CHAPTER 13

5.4K 125 4
                                    


HANGGANG sa makapasok kami sa resto ay nakasimangot pa rin ako dahil sa asar ko sa kasama ko ngayon. Mabilaukan sana siya mamaya

Nang makaupo na kami ay si Howard na ang pina order ko. Dahil ang hihirap pa naman basahin 'yong mga nasa menu nila.


"H'wag kanang sumimangot bebe ko,  papangit ka lalo niyan." Sabi ni Howard at para pa itong nagpipigil ng tawa


Napairap naman ako

"Bebe mo mukha mo!" Mahinang singhal ko sa kanya


Tumawa naman siya kaya napatingin 'yong ibang kumakain dito. Napatikhim ito at umayos ng upo.


Bumelat naman ako sa kanya ng makita kong namula siya.

"Bilis ng karma 'no?" Pang aasar ko sa kanya

Napaismid naman siya

Nang ma served na 'yong order namin ay nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay nag uusap rin kami ng kong ano-ano. Well, except sa past namin, dahil for sure, magkaka-awkwardan na naman kami.


Masaya pa rin kaming nagkwekwentohan ng may biglang sumabat


"Hi, Pinsan. Hi, Cap."

Napalingon naman kami ni Howard at nakita namin ang dalawang kambal.
Nakita ko ang madilim nilang awra lalo na kay Zynard na walang emosyon na nakatingin sa akin. Habang si Zenard naman ay nakangiti ito, pero walang emosyon ang kanyang mga mata
Mukhang galing pa silang dalawa sa trabaho.

Uminit naman ang pisnge ko ng maalala ko ulit 'yong halik.

Hay, ba't pa kasi nagpakita itong dalawa na 'to? Hindi ko na tuloy malunok 'tong kinakain ko


"What are you two doing here?" Seryosong tanong ni Howard sa kanila.


Nakakatakot talaga 'tong si Howard kapag naka serious mode, pero mas nakakatakot 'tong dalawang kambal dahil parang hinuhukay ang buo mong pagkatao habang nakatingin sayo. Tulad nalang ngayon.


"Myrtle was attacked by her asthma again, and you need to go home." Seryosong sagot ni Zynard at bumaling kay Howard


Nakita ko naman ang pagkataranta ni Howard at bakas sa mukha niya ang labis na pag-alala sa bunsong kapatid. Maski din naman ako, ay nag alala rin ako ngayon sa batang 'yon.


"Kanina pa sila Tita tawag ng tawag sayo, pero 'di mo naman sinasagot" Pagsingit ni Zenard sa usapan at nakita kong seryoso na siya

Kinuha naman ni Howard sa bulsa niya ang kanyang cellphone at napamura.

"F*ck!"

"You should go now, Ed. Don't worry, kami na bahala kay Akira." Sabi ni Zynard at namulsa.

Nakita ko naman ang pag-aalangan ni Howard, pero 'di kalaunan ay tumango siya.

He gave me an apologetic look

Nginitian ko naman siya

"It's okay, Howard. Your sister needs you, and I understand." Sincere na sabi ko sa kanya

Ngumiti naman siya at hinawakan ang  kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. Narinig ko naman ang pagmumura ng kambal pero 'di ko nalang 'yon pinansin


"Thank you, Kir. Don't worry, babawi ak-


"Times up. You need to go home now." Pagputol ni Zenard at hinila patayo si Howard. Napakamot naman ito ng ulo at nag-iwan ng pera sa ibabaw ng lamesa.


Girl in Red (PUBLISHED)✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt