Kabanata I

2.8K 50 1
                                    

Psalm Jaxeen Pov

"Daddy!" tawag ko kay daddy at patakbong lumapit sa kaniya. Huminto naman siya sa paglalakad at hinintay ako.

"Yes, anak? " tanong niya sa akin at inakbayan pa ako kaya sabay kaming naglakad papasok sa ospital.

"Pwede ba kitang maka-usap about sa nangyari sa amin no'n ni Llishan, daddy?" tanong ko sa kaniya. Huminto siya at tumingin sa akin kaya atomatic akong yumuko because daddy know how much I love Mc Llishan.

"What about it?" seryosong tanong niya.

"Isang taon na ang nakalipas wala naman kasing nangyayari daddy,"sumbong ko sa kaniya. Hindi ako masaya dahil hindi naman masaya ang lalaking mahal ko sa piling ko.

"Babae ka Princess Psalm at may nangyari sa inyo kaya kailangan ka niyang panagutan, mahirap bang intindihin iyon?! "seryosong saad niya.

"Pero dad..." protesta ko pero umiling siya.

"Wala ng pero, pero!" banta niya.

"Daddy, hayaan na natin siya at magmove-on na lang ako,"pagkukumbinsi ko pero lumakad lang siya na parang walang narinig at iniwan na ako.

"Daddy!"

"Daddy!" habol ko. Umiling ulit siya sa akin dahil ayaw niya kasi na dedehado ako dahil nga sa babae ako.

"Daddy naman, please?!" paki-usap ko habang sinusundan siya kung saan siya magpunta.

"Nakikiusap na ako sa iyo daddy... Tulongan mo naman ako dahil... nasasaktan na siya."

"P-Please... Daddy?" pagkukumbinsi ko kahit na uutal na ako pero huminto siya at tinignan ako ng may pag-aalala. Walang magulang ang papayag na masaktan ang kaniyang anak, sabi ng isip ko.

My daddy is my first love at mahal na mahal ko rin siya. Pinalaki niya akong may buong pagmamahal at nakikita ko sa kaniyang mata ang pag-aalala bilang isang ama. Mapalad ako dahil siya ang naging daddy ko at wala na akong hihilingin pa.

"Okay sige," talong sagot niya kaya ngumiti ako dahil mabibigay ko na ang hinihiling ng asawa ko.

"Ibibigay ko ang kalayaan niya pero kalimotan na nilang may De-Gracia na nakaukit sa apilyedo nila, " segunda niya na kinatulala ko.

"Once is enough to a wise person my dear daughter."

Huling sabi niya at tinapik pa ang kanang balikat ko. Bumuntong-hininga na lang ako dahil hindi ko talaga mapipilit ang daddy ko sa gusto ni Llishan. Ito rin ang isang hindi ko gusto dahil sa nangyari between us ang pagkakaibigan ni daddy at ang daddy ni Llishan ay muntik ng masira dahil si daddy gusto niyang panagutan ang nangyari kaya pumayag na lang si Mc Llishan na pakasalan ako kahit labag ito sa kalooban niya.

"Sige po," tungon ko sa kaniya bago nagbigay ng halik at yumakap ng mahigpit. Gumanti rin siya ng yakap at humalik sa noo ko kaya napapikit ako.

"Takecare always anak. Always remember that we love you!" sabi niya sa akin. Hindi na ako nagdadala ng driver natuto na akong mag-isa sa mga lakad ko dahil wala na si Bella na makulit.

" Bye, Daddy. I love you too! "huling sabi ko bago ako tumalikod sa kaniya. Narinig ko pang sumagot siya kaya humarap ulit ako at nagbigay ng flying kiss.

Ngayon araw kasi ang free check up ng team namin sa PNP camp dahil nakakontrata ang Medical Team bilang doctors nila bago sila magtraining lalo na ang mga bagohang quota.

Inayos ko muna ang aking sarili at naglagay rin ng kunting make-up sa mukha para kahit papaano hindi ako maputla tignan. Sinuklay ko rin ang aking buhok na lampas balikat ang haba at tinali lang ito dahil mainit mamaya sa hall. Ngumiti ako at tumingin muna sa salamin bago nagpabango.

A Painful Mistake (BOOK 1)Where stories live. Discover now