CHAPTER 1

14 1 0
                                    

Napaangat ako nang tingin ng tawagin na ang pangalan ko ng head nurse, nag-apply kasi ako dito sa SENTRAL OSPITAL. Private ang ospital na ito, dito dinadala ang mga taong nawawala sa katinuan. 

Inabot na ulit nya sakin ang brown folder na pinasa ko kanina.

“You‘re hired Miss Cordero, pwede kana ngayong magsimula. Ang bukod tanging assigned area mo ay sa room 73 at ikaw lang mismo ang magbabantay sa pasyente roon.” Paliwanag nito sa akin. Napatingin naman ako sa katabi niya na parang gulat na gulat sa narinig.

“You can back out if you want, gusto ko lang ding iklaro ha, do you really need this job?” Tanong nito saakin.

“Y-yes, kailangan ko po kasing maka-ipon tatanggapin ko po ang trabahong ito kahit na alam ko pong delikado, maraming salamat po.” May pagkasamid pa ang tono ng boses ko.

“She didn't know about patient in room 73...”

“It's okay, I think she can protect herself...”

I can hear them, ganon na ba talaga kadelikado ang pasyente sa room 73? Kailangan ko na bang matakot? Alam ko naman ang mga pasyente nila dito ay mga baliw or a psycho, pero... Ah—basta kailangan ko ang trabahong ‘to. Iyan ang ilan sa naging tanong ko sa sarili habang nakatulala sa kinauupuan ko ngayon.

“Sumunod ka sakin Miss Cordero.” Agad din naman akong sumunod.

Nasa kalagitnaan palang kami nang paglalakad ng mapansin ko ang ilan pang nurse na nag bubulungan. They mentioned room 73.

“Pwede po bang magtanong?” Ani ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

“Yes iha ano yon?” Malambing at napaka kalmado ng boses niya.

“D-delikado po ba sa room 73? K-kailangan ko bang magdoble ingat sa pasyente doon?” Naghintay ako sa sagot niya tila napapaisip pa ito bago ako sagutin.

Hinarap ako nito at napaiktad ako sa gulat, sabay hawak sa magkabilang balikat ko. “He's a psychopath, he might kill you. Miss Cordero! Maraming nurse narin ang sumubok, ilan sa kanila ay hindi na bumalik sa ospital dahil hindi nila kinayang bantayan ang pasyente roon. And yes, take good care of yourself.”

“Ows, kaya po pala.” Napalaki ang buka ng bibig ko nang marinig ko iyon, ako kaya?

Huminto kami sa isang room, binasa ko ang nakalagay na numero sa labas ng pintuan. 'Room 73'

“Nandito na tayo.” Binuksan niya ang pintuan sa sobrang dilim ng lugar ay halos hindi ko maaninag kung may tao pa ba dito. Bumilis naman ang tibok ng puso ko at natagpuan ang sariling nanlalamig.

Agad din namn kaming pumasok at binuhay niya ang ilaw tumambad sa amin ang nagkalat na mga gamit, dugo, mga basag na gamit at iba pa. Napukaw ang aking pansin sa lalaking nasa gilid, naka kadena ito sa parte ng kamay at paa niya.

“She's your new nurse.” Bulyaw nito mula sa kinatatayuan namin.

“Mauuna na ako. Once again, take good care Miss Cordero." She tap my shoulder twice at tumalikod para lumabas sa kuwarto.

Tumango lang ako sa kanya at sinundan ng aking mata ang kaniyang pag-alis, agad din namang bumalik ang tingin sa lalaking mahabang buhok, madumi ang kasuotan at may mga bahid pa ng dugo.

“H-hi, I'm Ophelia Cordero. Ako ang bago mong nurse simula ngayon, ano nga pala ang pangalan mo?” Tanong ko rito.

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Apr 28 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

PSYCHOPATH PATIENTOnde as histórias ganham vida. Descobre agora