C 1

16 3 0
                                    

'Bibingka'  Yan ang tawag saakin sa buong campus bakit? Simple lang dahil naglalako ako ng mga kakanin dito na s'yang niluluto ni nanay. Hindi naman ako apektado dahil kahit anong asar ang gawin nila, bumibili din naman sila saakin, so in short, kinain nila ang sariling salita nila. Tsaka bakit naman ako magpapaapekto e, totoo naman yun. Ang unique nga ng paninda ko e, kung ung iba tuwing pasko lang itinitinda ung mga gawa nilang Bibingka, ako araw-araw may bibingkang dala. By the way, I'm not introducing myself yet, my bad. Sorry.

Ehemm..

Hi, Everywan(one), My name is Yani, Yes, Yani Dela Cruz, that's me. I'm 21 years old, single but not ready to mingle (I'm waiting for someone) I'm currently a college student.

“Hoy! bibingka!” agad akong napalingon sa kung sino man ang sumigaw. Nangunot ang noo ko ng makita kung sino ito.

“Anong kailangan n'yo” bigkas ko ng makalapit ito.

“Kamusta ang bibingka natin. Meron pa ba?” mapanguyam na tanong nito sabay kuha ng basket na dala ko na may lamang kakanin. Recess kasi ngayon kaya nandito ako sa may circle ng school. well, dito naman ako lagi nakapuwesto dahil mas maraming nakatambay dito na studyante tuwing recess. Maganda kasi dito mahangin, malawak pa.

"Pre, may tatlo pa"

"Oi, sakto. Amin na lang 'to bibingka ha."

“Hindi pwede, bayaran n'yo yan. Jared.”

“Paano kapag ayoko?”

“Edi kay mayor ako manghihingi ng bayad sasabihin ko pinagkukuha mo lahat ng paninda ko ng walang bayad.”

“Sige, subukan mo makikita mo ang hinahanap mo.” pagbabanta nito.

“Talaga” matagal akong nakipagtitigan dito bago ko marinig ung bell na hudyat na magsisimula na ulit ung klase.

Ala-sais na ng matapos ang Huling klase ko ngayong araw at sadyang nakakapagod yun. Naglalakad ako ngayon sa hallway pababa ng hagdan ng may biglang humila saakin sa braso dahilan para mapatili ako.

“Sige, subukan mong sumigaw.” pagbabanta nito.

Takot yan ang unang nanaig saakin dahil sa tono ng pananalita nito. I know him, kilalang kilala base palang sa amoy, at sa pananalita nito.

“J-jared, Anong kailangan mo?”

“Subukan mong mag sumbong kay dad. You know what can I do right? Kayang kaya kong tanggalin yang scholarship mo. Kahit si daddy pa ang may hawak sa scholar mo.”

“Anong gusto mo?”

“Simple lang sundin mo lahat ng gusto ko, lahat ng sasabihin ko gagawin mo.” May pagdadalawang isip ko s'yang tinignan. Iba ang likaw ng bituka nito. Kilala si Jared bilang playboy ng campus at marami na ring napabalitang may mga pinapaiyak itong babae kaya hindi na nakakapagtaka yun dahil parti iyon ng ugali n'ya.

“Anong gusto mo?”

“Tomorrow, after class. Iintayin kita sa may parking.” bigkas nito.

“Wag kang magkakamaling mag sumbong kay dad. Alam mo na kung ano ang kapalit.”

Wala sa sarili nang nakauwi ako ng bahay. Naabutan ko doon si nanay na hindi mapakali sa may kinauupuan nito.

“'Nay?”

“Yani” bakas sa boses nito ang takot.

“Ano pong nangyari?”

“Y-yani, ung kapatid mo kasi..”

“Po? Ano pong nangyari kay Kim?” Natigil ang bibigkasin na ni nanay ng makarinig akong magsalita mula sa likuran ko.

“'Nay, ok nga lang ako. A-te wag kang m-kinig dyan kay n-nay” kahit anong pilit man na itago nito na nahihirapan s'yang humiga hindi iyon nakalagpas sa akin.

The Mayor's SonWhere stories live. Discover now