CHAPTER 1 UST

8 0 0
                                    

UMUULAN SA TARLAC
Chapter 1

__________________________

"BEHHHHHH! Ang lakas ng ulan!" sigaw ng kaibigan kong si Ash.

"Mukhang hindi ata titila eh. What if takbuhin nalang natin?" tanong ko sakaniya. Tinawanan ako.


"Ano ka ba? Ang layo kaya ng Market city rito!" tumawa ako at tinakpan ng kamay ko ang bibig ko.

"Oo nga pala. No choice naman tayo kundi hintayin na tumila nalang."


"Oo nga."

September na. Malapit na ang midterm!!! Next month na ang midterm kaya busy kaming lahat! Kahit umuulan, tuloy lang ang pasok! Waterproof kasi kami.

"Punta lang ako saglit sa gym. Mag c-cr lang ako." Sabi ko kay Ashley. Tumango lang siya at hindi na nag reklamo. Nasa gilid na kasi kami ng gym kaya dito na ako nag cr. Tinatawag na rin ako ng kalikasan at hindi ko kayang hintaying sumakit pa ang pantog ko.




Napapikit ako dahil namatay bigla ang ilaw. Inayos ko ang sarili ko habang nasa loob ng cubicle. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Grabe ang tibok ng puso ko sa kaba.

May kuwento-kuwento rin kasi na may multo raw dito. Pero sa Smith hall kaya iyon!!! Nakakairita. Ayokong sa akin pa magpakita iyon!

"S-sabihin mo sa akin. Magpapakasal pa tayo, hindi ba?"

Nabuksan ko na ang pinto at huli na para hindi marinig iyon!! Napa-takip ako ng bibig. Hindi ko makita kung sino iyon! Boses iyon ng lalaki.

"I-I don't know."

Pumasok ako ulit sa cubicle. Pigil ang hininga ko na para bang sa paghinga ko ay maririnig o mahuhuli ako. Teka, bakit ako nagtatago rito? Wala naman akong ginagawang masama ah!

"Pero mahal mo ako 'diba?"

Hala!

"I love you, pero---"

"WAAAHAHAHAHAHAHA"

"Lumabas na tayo."


Nagmumuni-muni ako rito sa loob ng cubicle habang hinihintay na umalis na sila.

Napapikit ako sa liwanag. Binuksan na kasi ang ilaw. Nang wala na akong maramdamang tao na nasa labas ay lumabas na ako. Hinihintay na rin ako sigurado ni Ashley.


"HAAAA!" Natigilan ako at naitaas ko pa ang dalawa kong kamay. Na para bang ito ang panangga ko sa kung sino mang kalaban. Bakit may lalaki rito? Hala!

"W-what are you doing?" Tanong niya. Nanlaki ang mata niya. "T-teka. Are you spying on us?" S-spying? Ha?

Napapikit ng sunod-sunod ang mga mata ko sa sobrang awkward. Tumakbo ako ng mabilis palabas.

"Hoyyy!" sigaw niya.




"Teka nga!" Sigw niya. Hindi ko namalayang naabutan pala niya ako. Hindi ko rin alam na nasa ulanan na ako. Pinilit kong alisin ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.


"Narinig mo?" Seryosong tanong niya. Wala naman akong magawa. Umiling nalang ako.

"H-hindi."

"Kanina ka pa roon?"


"N-narinig ko." Mahinang wika ko. Ending! Basa na ako sa ulan. Ganon din siya.





Nakayuko ako, naka hawak siya sa braso ko. Inangat ko ang tingin ko para makita siya. Ayoko nga siyang idescribe! Pero....Well...Gwapo siya.

Pumikit-pikit ako dahil sa ulan. Ang lakas na ng ulan pero hindi ko rin magawang maigalaw ang mga paa ko para umalis. He's sleeping--este nakapikit lang siya. Basa na rin.

Bakit ba kasi umuulan!

Pero...


May ganitong tao pala na nag-aaral dito sa TSU, hindi ko alam. Hoy! Anong iniisip mo!!!



Pinilit kong alisin ang braso ko sakaniya. Naalis naman iyon kaya tumalikod na ako. Pero bakit hindi siya gumagalaw? Nandon pa rin siya, parang tanga lang.

"K-kakalimutan ko nalang ang mga narinig ko, promise!"

At bakit naman parang ang laki ng kasalanan ko? Wala naman akong krimeng ginawa.

"Sorry ha, kung narinig ko. Naiihi na kasi ako, alangan naman pigilan ko. At saka nauna kaya ako roon bago kayo dumating." Natigilan ako dahil bumukas ang mga mata niya at kunot ang noo na tumingin sa akin. "...Tsaka, promise talaga! Wala akong narinig. Hindi ko kayo narinig. Oo tama!!!"

*TSUP*

Huli na nung marealize kong...






Nakalapit siya sa akin at hinalikan A.K.O

















H-HINALIKAN NIYA AKO!!!!
































H-hindi na virgin ang labi koooooo!!!!
















Siyempre lumayo kaagad ako. Sa galit na biglang namuo sa loob ko ay nasampal ko siya. Masakit sa palad.

Wala akong masabi kaya umalis nalang ako.


Doon nagsimula ang lahat, at ayoko nang makita pa siyang muli. He's a jerk!

________________

Next

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Umuulan sa TarlacWhere stories live. Discover now