Prologue

5.7K 68 4
                                    

One relationship ruined because of a one night's mistake.

"Ikaw ang hiling sa ating Ama nawa'y ibigay ka sa akin."

Isa lang iyan ang aking dalangin pero hindi ganito ang sitwasyon na gusto ko dahil hindi ko intensyon na makasira ng isang relasyon at isa pa hindi ko rin ginusto na makasakit sa kapwa ko tao. Sadyang hindi lang inasahan ang nangyari sa nakaraan kaya heto ako ngayon hinaharap ang isang consequence sa buhay dahil kasal ako sa lalaking hindi naman ako gusto at kailanman hindi ako kayang mahalin dahil isang kaibigan lang ang turing sa akin.

"Wait for the love that you deserve, " ika nga ng iba kaya nga wala akong magawa kundi ipagdasal ang lahat at mangarap na lang sa hinaharap na sana suklian ang magmamahal na binibigay ko sa kaniya.

Actually I am a legal wife but hinahayaan ko lang kung anong gusto niyang gawin sa buhay. Hinahayaan ko rin na ipagpatuloy niya ang relasyon niya sa babaeng mahal niya at inalagaan niya simula umpisa palang. I am not a martyr wife gusto ko lang kasi okay ang lahat at ayaw ko ng gulo dahil tanggap kong ganito na ang kapalaran tinakda sa akin because we are not Engrave by Love at tanggap ko naman 'yon. Tanggap ko ang sitwasyon namin dalawa at tanggap ko rin na mag-asawa lang kami sa papel kahit nag sasama kami sa iisang bubong.

I do my job as a wife like pinagsisilbihan ko siya bilang asawa.Natuto akong magluto dahil sa kaniya although nararamdaman kong hindi niya naman kinakain ang niluluto ko. Masaklap man ang buhay pero ito na talaga ako though Im trying, trying for everything para maging okay kaming dalawa at maging okay ang lahat katulad ng dati no'ng mga bata pa kami dahil magkaibigan naman kami.

"Kumain kana?" tanong ko dahil na abotan ko siyang nagkakape sa dining area habang tutok ito sa kaniyang laptop. Ngumiti ako ng mapait dahil inaasahan ko na ang hindi niya pagsagot sa tanong ko dahil sino ba naman ako para bigyan niya ng oras. Huminga ako ng malalim kahit sulyap at tingin sa akin ay hindi niya magawa. Wala naman akong sakit na nakakahawa pero kung tratohin niya ako subra pa sa may leprosy akong sakit.

"Nakausap mo na ba ang daddy mo?" walang emosyon niyang tanong sa akin at padabog na sinarado ang laptop nito.

"N-Na sabi ko na," utal na sagot ko at yumuko.

"Good!" saad niya at tumayo na. Sinundan ko lang siya ng tingin at hindi na umimik bago ko inayos ang dining area. Naramdaman kong huminto siya kaya huminto rin ako sa ginagawa ko at humarap sa akin.

"Wag mo ng asahan na uuwe ako rito sa bahay kapag weekdays. Wag mo rin akong hihintayin kapag weekend," seryosong sabi niya sa akin. Wala akong nagawa kundi tumango na lang sa kaniya para wala ng gulo sa pamilya namin kaya hinaharap ko ang ganitong buhay kahit nasasaktan na ako dahil ako ang may kasalanan at ako iyong nakakaintindi kaya ako ang papasan.

"Kung nasa camp ka naman Psalm just ignore me dahil hindi naman nila alam na asawa kita sa papel, " iritang sabi niya sa akin at tumalikod na.

"I'm sorry, " habol ko sa kaniya para humingi ng tawad. Nanginginig kong hinawakan ng dalawang kamay ko ang kamay niya.

"I-I'm sorry," sabi ko ulit. Huminga siya ng malalim at inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Your sorry cannot change the situation, Psalm! " galit na sagot.

"M-Mahal... K-Kita,"matapang kong sabi kahit utal-utal ang pagkakasabi ko.

"Pero hindi mo ako pagmamay-ari, " walang gana niyang sagot. Hinakbang ko ang mga paa ko para harapin siya pero nagtama ang mga mata namin kaya automatic akong nag iwas ng tingin at pinaglaruan sing-sing palasing-singan ko.

"Anong dapat kong gawin para mapatawad mo ako?" tanong ko.

"My Freedom!" maikling sagot niya.

"And please, don't use that ring because we're not lovers."

"Masusunod."

"Gawin mo ang lahat para mapatawad kita!" Huling sabi niya sa akin at umalis na ng walang paalam.

Nagbuga ako ng hangin at umiyak na lang. Malabo man ang gusto niyang mangyari pero pinapangako kong gagawa ako ng paraan para sa hinihingi niyang kalayaan mula sa akin. Hindi ako mapapagod kumbensihin si daddy para sa kalayaan na hiniling niya kaya kahit mahal na mahal ko siya handa akong magsakripisyo para sa ikakasaya ng buhay niya.

"Being in love with someone who no longer love you is the most painful feeling in the lies of world," wika ko at pinunasan ang mga luha ko at patakbong bumalik sa kwarto at tinungo ang kwarto at umiyak ng umiyak.

Binuhos ko sa pag iyak ang sama ng loob ko. Binuhos ko ang lahat ng hinanakit ko. Sumigaw ako at tinapon lahat ng mahawak ko dahil kahit magwala ako rito walang makakarinig sa akin.

"A-Ahh...A-Ang sakit!" galit na sigaw ko at tinungo ang kama at sinubsob ang mukha sa unan at pinahupa ang sarili ko dahil wala naman aalo sa akin kundi ang sarili ko pa rin.

Bumangon ako at tumingin sa larawan namin no'ng kinasal kami. Tumingin ako sa picture ni Llishan na makikita mo ang pilit niyang ngiti sa labi. Tumayo at lumapit sa larawan at hinaplos ang mukha niya.

"S-Sana isang araw paggising ko wala na itong sakit na dala-dala ko."

"S-Sana wala na iyong pagpapanggap na ginagawa ko ngayon. Mahirap man pero s-sana isang araw you have your freedom baby at sana mabigay ko ang hinihiling mo kapag pagod na ako," sabi ko at humagulgol.

This is the truth that I standing on!

A Painful Mistake (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon