Ah Baka Wala Naman Tayo

3 0 0
                                    

Lahat nagbabago ganun din Ang puso mo
Bago matapos Ang taon gusto kung magbago din Ang puso ko.

Dumating ka sa panahong di ko inakala, sa panahong nawalan ako ng tiwala, sa panahong durog ako, sa panahong nangangailangan ako ng isang taong bubuo ulit sa nasirang ako.

Madaling sabihin pero sobrang mahirap gawin.
Alam mong Masaya na Siya, kaya sana maging masaya ka na rin kahit wala na siya.

Kung pwede lang ibalik Ang panahon na nakilala mo siya, na hindi tulad ngayon na halos di ka na kilala.

Hindi madaling makalimot alam ko lalo na kung mahal mo siya pero hindi madaling ipagsisikan Ang Sarili kung ayaw niya na talaga.

Salamat dumating ka, hanggang naging komportable tayo sa isa't- isa; hindi ko alam anong meron sayo, pero sa tuwing kausap kita ay labis ang aking saya, halos araw araw gusto kong kausap ka, ayokong atensyon mo ay mabaling sa iba.

Araw araw, gabi-gabi tayong nag-uusap.
Hanggang sa diko namalayan, ako'y dahan-dahan nahuhulog.
Lumipas ang mga araw at linggo,
Hindi ko alam kung napapagalitan kana sa inyo.

Mahal mo pa? Lalaban ka pa? Di paba malinaw na. Iniwan ka nga umaasa ka pa?
Masaya na siya huwag kanang magpakatanga.

Masakit, syempre masakit; nagmahal ka eh.
Hindi lahat ng nagmahal masaya. Yung iba nagtitiis makasama lang mahal nila.

Isa ka ba dun?
Isa ka ba sa taong nalimutan na ang halaga sa sarili dahil sa isang taong kaylan man ay dika pinapahalagahan at pinaglaban?

Na kailan man at naging manhid dahil ang alam mo lang ay mahal mo siya.
Too much love will kill you nga ba talaga?
Huwag mo ng balikan, tapos na diba?
Kahit alam mo namang wala kanang mapapala kundi luha.

Di kaya? Di kayang kalimutan siya? Akala mo lang yan dahil hanggang ngayon nakabalot ka sa katanungan.

Salamat dumating ka, mas malinaw ang mundo ko, mas nakilala ko ang totoong ako, di mo ko iniwan, kahit pa nong nakita mo ang aking kasamaan.

Never come back to whatever broke you.
Lumipas ang mga araw at linggo, na halos umabot na ng taon,

Nagtanong ako sayo patungkol sa "closure"
Hindi man naging maganda ang simula.
Ngunit, ikaw ang nag comfort sakin;
Ikaw ang bumuo muli, ngunit ako'y lumisan.

Salamat dumating ka, sa panahong di ko maalala, nawa'y lagi mong isa-isip -
Anuman ang mangyari.
Ok na ako, at kung papapiliin ako ito ay para sa taong nagpapasaya, ikaw ang nanaisin kung makilala at makamit hindi man ako ang pipili sa huli.

Salamat at nakilala kita.

This poetry reserved December 21, 2022
Revision and published by Mariel Amora
Original title: Ah, Baka Wala Naman Tayo
Revised title: Goodbye Feelings


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ah Baka Wala Naman Tayo Where stories live. Discover now