Episode 7

8 2 0
                                    

"Talaga ba, ante?" 

Tulad ng reaksyon ko ay ganun na ganun din ang reaksyon ni Rosa ng masabi ko na sa kanya na pareho kami ng trabaho ni Marites.

Kahit din talaga ako ay hindi makapaniwala.

"Ay, bongga! Sikat nga siya kaysa sayo, Reyna! Ang dami niyang followers at may mga million reads ang mga story niya!" bulalas pa ni Rosa na malamang na hinanap na ang account ni Marites bilang si ilang-kandila.


"Pwede ba, huwag kang masyadong maingay at nawawala ako sa konsentrasyon ko sa sinusulat ko! At saka umalis ka na nga at nakakaistorbo ka talaga!" masungit ko ng pagtaboy kay Rosa lalo pa at napapahanga siya ng kung anong meron sa account ni Marites.


"Sus! Nagma-maasim ka na naman agad, ante! Malay mo naman kung nagsisinungaling lang yang si Marites. Paano ka naman nakakasiguro na siya talaga itong peymus otor na sinasabi mo, aber? Nakita mo na ba si ilang-kandila? Hindi pa naman, hindi ba? Kaya naman kahit sino ay pwedeng magpanggap at sabihin na siya ang otor na iyon kasi wala naman nakakaalam ng tunay na siya sa mga readers niya o sa mga kapwa niyo pa mga manunulat. Napaka baduy nga naman niya kaya siguro nahihiya na magpakilala sa personal o kaya naman ay hindi talaga siya at nagpapanggap lang iyang si Marites!"


Napaisip naman ako sa naging pahayag ni Rosa. Kung tutuusin ay may punto siya. 

Wala pang nakakakita kung ano ba ang itsura ni ilang-kandila kaya maaaring nagpapanggap lang si Marites na nagkataon na mahilig magbasa ng mga romance stories online.


"Malay mo naman at followers siya lang siya ni ilang-kandila kaya para yabangan ka dahil sinabi mo sa kanya na isa kang writer kaya naman hindi siya nagpatalo at sinabi rin na nagsusulat din siya at hindi nagpakabog at lakas-loob pa na gamitin ang pangalan ng isang peymus na writer."

Tumango-tango ako.


"Kahit paano naman pala ay may silbi ang utak mo, Rosa," sabi ko kay Rosa na as usual ay kinakain na naman ang tira-tira kong sitsirya na malamang ay makunat na dahil kagabi ko pa mga kinain.



Sa itsura pa lang nga Marites na iyon ay hindi ko na masasabi na isa siyang magaling na writer gaya ng sinasabi niyang siya si ilang-kandila.

Mahirap naman manghusga pero kahusga-husga naman talaga siya sa panlabas na anyo pa lang.


Maaaring masugid lang siyang tagahanga ni ilang-kandila kaya niya kilala ang sikat na author na iyon.

"At saka, baka kaya rin niya alam ang tungkol sa contest ay baka sasali talaga ang tunay na ilang-kandila na dahil nga reader siya sa mga stories nito ay nasabi sa kanila." Dagdag pang sapantaha ni Rosa na napagtiyagaan talaga na langutin ang mga sitsirya na may langgam na rin.

Wala talagang patawad na pati ang mga maliliit na insekto ay inagawan pa ng makakain.




Napatango akong muli.

Ang alam ko kasi ay may kanya-kanya na talagang group chat o group page ang karamihan sa nga kilalang writers. At malamang na isa sa mga member si Marites sa group ni ilang-kandila na doon na a-update ng mga tungkol sa sinusulat niya.



"Makipag close ka kasi diyan kay Marites para mahuli mo talaga na nagsisinungaling lang siya at hindi talaga si ilang-kandila, Reyna. Pumasok sa bahay niya kapag niyaya ka niya at alamin mo kung totoo ba talaga na marunong siyang magsulat. Pagdating naman kasi sa kakayahan mong magsulat ay wala ka ng dapat patunayan sa galing mong humabi ng mga kwento!" biglang tawa pa ni Rosa na parang may nakakatawa talaga.



