Part 7 - The Scandal 1 | #VinNie, #09z

38 1 0
                                    

Authors Note : Malapit na tayo sa exciting part 😉

Onie's POV

Nagising ako ng maaga dahil sa tunog na galing sa cellphone ko.

Inis ko yong kinuha at sinagot kahit di ko nakita kong sino ang tumatawag.

"hello, ang aga aga istorbo" inis na sagot ko.

"ah, hello, Onie, si Vinci to sorry naistorbo kita hindi na kasi ako makapaghintay" sagot sa kabilang linya.

Nabigla ako na si Vinci pala ang tumawag.

"ah, Vinci, ikaw pala, sorry din, akala ko kung sino" sagot ko.

"ano pala kailangan mo? bat ka napatawag" dagdag ko.

"ah, kasi may itatanong sana ako sayo, papasok ka ba ngayon?" tanong nya.

Nagtaka ako kung ano ang kailangan niya sakin.

"hindi ba pwedeng ngayon mo na sabihin?" tanong ko.

"gusto ko sana personal tayo mag-usap, importante kasi to" sagot niya.

"sige, kita nalang tayo sa school" sagot ko.

"sige, bye ingat ka" tsaka niya binaba ang tawag.

Ninamnam ko muna ang huli nyang sinabi bago ko tuluyang binaba ang cellphone ko.

"hindi mo alam kung gaano mong pinasaya at binuo ang araw ko ngayon chi" bulong ko sa sarili at napangiti naman ako sa iniisip ko.

Matagal na akong may gusto kay Vinci ngunit takot akong magsabi sa kanya lalo na matapos kung malaman ang lahat, na may gusto sya kay Reyster.

"sana ako nalang yon chi, sigurado akong di kita sasaktan" malungkot na sabi ko sa sarili habang papasok sa shower room kom

Binuksan ko ang shower at naramdaman ko ng malamig na tubig sa buo kong katawan, napakasarap sa pakiramdam.

Habang naliligo ay inalala ko ang lahat kung paano ko unang nagustuhan si Vinci.

Napakaganda ng kanyang ngiti, masayahing tao, simple at sobrang bait.

Pilit ko munang iwinaglit sa isip ko ang lahat at tinapos ang aking pagligo.

Tapos na kong maligo pero bago pa ako makalabas sa banyo ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at napangiti naman ako.

Alam ko sa sarili kong excited na akong makita sya lalo na ngayong mas malapitan pa. Matagal ko nang gustong makausap ka chi, marami akong gustong sabihin sayo, marami.

Nagmadali akong lumabas ng bahay kahit di pa ako nag breakfast.

Naisipan kong sa school nalang kumain at yayayain ko si Vinci na samahan ako. para sweet hahahaha ano ba naman tong iniisip ko.

Malapit na ako sa school pero bago ako makarating sa gate ay may natanaw akong dalawang lalakeng nag-uusap, di ko sila mamukhaan dahil pareho silang nakatalikod pero ang isa ay alam kong dito nag-aaral dahil na rin sa uniform nyang suot.

"mamaya ulit, parehong oras, ako na bahala gumawa ng paraan" sabi ng lalakeng naka uniform sa kausap nya

"sige boss" sagot ng lalake.

pagkatapos nun ay sumakay na sa kotse ang lalake at umalis, binagalan ko ang lakad ko dahil hinihintay kong makita kung sino ang lalakeng iyon.

"Kuya Onie"

may tumawag sakin kaya tinignan ko kung sino iyon.

"oh, Prince"

Si Prince, isang 1st year High School, magaling mag rap, kumanta at sumayaw na rin, sa bagay nasa music school nga pala kami, alangan naman magluto sya dito di ba.

The NotebookWhere stories live. Discover now