Kabanata 5

1.8K 46 1
                                    

Andito na kami sa ospital kung saan ako nagtratrabaho. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako humalik sa pisngi niya at nagmadaling bumaba sa sasakyan niya.

"S-Salamat, " nahihiyang sabi ko bago ko sinirado ang pinto ng sasakyan niya at naglakad papuntang entrance ng ospital. Kompleto ang araw ko kapag ganito palagi parang nawala ang sakit na dulot ng kagabi. Nakasalubong ko ang isa sa mga nurse ko kaya ngumiti ako sa kaniya.

"Good afternoon po doctora," magalang na bati niya sa akin at nagbow pa siya. Tumango ako at nakisabay na rin sa paglalakad. Pati nga ang bag ko ay siya na raw ang magbit-bit. I insisted pero mapilit siya kaya hinayaan ko na lang because he's my friend too naman.

"Ang bait naman ng ganitong nurse nakakagaan ng loob," tawang sabi ko pero umiling lang siya.

Narinig kong tumunog ang cell phone ko kaya't huminto muna ako sa paglalakad. Kinuha ko ito sa bulsa ng likod ng pantalon ko at tinignan kung sino ang tumawag. Kumunot ang noo ako nang nakita ko sa screen ang pangalan niya bago ako tumingin kung saan niya ako pinababa at sakto naman bumaba ang bintana ng sasakyan niya kaya mabilis kong sinagot ang tawag at nilagay ito sa may tainga ko.

"H-He.."

"Use your ring Psalm Jaxeen. Don't flirt to that guy," seryosong utos niya habang masamang nakatingin sa pasyente kong nag-hihintay din pala sa akin.

"Sige na. Kaibigan ko naman siya ah, " sagot kosa kaniya para matapos na at maka-alis na rin siya .

"Ang daming kaibigan. Ako lang naman dati eh," bulong iyon pero rinig ko.

"Nurse ko siya," sabi ko pa. Ang dami niyang arte at kahit ano-ano na lang iniisip niya sa akin. Narinig kong huminga siya ng malalim at bumaba sa sasakyan niya. Binaba niya na rin ang tawag niya at mabilis na lumapit sa amin.

"Nurse ka ng asawa ko?" seryosong tanong niya. Nagulat naman ito at tumango at kahit ako gulat rin sa sabi niyang asawa niya ako. Ngumiti ako because he claimed that I am his wife pero mabilis akong nalungkot dahil naalala ko andito pala kami sa ospital namin kaya alam kong pakitang tao lang ang pinapakita niya.

"Learn to distance yourself. She's married and she's mine alone," supladong sabi niya at kinuha ang bag na hawak-hawak ng kaibigan ko.

"Now,"

"Walk first!" seryosong utos niya kaya mabilis naman itong tumalikod at naglakad na papalayo.

Nakakahiya ang pinag-gagagawa niya masiyado siyang masilan at estrikto. Akala mo naman kong may level kami kampante siyang magpakitang tao dahil kilala siya rito sa hospital namin. Ang sarap kiligin pero ayaw ko baka mamaya aasa na naman ako sa wala. Katulad ng dati.

Nagtama ang mga mata namin at kaya napaiwas agad ako ng tingin dahil iwan ko ba parang natatakot ako kapag siya na ang tumitingin sa akin.

"Umayos ka," banta niya sa akin at hinatak ang kamay at pinagdaop-palad ang mga palad naman. Kaya ang ending holding hands kaming naglakad hanggang sa marating namin ang clinic ko.

"Good afternoon, Major!" magsiglang bati sa kanya ng secretary ko bago kinuha ang bag ko na inabot ni Mc.

"Salamat pala, " wika ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay at tumingin sa secretary ko.

"Sabihin mo sa akin kung may umaaligid sa asawa ko Grace," utos niya.

"Luh!" bulaslas ko. Masiyado siyang OA samantalang ako kapag nasa PNP bawal ang lahat pero kapag siya ay nasa poder ko halos isigaw niyang asawa ko.

"Sige po, Major at makakaasa ka po, "sagot naman ng secretary ko kaya tinaasan ko siya ng kilay at nagpeace sign lang rin siya sa akin bago lumabas kaya naiwan kaming dalawa ni Mc Llishan.