Sinamaan siya ng tingin sa akin dahil alam ko na kung ano ang kanyang ibig sabihin.


"Umalis ka na nga at dalhin mo ng lahat yang mga kinakain mo. At kung pwede ay huwag ka ng bumalik kahit sampung taon pa ang lumipas!" asik ko kay Rosa na nakangisi pa rin naman at hindi na tinatablan ng kahit na anong pang iinsulto ko sa kanya.



"Napaka sensitive mo naman, ante. Hindi ka na nasanay sa akin gayong totop lang din naman ang mga sinasabi ko, hindi ba? Akala mo siguro hindi nakarating sa akin ang tungkol kina Monching at Cherna ano? Grabe naman pala ang nangyari kay Cherna, Reyna! Basag daw talaga ang mukha dahil ilang beses na inuntog ni Monching sa pader ng bahay nila. Nagkalat pa nga raw ang sariwang dugo ni Cherna sa loob ng bahay nila nang pasukin ng barangay tanod para hulihin si Monching." Mga kwento na naman ni Rosa na ayoko ng marinig.

Ewan pero naiirita akong marinig ang kwento sa mag-asawang iyon.




"Bagay lang kay Cherna dahil malandi siya! May asawa na siyang tao ay nakukuha pa na makipagkita at makipag landian sa ibang lalaki!" asik ko na naman na pinagtatanggol ko ang sarili ko kahit si Rosa lang naman ang kausap ko.



Hindi ko talaga kasalanan na umabot na bugbugin siya ng asawa niya ng ganun ka grabe dahil sinabi ko lang naman ang nakita ko.



"Pero tapatin mo nga ako, Reyna. Totoo ba na nakita mong naghawak kamay, nagyakapan at naghalikan si Cherna at iyong lalaki na kausap niya o dinagdagan mo lang ang kwento mo?" usisa ni Rosa.




Nakita ko naman talaga si Cherna ang lalaki niya pero habang inaalala ko ang eksena ay pumikit na ako ng mga mata ng alalahanin kung may hawakan, yakapan at halikan ba akong nasaksihan.


"Silent means yes nga  ba ang tawag sa ganyan, Reyna? Hay, naku kang babae ka! Paano na lang kapag gumaling na si Cherna at balikan ka? O kaya naman ay si Monching na mahimasmasan sa nagawa niya lalo ngayon na nasa loob siya ng kulungan? Baka balikan ka nila at ikaw naman ang pagtulungan na bugbugin dahil ikaw ang pinagmulan ng balita?" mga tanong ni Rosa na halata naman na hindi nag-aalala bagkus ay nais na makita kong matatakot ba ako.

"Ano kung balikan nila ako? Totoo naman ang mga nakita ko at iyon ang totoo kaya ipaglalaban ko. At saka bakit sila nauwi sa bugbugan na malala kung hindi totoo? Malamang na napatunayan ni Monching na may lalaki talaga ang asawa niya kaya nabugbog niya!" giit ko pa.

Hindi sila aabot sa malalang pananakit sa isa't-isa kung hindi totoo ang mga nakita at nasabi ko.




"At talagang ipaglalaban mo talaga ang mga nakita mo, Reyna, ano? Sana ay hindi na makalabas pa ng kulungan si Monching o kaya ay maging baldado na si Cherna para hindi manganib ang buhay mo dahil talagang nakakatakot ang karma kapag bumalik sayo. Baka balatan ka ng buhay ng mag-asawang iyon kapag nagkataon. At sa pagkakataong iyon ay lahat ng mga taong naging kaaway dahil siniraan mo ay nagkakaisa hindi para magluksa kung hindi para pagtawanan ka!" bulalas na naman ni Rosa sabay ng nakakainis na halakhak.

Hindi ko talaga alam kung bakit patuloy ko pa rin na hinahayaan na maglabas-pasok sa pamamahay naming itong babaeng ito gayong bukod patay gutom na ay hindi mo pa alam kung kanino kampi dahil sa balimbing na pag-uugali.




Ang Bulong ni MaritesWhere stories live. Discover now