Kabanata 7

2K 42 0
                                    


Kabanata 7

Lyneth

"Yeah, I've read that, too! God, I love that series."

Napangisi ako sa sinabi ni Nico. He said he likes being called that way because his real name sounds too old for his age. Kung ako naman ang tatanungin ay ayos naman iyon kaya lang ay siya itong naaalibadbaran sa sarili niyang pangalan.

"Alam mo bihira lang akong makakita ng mga lalakeng nagbabasa rin. Si Sixth nga napilitan lang."

Nico smirked. "The stereotyping is real, huh? I love Blue Bloods Series so much. Hindi mahirap intindihin ang konsepto hindi gaya ng ibang novels na may gano'ng tema." Nico sipped on his juice. "Did Sixth build you a library, hmm?"

Pinunasan ko ng table napkin ang aking mga labi saka ako umiling. "Bumibili lang siya ng libro saka nagpa-deliver ng bookshelf."

Nico whistled. "I'd come over. Gawin nating library mo ang isa sa guest rooms tutal malaki naman ang bahay ni Sixth."

"Naku, huwag na. Baka mamaya magalit pa 'yon."

"Nah." Ngumisi ito. "Papayag 'yon. Ako ang bahala. Here. Check out my own library."

Sinilip ko ang screen ng phone niya para panoorin ang video na kinuhanan niya sa kanyang personal library. Halos mamilog ang aking mga mata sa pagkamangha. "Ang ganda!"

He proudly grinned. "Ako lang nag-ayos niyan. Pretty cool, right? May collections pa ko ng wands."

"Well, aren't you a total book nerd?" kumento ko.

Nagkwentuhan pa kami ni Nico tungkol sa mga librong nabasa na namin, at dahil napasarap ang usapan ay halos hindi na namin namalayang masyado nang napatagal ang aming dapat sana ay almusal. Napagtanto na lamang naming higit dalawang oras na kami sa resto ng hotel nang umalingawngaw ang phone ni Nico dahil sa tawag ni Sixth.

Nico answered the call. "I'm having breakfast with Lyneth. Maghintay ka, masarap pa ang usapan namin."

Napansin ko ang pagngisi ni Nico habang dinig ko naman ang tila pikon na boses ni Sixth. Hindi ko nga lang gaanong naiintindihan iyong mga pinagsasabi ng asawa ko.

"What? Can't hear you. Bye!" Nico put his phone down then sighed. "Pabalik daw siya rito at naiinip siya kahihintay sa akin. How could you stay married with him this long?"

"As if I have a choice?"

Napatawa kaming pareho nang mahina. Mayamaya ay napansin kong napatitig sa akin si Nico habang ang mga labi ay may kurba.

"May dumi ba ako sa mukha?" I asked.

Nico drew in a sharp breath before he shook his head. "Wala naman. Nagagandahan lang ako sa'yo," pag-amin nito.

I don't know why his compliment made me feel worried. Bigla kong naisip si Sixth at ang marriage namin, ngunit nang maalala ko na kahit naman yata may ibang lalakeng pumansin sa akin ay walang magiging pakialam ang lalakeng iyon, pilit akong ngumiti kay Nico saka ko inalis sa isip ko si Sixth.

"Salamat."

"Don't mention it. Baka 'yang thank you mo, singilin ko ng library date pagbalik natin ng Manila."

"Asus, para namang papayagan akong lumabas ni Sixth," kumento ko.

Nico scoffed. "Ako ang bahala. Kayang-kaya kitang ilabas ng bahay niya, pwera na lang kung gusto mo talaga siyang sundin sa lahat ng oras."

Bumagsak ang mga balikat ko. Honestly, after Sixth and I had that conversation in his car last night, napagtanto ko na kaya ko lamang siya sinusunod sa lahat ng sinasabi niya ay dahil may bahagi ng puso ko na umaasang ang mismong lalakeng pinakasalan ko ang makakasama kong tumupad sa mga pangarap ko. But that talk put an end in my delusion. Sixth will never see me the way I wanted him to see me, and no matter how painful that is to accept, I have to understand now that my first marriage is going nowhere.

"I. . . honestly wanted to be rebellious. Alam ko naman na. . . hinding-hindi ako ituturing ni Sixth na tunay na asawa niya. Sa papel lang ang kasal naming dalawa at ganti lamang ang kasal na iyon sa Daddy ko." I forced a smile. "I've already given him five years of my life. I think it's time to go against the tide and chase what really makes me feel happy."

"So your marriage isn't making you happy, huh? Is that what you are saying?" makahulugang tanong ni Nico sa akin.

Pilit akong ngumiti. "Paano ka magiging masaya sa marriage na wala naman talagang pagmamahal? He doesn't love me. He never will. Pinangarap ko ang masayang buhay pamilya, pero kung ganito kami habambuhay, walang mangyayari sa akin. Baka dumating ako sa punto na sisihin ko na lang ang sarili ko kasi tinanggap ko na lang ang sitwasyon imbes na gumawa sana ako ng paraan."

Nico's eyes flickered with sympathy. "Ano pa ba ang iba mong pangarap?"

Ngumiti ako. "Gusto kong. . . magsulat ng libro, makapunta sa iba't ibang lugar, maging. . . masaya at. . . magmahal nang totoo. Iyong hindi pinilit. Iyong hindi rin kulang."

Nico smiled. "You're still young. Kaya mo pa naman abutin ang mga 'yan, Lyneth. You know what? Bakit hindi mo simulan sa pagsusulat ng libro? I swear to be your most avid fan."

"Eh, kaso hindi ko pa naman alam kung paano."

"Sabi ng isang author, the first draft is you telling yourself what the story is all about. Maybe it's best if you'll give it a shot first without thinking about the technical aspects." Ngumiti ito. "Iyong pangarap mo namang makarating ng iba't ibang lugar, nandito naman ako. Pwede kitang samahan na mapuntahan ang mga lugar na gusto mo."

Akmang sasagot na ako kay Nico nang madama ko ang pares ng mga kamay na humawak sa magkabila kong balikat. Mayamaya ay nagtaasan na lamang ang mga balahibo ko sa batok nang marinig ang pamilyar na tinig.

"At saan mo balak samahan ang asawa ko, Nicanor?"

Asawa ko. . .

Did Sixth just call me that way?

Napalunok ako nang ngumisi si Nico. "Kahit saan basta masaya siya."

My heart pounced louder than usual when Sixth gently squeezed my shoulders as if he's trying to control himself.

"Thank you for the offer but I can take my wife anywhere she wants. All she has to do is tell me where and when."

Umismid si Nico. "Eh, busy ka naman palagi."

Sixth grabbed the extra chair and sat, his darkened pools darted at Nico while his jaw is clenching.

"I'd free up my schedule if she'd ask me to." Bumaling ang matalim niyang titig sa akin. "That's all she really needs to do. Ask. . . and I'll do it in a heartbeat."

BROKEN BACHELORS SERIES 1: MY HUSBAND'S WRATH (Complete Ver. Available in VIP)Where stories live. Discover now