Kabanata 7

1.7K 47 0
                                    

Nakarating na kami sa condominium kung saan nakatira si AJ. Mabilis akong bumaba sa  sasakyan ng kapatid ko at tinungo kung saan ang unit nito. I am not excited but I am worried of his health dahil mag isa lang naman kasi siya sa condo niya dahil ang mommy niya may sariling bahay na. Ayaw naman ni AJ na doon tumira dahil nahihiya siya sa asawa ngayon ng mommy niya kasi isang banyaga.

"AJ?" tawag ko sa pangalan niya.

"AJ?" tawag ko ulit habang kinakatok ang pinto niya.

"You may now go Prince kaya ko na ito," sabi ko at ngumiti sa kaniya dahil sumunod pala siya.

"Kuya Aaron," tawag niya kaya AJ. Dalawa na kaming kumakatok sa pinto. Medyo kinabahan na ako dahil hindi binubuksan ni AJ ang pinto.

"AJ?" sigaw ko.

" Sandali,"saad niya  at maya-maya binuksan niya na ang pinto.

" Ang tagal mo naman," reklamo ko. Pinabalik ko na agad ang kapatid ko dahil alam kong matatagalan ako rito at aasikasohin ko pa kasi si AJ dahil tuturukan ko pa siya ng mampalakas sa katawan niya.

" Akala ko kung napano kana!"reklamo at nilampasan siya.

"Naligo ako, " maikling sagot niya rin dahil halata naman kasi kahit hindi niya sabihin dahil basa pa ang buhok at may towel pang dala.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ko at umupo sa kaniyang sofa para pagmasdan ang pang itaas niyang katawan.

"Mabuti-buti naman, " sagot niya rin at tinungo ang kwarto niya kaya sinundan ko na lang siya ng tingin pero hindi ako makapakali kaya tumayo ako at sinundan siya pero nakita ko ang painting niya na binuko ni Bella.

Basta si Bella Marieh urada-urada iyon at wala ka talagang magagawa kapag siya na ang kasama mo dahil kung ano ang gusto ay gusto niya na lang at kung sino ang mahal niya ay mahal niya lang talaga at wala siyang pakialam kung may nagmamay-ari na ito o wala pa.

Bella Marieh Sebastian is the girl version of his father. She obsessed to Engr. Alvarez. Inayos ko muna ang syringe at nilagyan na ito ng 1CC na gamot niya para lumakas siya dahil kailangan  ito ng katawan niya.

"AJ?"tawag ko sa kaniya. Pumasok na ako sa kwarto niya.Nakita ko siyang nakahiga sa kama at nakapikit kaya lumapit ako at umupo sa tabi niya. Hinaplos ko ang pisngi niya kaya na pamulat siya ng mata.

" AJ are you okay? "may pag-aalalang tanong ko. He nodded at ngumiti.

"Akala ko kung napano kana," bulaslas ko.

"Okey lang ako. Wag kang mag alala sa akin," sagot niya at hinawakan ang kamay ko at pumikit ulit.

"Kailangan lang siguro ng katawan ko magpahinga, Princess Psalm, " paliwanag niya.

"Turukan na ba kita ng gamot mo?" tanong ko. Tumango siya sa akin.

" Yes, please? Kailangan ko rin kasi iyan dahil kung wala iyan parang lantay gulay ang katawan ko," saad niya kaya tinurok ko na ito sa tagiliran niya.

"Matulog ka muna babantayan kita habang wala ka pang kasama rito."

"Salamat sa Princess Psalm," sagot niya sa akin at pinikit na ang kaniyang mga mata.

Tumingin muna ako sa maamo niyang mukha bago ako lumabas sa kwarto niya at tinungo ang kaniyang living room. Hindi pa ako nakakaupo nang makarinig ako ng tatlong malalakas na katok mula sa labas.

Lumapit ako sa pinto at sinilip sa peephole para makita kung sino ang kumakatok. Lumaki ang mata ko nang makita ko si Mc Llishan.

"Open this d*mn door!" sigaw niya kaya napaatras ako at hindi ko muna binuksan ang pinto.

A Painful Mistake (BOOK 1)Where stories live. Discover now