3

56 13 4
                                    

#Tatlo

"Hoy ano yan?!"sita ko sa tatlong bagitong nagkakalikot ng gulong ng isang magarang sasakyan.

"Hoy?!ano sabi yan?!"ulit ko ng hindi nila ako pansinin.

Ayaw niyo ah!

Kinuha ko ang phone ko at nagdramang tumatawag ng pulis.

"Mamang Pulis may tatlong bugok ditong nagnanakaw ng gulong ng---"kumaripas sila ng takbo."Hoy?!mga siraulong 'to!bumalik kayo dito!"

Nako!sarap tirisin ng mga yun ah!

Pansin ko ang parang matatanggal ng gulong.

Nilibot ko ang paningin,nasa isang exclusive resort ako ngayon,rumaraket,at ang parteng 'to kung saan nakaparada ang kotse ay walang katao-tao na para bang sinadyang dito iparada ang sasakyan dahil napaka pribadu ng may ari.

Ang ganda ng tsekot,bagay sa kagandahan ko.

Lumapit ako sa kanang gulong sa likuran at sinimulan ayusin ang pagkakabit ng gulong ng biglang....

"Excuse me,Miss?what are you doing to my car?"

Napalunok ako.Mukhang mapagkakamalan akong magnanakaw neto ah.Ano ba naman yern.

Nag-angat ako ng tingin,na may alanganing ngiti sa labi.

Matangkad na lalaki,medyo maputi,matangos ang ilong at magagandang mga mata. Hindi masyadong maliwanag sa banda namin,pero alam kong gwapo ang lalaki.

Hindi naman siya mukhang galit,nagtataka lang.

Tumikhim ako saka dahandahang tumayo.

Binaba ko pa ng kunti ang mini skirt bago nagsalita.

"Ano kasi..ma-may nakita akong mga bata,mga tanggal gulong ata ang mga yun,kaya,sinita ko.Ah...sinusubukan ko lang ayusin ulit yung gulong,binabalik ko sa dating posisyon."

He smiled,"It's alright,but just leave it there,I will just call Manong Paul to fix it."

Oi englisero,halatang RK.

"Ah..si-sige mauna na ako ah?"paalam ko.

Nilampasan ko siya,pero ramdam kong sinusundan niya ako.

Manyak ba siya?

Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makaabot ako sa dalampasigan.

Hinihingal ako. Ano ba yan!

"Ay kuneho!"bulalas ko sabay talon ng biglang may lumapat na kamay sa kanang balikat ko.

"Ouch!"usal ng lalaki.

Paano ba kasi,sa bilis ng reflexes ko ay pumulot lang naman ako ng buhangin at inihagis sa mukha ng lalaki.

"Damn!it hurts!ano ba!"

"Lumayo ka sa akin!hindi porket kabastos bastos ang itsura ko,babastusin mo na ako!"

"What are you saying,Miss?!I followed you,just to return this!"

Umangat ang kanyang kanang kamay.

Oh shi--hawak niya ang white tote bag ko na mabilis ko agad kinuha sa kamay niya.Ay ganern?o e sorry naman!

"Ahh...gad ang sakit ng mga mata ko."usal ng lalaki.

Inatake ako ng kunsensya kaya lumapit ako sa kanya.

"Ikaw kasi e,bakit hindi mo nalang ako tinawag?may pa sunod-sunod ka pa!para ka namang manyak!"

"Me?manyak?that's absurd!"

Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now