Chapter 5

98 9 1
                                    

Anathea's POV

"May gusto ka ba'ng bilhin, my lady?" tanong ni Prince William nang makita nya akong nakatitig sa mga accessories na nakahilira sa gilid ng tindahan dito sa maliit na bayan. Ito na ang panghuling lugar na lilibutin namin.

Sa laki ng kaharian, kulang pa ang isang araw sa paglilibot. Iniwan na nga kami ni Seven na kaninang tanghali umalis matapos tawagin ng ina nya.

"This looks nice." sambit ko at pinakita ang isang pamaypay na simple lang ang desenyo.

"Bibilhin po namin 'to." salita ng prinsipe sa tindera na may katandaan na. Tumingin naman sakin ang tindera at nginitian ako ng kakaiba.

"Nababagay sayo 'yan binibini. Mukhang malaki ang responsibilidad na dinadala mo at magiging mahirap ang daan na tinatahak mo." salita ng tindera. Napakunot noo naman ako sa sinasabi nya, hindi ko maisip kung ano ang ibig nya'ng sabihin.

"Haha salamat po." salita ni Prince William sa ginang at hinila na ako paalis. Dinala na nga namin ang pamaypay matapos magbayad ni Prince William.

"Kinabahan ka 'no?" tanong ni Prince William. Ngumiti ng alinlangan at umiling.

"Di naman masyado, kakaiba lang 'yung sinabi nya." sagot ko at inayos nag cape na suot ko para matakpan ng husto ang mukha ko.

Gaya ko ay nakasuot rin ng cape si Prince William at may mga nakasunod din samin na Royal Guards na nasa malayo para di masyadong agaw pansin kami na namamasyal.

Nahinto naman kami ni Prince William sa paglalakad ng mapansin ang mga Patrolman na pinipigilan ang mga tao na lumapit sa isang barikada na nilagay nila. Kung titignan ay kalahati ng bayan ang sakop mula sa barikada.

"Hindi kayo maaaring pumasok na dito, ginoo." salita ng Patrolman sa isang lalake na tagabayan.

"Bakit? Ano ba meron?" tanong ng lalake. Kahit ako ay nagtataka rin kung bakit bigla nilang sinasara ang kalahati ng bayan.

"Infected ng isang disease ang mga tao rito, mula sa labas." sagot ng Patrolman. Napasinghap naman ang mga nakarinig na nakikiusisa. Kahit ako ay hindi makapaniwala na nakarating na rito ang sinasabi ni Crown Prince Giovanni.

"Umabot na pala rito. I wonder how my brother's handle this while there's a unending war between us and the Hartford Kingdom." salita ni Prince William. One of the bad thing of being the most powerful Kingdom is, you gain a lot of enemies who's envious.

"May paraan ba para malaman ang kalagayan ng nasa labas at mga kalapit kaharian?" tanong ko. Naiisip ko lang ang pamilya ko, kung okay lang ba sila at kung may kaya ba akong gawin para sa kanila.

"Bakit? May--ah! Nag-aalala ka ba sa kaharian nyo?" tanong nya. Tumango naman ako. Kaunti syang nanahimik at nagisip.

"Pwede nating bisitahin si Kuya Benjamin sa borderline, I'm sure nandoon sya at inaasikaso ang bayan na'to." salita ni Prince William matapos ang ilang minuto. Tumango naman ako at sumunod sa kanya ng hawakan nya ang kamay ko at dalhin sa ibang dereksyon.

"Malapit lang ba dito?" tanong ko.

"Oo. Malapit lang. I'm sure may alam 'yun sa kalagayan sa labas." sagot nya. Tumango ako at sinabayan ang lakad nya.

"Don't worry, your kingdom is our responsibility too. I know my brother's will take care of them the most." salita ni Prince William na nakatingin sa mukha ko. Kita siguro ang labis na pag-aalala ko. Kinalma ko naman ang sarili at nang makarating kami sa borderline, hinarangan kami ng ilang Patrolman.

Anathea and the Seven Princes ✓Where stories live. Discover now