"Susunduin kita mamaya," wika niya at tinalikuran na rin ako kaya napatingin na lang ako sa likod niya.

"Tignan mo ang bastos niya rin talaga kapag dalawa na lang kami kaya nga hindi na ako umaasa. Hay ang buhay talaga parang life, " seryosong sabi ko at inayos ang mesa ko dahil mamaya magstart na ako sa trabaho ko.

Maganda ang bungad ng umaga ko dahil magaan ang usad ng araw ko. Masaya ako dahil sa trabaho ko at ang progressive ng mga pasyente ko. To serve and save life is my profession kaya mahal ko ang trabaho ko.

"Magandang hapon," bungad ko sa pasyente kampanting nanonood ng tv.

"Ang OA naman nitong si AJ, " simangot kong wika at lumapit sa kaniya.

"Can I go home?" seryosong tanong niya at pinalupot ang kamay niya sa baywang ko. He hug me tight kaya automatic kong hinaplos ang ulo niya at ngumiti no'ng tumingala siya.

"Kaya mo na ba?" tanong ko sa kaniya.

"Malakas na ulit ako Princess Psalm, "sagot niya sa akin at kumindat pa.

"Dadalaw muna ako sa nursery room before I'll go home," wika niya kaya ngumiti ako.

"Mas lalo akong lumalakas kapag dumadalaw ako do'n," segunda niya.

"Sabihin ko sa nurse na lalabas kana at masamahan ka sa gusto mong puntahan," sagot ko rin kaya tumango siya.

"Aasikasohin ko muna ang lahat, okay?"sabi ko.

"Salamat," maikling sagot niya at ngumiti ulit. Kinuha ko ang vedio camera niya sa may drawer ng table lampshade at nagvedio record ako.

"Aaron Job," tawag ko sa kaniya.

"Please take always your medicines and don't forget it," sabi ko at tumingin sa kaniya.

"I will doctora Princess Psalm Jaxeen," sagot niya siya.

"Thank you always, "wika niya at kinuha na ang camera bago pinatay ito.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Nagvevedio record pa nga lang ako, eh!" reklamo ko at kinuha ang camera sa kaniya.

"Wala ako sa mood Jax," Sabi niya at umiwas ng tingin.

"Halos araw-araw nang nakarecord ang buhay ko."

"Nakakapagod na rin," inis niyang sabi kaya tumingin ako sa kaniya dahil naaawa na rin ako. Binaba ko ang camera na ginagamit namin kapag nagvevedio kami simula no'ng nag-undergo siya sa chemo therapy niya.

"Akala ko ba gusto mong nakadetalye ang paggagamot mo hanggang sa gumaling ka?" tanong ko.

"HINDI NA AKO GAGALING JAX!" Sigaw niya kaya na gulat ako at napatayo. Huminga ako ng malalim habang nakatitig lang sa kaniya.

Gusto naman niyang lumaban pero napapasokan lang siya ng negative energy dahil na rin siguro sa iniisip niyang wala ng gamot ang sakit niya. I'll understand him that he felt desperation dahil marami na siyang hindi nagagawa sa buhay niya dahil lang sa sakit niya. Katulad ng pagkanta sa harapan ng mga tao na siyang pangarap niya no'n pero pansamantalang nagpaalam at nagpahinga dahil sa condition niya.

"I'm sorry," hingi niya ng tawad sa akin. Pati siguro siya nabigla sa pagsigaw niya. Naiintindihan ko naman ang mga pasyente ko kaya malawak ang pag-unawa ko.

"It's okay. I'll Understand," ngiting sagot ko sa kaniya tumayo. Kinuha ko ang camera at e-off ito.

"Ipapaasikaso kita sa nurse ko then after you visit nursery room I drive you home, " sabi ko sa kaniya at lumabas na sa kwarto nito.

Umiling-iling na lang ako habang naglalakad dahil naaawa na ako sa kaniya. Hindi madali ang laban sa sakit kapag cancer ang pinag-uusap. Ito iyong sinasabing na walang magagawa ang pera mo kapag alam mong wala ng mapupuntahan ang buhay mo.

But if you offer your life and walk to Jesus he give you peace of mind and he give you strength and He give you rest.

A/N: Maraming salamat sa nagbabasa ng aking akda. ❤️

A Painful Mistake (BOOK 1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz