CHAPTER 8

127 6 4
                                    

Stephanie's POV

Nakalabas na nga kami sa hospital sa tulong ng pamilya ni Andrei, nasabi pala ni Doc Kaila yung tungkol kay Tatay kay Ma'am Andrea at kay Ma'am Louise, sila yung nagbayad ng hospital bills ni Tatay at binili lahat ng gamot ni tatay good for 1 month. Nahihiya nga ako dahil wala man lang silang hininging kapalit para man lang kahit papaano'y makabawi ako. Pagbubutihan ko nalang sa trabaho at kung may panahon ay eextra ako sa coffee shop ni Ma'am Louise na walang bayad hehe

Nandito ako sa school dahil hinahanap ko si Andrei dahil gustong magpasalamat ni Tatay sa kanila at gustong imbitahan ni Tatay ang buong pamilya ni Andrei. Ayaw ko nga sana dahil nakakahiya pero si Tatay kasi mapilit. Inaabangan kung matapos ang practice ni Andrei para sabihan siya, hindi kasi ako mag rereport kay Ma'am Andrea ngayon eh dahil pina leave niya ako ng isang linggo para matutukan ko si Tatay, ang bait diba?

Me: Andrei!!

Tawag ko sa kanya dahil tapos na ang practice nila. Agad naman siyang lumapit sa akin

Andrei: Yes, Ms. Fuentes?

Parang tanga naman to! Para tuloy siyang si Ma'am Louise haha! Aaminin kung mas naging close kami ni Andrei at mas nakilala ko siya, hindi naman pala siya hambog gaya ng sinasabi ng iilan eh. Mahiyain lang talaga siya.

Me: Gusto sana kayong imbitahan ni Tatay sa bahay eh, ikaw at ang buong pamilya mo.

Alanganin kung sabi sabay kamot sa batok ko.

Andrei: Oh? Si Tatay mo lang? Bakit ayaw mo ba kaming imbitahan? Naku isusumbong kita kay Mommy----Arraayy!

Agad ko siyang pinalo sa braso, parang ano naman kasi eh

Me: Ikaw kasi eh! Gusto ko naman pero nahihiya kasi ako sa bahay namin no?
Andrei: Ano ka ba! Atleast may bahay diba? I'll tell Mama and Mommy about that. Kailan ba yan panini, hmm?
Me: Yan ka na naman eh! Para kang si Lyle

Nag-iba naman ang expression niya nung binanggit ko ang pangalan ni Lyle. Pero hindi ko nalang masyadong pinansin yun at baka nilalagyan ko lang ng malisya.

Me: Bukas ng gabi sana eh, kung ayos lang sayo?
Andrei: Sige. I'll tell Mommy. Tatawagan nalang kita.
Me: Sige, aalis na ako ah?

Naglalakad na ako palayo ng tawagin ako ni Andrei ulit at patakbong pumunta sa akin

Andrei: Line! Tek lang! Hoy!

Napahinto naman ako sa paglalakad at tinignan siya. Ang hot naman tingan!

Sumasabay kasi ang buhok niya sa bawat galaw niya dagdag pa yung pawis niya na kahit tumatagaktak eh presko pa din niyang tingnan. Literal na wet look talaga

Andrei: Hoy! Stephanie Line!

Hindi ko namalayang nasa harapan ko na siya and he snaps his finger on me, kaya bumalik ako sa wisyo.

Me: Ha--ah? A--ano yun?
Andrei: How can I contact you if I dont have your number?

Sabi pa niya sa akin na nakataas ang isang kilay, para namang kausap ko si Ma'am Andrea neto? Hahahaha ibinigay ko ang number ko sa kanya at naghintay ng masasakyan sa labas pauwi sa bahay. Naalala ko na naman yung number na nag text sa akin dahil nag text siya kaninang umaga, quote lang naman pero about love eh. Tapos may nag iwan pa ng pulang rosas sa upuan ko kanina na wala namang nakalagay kung kanino galing. Naguguluhan na talaga ako!

Hindi kaya yung LM na nagbayad lahat ng gamot ni Tatay ay si Ma'am Louise? Pero teka, paano yung pulang rosas sa upuan ko kanina?

Hindi kaya si Lyle yun? Pero bakit naman niya gagawin yun? Dadaan na muna kaya ako sa coffee shop ni Ma'am Louise, pero ano namang sasabihin ko? Ah bahala na! Sumakay ako ng tricycle para ihatid sa coffee shop kung saan din nagtatrabaho si Lyle. Mabilis lang akong nakarating dahil malapit lang naman yun sa school.

Andrei Louise Villanueva-Mendoza (MHBTY BOOK 3)Where stories live. Discover now