CHAPTER 13

991 29 3
                                    

NAKAHIGA na si Ruben sa kama habang pinapanood ang asawa na nasa harap ng tokador at nagpapahid ng kung anu-anong pampaganda sa mukha. Napapangiti na lang ito. Buhat nang dumating si Zaira ay naging conscious na rin si Rosalie sa katawan.

"Hindi mo naman kailangang magpaganda pa," sabi ni Ruben. "Maganda ka pa rin sa paningin
ko."

Inirapan ni Rosalie ang asawa. "Hindi para sa iyo kaya ako nagpapaganda."

"Teka, huwag mong sabihin may iba kang pinagpapagandahan?" seryosong sabi nito sa asawa. Kumunot ang no0.

Natawa si Rosalie. "Sira. Huwag mong sabihing nagseselos ka?"

"Sabi mo, hindi para sa akin kaya ka nagpapaganda. Para kanino?"

"Para sa sarili ko," nakangiting sabi ni Rosalie. Tapos na siyang naglagay ng night cream sa
mukha. Tumabi na siya sa asawa.

"Hindi kita maintindihan," ani Ruben.
Malambing na yumakap si Rosalie sa asawa.

"Alam mo, noong nakita ko si Zaira, nakita ko ang sarili ko. Magkaedad lang kami pero mapagkakamalan na nanay niya ako. Losyang na losyang na ako."

"Kahit naman ano pa ang maging itsura mo. Kahit na maging kasinglaki ka pa ng drum, kahit na laging amoy-pawis ka pa pagdating ko, mahal pa rin naman kita at hindi kita ipagpapalit sa kahit kanino," ang pagbibigay-assurance naman ni Ruben sa asawa.

"Alam ko. Pero kailangan palang alagaan ko rin ang sarili ko. Para sa akin. For my self esteem.
Pinabayaan ko ang sarili ko na magkaganito. At isa pa'y para din sa iyo."

"So, magpapa-sexy ka na?" nangi-ngiting sabi ni Ruben. "Baka masundan si Junior," biro nito.

"Sira. Ligated na ako," nagtatawang paalala niya. Pagkuwa'y muli siyang sumeryoso. "Tulad ng sabi ni Zaira, para na rin sa aking kalusugan kaya kailangang magbawas ako ng timbang. Prone sa high blood, sakit sa puso at diabetes ang mataba. Ayokong mabiyudo ka kaagad, baka kumuha ka kaagad ng kapalit ko. Apihin pa ang mga anak ko."

Nagtatawang niyakap ni Ruben ang asawa. "Mas gusto ko iyong malaman. Mas masarap
yakapin," pagkuwa'y iniba na nito ang usapan.
"Wala ka bang napapansin sa dalawa?"

"Sino?"

"Sa kaibigan mo at sa kumpare ko," ang sabi ni Ruben.

Napatingala si Rosalie sa asawa. "Hmm.. wala naman. Bakit ba?"

"Mukhang masaya ang kaibigan mo nitong naaraang mga araw," ang puna ni Ruben.

"Wel.. mukha ngang naka-recover."

"At si Pareng Diego naman ay nakakapanibago nitong mga huling araw. Laging nakangiti. Laging masaya. Dati ay ilag ang mga trabahador na makipagbiruan sa kanya, ngayon siya pa ang unang nagbibiro sa mga ito."

Umarko ang kilay ni Rosalie. "Parang may ibig kang sabihin?"

"Well, ang sa akin ay kutob lang naman. Mukhang nagkakasundo ang dalawa."

Napaisip si Rosalie.

MAGKAHARAP sila sa mesa. Naghahanda sila ng iluluto para sa tanghalian. Nahuli ni Zaira na
nakatitig sa kanya si Rosalie.

"Hey, bakit ba tinititigan mo ako nang ganyan? Wala ka bang pera?" nagtatawang sabi ni Zaira.

Biruan na nila iyong magkaibigan kahit noon pa. Kapag nakatingin at hindi nagsasalita, isa lang ang ibig sabihin niyon, mangungutang kung sino man ang kinapos ng allowance. Malimit siya ang kinakapos. Hindi si Rosalie.

Natawa si Rosalie. "Hindi. Natutuwa lang ako para sa iyo," ang sabi nito.

"Bakit?" Bahagyang kinabahan si Zaira.

GEMS 5: AlonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon