni Maimai kaya tinakuran ko sila, ang tangkad kasi nila nag mukha tuloy akong unggoy na nag hahanap ng saging sa katangkad nilang apat.

"Mans sa bahay nyo bukas huh!" Sabi ni Ash

"Oo, wala naman pasok bukas kaya kahit doon na kayo matulog expect lang pala sayo ash,bawal doon may Third eye" at nag si tawanan naman sila maliban lang kay Ash naka tingin nanama sakin ng masama,kasama na rin si Little nunal hahaha.

Ayaw na ayaw kasi niya kasing asarin siya ng ganun sabi nga nila ako lang daw ang nakagawa nun,dahil nga renirespect kasi siya,syaka si Fuel dahil pogi at maganda sila, syempre naman diba isa din silang Model,yun kasi sabi sakin ng mga classmate ko,ako lang daw ang nagagawang asarin si ash ng ganun na bagay. Sa ngayon siguro si Fuel saakin din ata siya dahilan kung bakit naging bait siya, pero para akin lang huh.

Si Fuel masungit,hindi marunong ngumiti at matalino pa pangit siya pero pogi naman dahil matangos ang ilong nito bagay na bagay sa kaniya,pangit man siya at least sa ilong ang dahilan kung bakit siya pogi. Si Ashley naman maganda na nga may nunal pa chussieeekk, maganda at hindi matalino pero mabait maliit ang kaligayahan niya,at mabilis magalit tingnan nyo naman kapag si nunal ang pag usapan nagagalit,kaya ako ito tawang tawa sa pinag gagawa ko.

Pinag kamalan pa nga akong tomboy eh,huhu mga chunango nga naman hahaha. Bigla ko naman naalala birthday kona pala bukas,pero ayaw ko sabihin sa kanila kasi wala akong pera pang gastos para pag handaan,kaya nga sa bahay kami gagawa ng proj,at sa report namin,para yun yung handa ko hahaha, masaya na ako kahit walang handa hindi din alam hila Maimai at ni kenshin yun,mas mabuti na yun kaysa naman malaman nila,eh wala akong ipapakain sa kanila.

"Ano Mans uuwi na kami dito nalang kami" sabi ni ash at sumabay naman si Fuel sa kaniya

"Sge ingat kayo" sabi ko at lumingon ito sakin at ngumiti

"So tara na gusto ko nang matulog" saad ko at nag lakad na,nasa likod ko ang dalawa,hindi ko alam kung anong pinag usapan baka chinichismis nanaman ako nito abay't hindi ako papayag,dapat ako yung mag chismis para sa kanila hahah,diba ayaw ko sa lahat aagawin yung Trono ko,gusto ko ako lang makagawa nun.

Habang nag lalakad naman kami ako naman ay tahimik tapos yung dalawa nag uusap hindi ko naman marinig yung sinasabi nila dahil kanina pa sila nag bubulongan ng hindi ko naririnig, "may tenga ako handa akong makinig sa chika ng dalawa dito" sabi ko at tumawa naman ang dalawa.

"Ay bandyan ka pala" sabi naman ni Maimai

"Ay wala,wala ako tingnan mo" sabi ko sumayaw ng wet the bed ng ikinatingin ng mga tao

"Hahaha" tawa nang dalawa

"Sorry na,pinag usapan lang namin yung kanina dahil itong si Kenshin may naitulak na babae,akala niya kasi ikaw yun"sabi naman nito ni Maimai,nakita ko naman tumango itong si Kenshin.

"Okay tara na nga gusto ko na talaga matulog at umuwi" saad ko at binilisan ang pag lakad,dahil antok na antok na talaga ako,hindi kona talaga kaya tapos ginugutom pako. Hindi ko naman alam dahil ngayon lang akong ginutom ng ganto huhu ayaw ko pa naman tumaba.

Naka uwi nako at nasa kwarto nako,kaya humiga ako kahit hindi pa ako nag bihis dahil nga tinamad na ako,gusto ko pa naman taposin yung story kung ginawa pero ayus lang,may time pa naman siguro Kung gagawin ko bukas kapag tapos na kami sa proj&report na gagawin.

Kaya pumikit nako dahil naiinip na yung mata ko kasi napa pikit ako,kahit nga kanina habang nag lalakad pinipigilan kong hindi pumikit.

First Meet And First LoveWhere stories live. Discover now