I TEXTED THE WRONG PERSON

0 0 0
                                    

"I TEXTED THE WRONG PERSON"

📌Pure fiction
📌Plagiarism is a crime
📌Typographical and grammatical errors ahead
📌Please do not repost this without any of my permission or without credits.

(John Paulo Nase ft. Stellvester Ajero ft. You)

John Paulo Nase is my long time crush but sadly, kaibigan lang ang turing niya sa akin.

"Pandak, boring dito. Punta ka sa amin," awtomatikong napakurba ang aking labi para sa isang ngiti.

"Sige, magpapaalam lang ako," ani ko at pinatay na ang tawag.

Mabilis akong nagpunta sa kanila.

Naabutan ko siyang nanonood ng mga vlogs sa youtube kasama ang kuya niya.

Tinabihan ko sila at nakinood na rin.

Tahimik lamang kaming nanonood hanggang sa napadaan kami sa isang tiktok video.

It was a video wherein someone is trying to confess her feelings to her bestfriend.

Pinanood namin iyon hanggang dulo at bigla akong naiinggit sa kinalabasan ng confession niya.
Her bestfriend likes her too.

Napatingin ako kay Paulo at nakita kong matalim ang titig niya sa video.
Nahiya pa ako nang mahuli ako ng kuya niya. Nag-iwas ako ng tingin.

"Puntahan ko lang si mama," paalam nito sa amin bago pumasok sa kusina.

Naiwan kaming dalawa ng kuya niya pero saglit lang, nagpaalam na rin itong papasok sa kwarto niya.
Kinabahan ako bigla.

Binabalak ko kasing kunin ang number ni Paulo.

Ilang beses ko ng sinubukan pero hindi ako nagtatagumpay. Alam iyon ng mga kaibigan ko kaya madalas akong pasimpleng binubully tuwing kasama ko siya.

Iniisip ko nga na baka alam na rin niya at nagpapanggap lang na hindi.

Hindi ko itinuloy ang panonood ng mga vlogs. Bagkus, pumunta ako sa speed dial niya. Dinial ko ang numero ko gamit ang cellphone niya.

Napangiti ako ng tumunog ang cellphone ko. Kaagad ko ring binura ang number ko sa speed dial niya para hindi ako mahuli.

Bumalik siyang may dala-dalang pagkain at isang pitsel ng orange juice.

Hindi siya tumabi sa akin tulad kanina at umupo sa isang pang-isahang upuan.

"Anong pinapanood mo?," tanong nito sa akin habang nagsasalin ng juice sa isang baso.

Nataranta tuloy ako at kaagad na pumunta ng youtube sabay pindot ng isang video.

"Ganito," sagot ko at ipinakita sa kanya.

"Kailan ka pa nahilig sa mga ganyan?," nagtaka ako kaya tiningnan ko yung video. Napamura ako sa isip ko. Ito yung video na pinanood namin kanina.

Hindi ako sumagot. Samantala, mas lalo pa akong nahiya nang mapansing nakatingin siya sa akin.

"Bawal ba? Gusto kong manood ng ganito" bwelta ko.
Lalong nagwala ang puso ko nang ngumuso siya.

He suddenly shook his head and finally spoke.

"Umuwi kana nga sa inyo."

Kinagabihan, kaagad kong tinext si Paulo gamit ang ibang numero. Mahirap na kasi baka mabisto pa niya ako.

"Good evening, baby!"
Napatili ako ng magreply siya.

"Sino ka?"
Nagreply ulit ako pero hindi na siya sumagot.

Nagtaka tuloy ako nang sunod-sunod ang text niya sa akin, kinaumagahan.

'Hi'
'Don't forget to eat.'
'Baby'

Bigla nalang ba akong nagustuhan ni Paulo?

Sa tatlong linggong pagtetext namin sa isa't isa, mas lalo akong nahulog sa kanya.
Sobrang sweet kasi niya at caring. Natatakot nga lang ako sa kung anong magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang ako iyon.

Kaya naman, napagpasyahan kong puntahan siya sa bahay nila at doon na umamin.

Walang paalam akong pumasok sa gate nila at doon, narinig ko ang pag-uusap nila ng mga kaibigan niya.

"Tol, iba na yata ginagamit mong number?," si Josh.

"Oo nga, hindi na kita matawagan doon sa isa," Justin added.

"Maski ako eh!" dagdag pa ni Ken.

Nagtaka ako. Napailing naman si Paulo.

"Tinapon ko na. May nagtetext kasi sa akin, hindi ko naman kilala," he shortly answered.

Nagtanguhan ang mga kaibigan niya.
Namutla ako. Sino 'yong kausap ko ng ilang linggo?

Bigla-bigla, isang kamay ang tumakip sa bibig ko. Pilit akong kumakawala pero lalo lang humihigpit ang yakap nito sa akin.

"09*********," bulong nito sa akin.

Mas lalo akong kinabahan. Numero ko kasi iyong binanggit niya.

Sa kaba, tinapakan ko ang isa sa mga paa niya. Siniko ko rin ang tiyan niya dahilan para makawala ako.

Narinig ko siyang namilipit sa sakit kaya lumingon ako.

"K-kuya S-Stell?," gulat kong sabi sa nakakatatandang kapatid ni Paulo.

"Hi, baby," hirap pa rin nitong sabi habang hawak ang tiyan.

"Kuya? Y/N? Anong nangyari?," nagulat kami pareho nang pumasok sa kusina si Paulo.

Tumayo si Kuya Stell kahit halatang masakit pa rin ang tiyan niya. Inakbayan niya ako bigla at ngumiti sa kapatid.

"Wala naman. Mukhang nagulat ko yata girlfriend ko, bro."

Yes. Hindi si Paulo ang nakatext ko ng ilang linggo, kundi ang kuya niya. Kuya Stell turns into Baby Stell.

-END-
Thank you for reading

@JashTinKyulen

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Sep 20, 2023 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

SB19 SCENARIOSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora