Kabanata 14

1.7K 40 0
                                    

Kinaumagahan,

Nagising ako na wala na akong katabi. I expected it naman. Nag inat pa ako bago bumaba sa kama at tinungo ang bathroom dahil kasi ganito talaga ang routine ko sa buhay. Dito man sa bahay nila Psalm o sa bahay namin ni Psalm. Buti na lang at wala akong makitang larawan ni AJ dito sa kwarto niya at kung mayro'n man hindi na talaga ako papasok dito sa kwarto ng iyo. Subukan niya lang talaga.

Masaya na ako no'ng may nangyari sa amin eh dahil nalamam kung ako pa rin pero paggising ko jusko! bumulaga sa akin lahat ng larawan nila ni AJ sa kwarto niya tapos sa sala pa. Nakakagalit at nakakaselos talaga. Anyways, tama na iyong mga larawan na nakita ko sa condo niya na puros si AJ ang object niya at wala na akong pakialam doon. Wag lang rito sa kwarto niya because I am comfortable here at andito lahat ng memories namin. So far, walang na bago sa kwarto tapos iyong mga larawan namin together no'ng mga bata pa kami ay nasa tamang ayos at lalagyan pa rin hanggang ngayon at hindi niya inalis.

"Good morning Babz!" masiglang bati ni Psalm sa akin. Tumango lang ako at hindi nag good morning too, sa kaniya. Alam kong ihahanda niya ang aking isusuot na uniform dahil iyon naman ang ginagawa niya kapag magkasama kami.

"Naka prepare na rin pala ang almusal Babz. Hintayin ka na lang namin sa dining area,"imporma niya sa akin.

"Okay," maikling sagot ko at binilisan na rin ang aking pagligo dahil ayaw ko naman paghintayin ang mga magulang niya.

Lumabas ako sa bathroom na wala na siya sa loob ng kwarto. Sinuot ko ang nakahandang uniform sa kama pagkatapos inayos ang buhok ko pati ang cap naihanda niya na rin. Kahit ganito ang pakikitungo ko sa kaniya wala kang maririnig dahil pinaparamdam talaga niya na mahal niya ako. She's a wife material. I appreciated her as my wife.

My Father had 4 golden star insignia. Pangarap ko rin maging gano'n kaya nga bata pa lang ako nagpupursige na ako dahil siya ang hinahangaan ko. Nung unang pagtungtong namin sa bahay sa Bachelor Homes at nakita ko siya sa malaking frame sa sala. I was amazed and I am proud that I am his son. Nawala talaga lahat ang tampo ko sa kaniya at sinabi ko sa aking sarili na maaabot ko rin ang apat na stars katulad niya. Ngumiti ako dahil ngayon ay kunti-kunti ko ng naabot ito without his help. Sympre! Kahit former General ang daddy ko hindi ako humihingi ng tulong upang tumaas lang ang ranko ko. I worked it hard dahil kailan naman talaga at hindi ko ginamit ang pagka-general niya. I have no backer because I worked it by myself. Mabagal man ang sistema pero umuusad. For now, I have one silver sampaguita at kapag pumunta ako sa Egypt baka pag uwe ko dito sa Pilipinas ay may dalawang sampaguita na ako na insignia.

Tama si daddy. Palagi niyang sinasabi sa amin na  work for your success. That's why I am working for it ayaw ko ng General help gusto ko pawis at talino ko para proud naman ako sa sarili ko at  ang mga anak ko sa hinaharap kapag pagbigyan ako ng nasa taas.

Bumaba ako sa hagdan habang hawak-hawak ko ang pershing cap ko at nagmadaling tinungo ang dining area. Nakita kong kompleto na sila sa hapagkainan at ako na  lang talaga ang hinihintay nila. Mabilis akong lumapit sa kanila at nagbigay muna ng halik sa asawa ko bago ako umupo sa tabi niya. Kumunot ang noo ko dahil busy siya sa pagtipa ng cell phone niya at iyan pa ang isang na pansin ko pag uwe ko galing schooling no'n kahit nasa hapagkainan dala-dala niya ang cell phone nito at every time na mag ring ang cell phone niya ay natataranta na siya.

"Good morning, daddy, mommy," bati ko sa kanila at humigop na ng  kape. Basta andito ako sa bahay nila Psalm ay prepare na ang lahat sa akin. Gano'n nila ako kamahal.

"Kumusta ang meeting mo kagabi, nak?" tanong ni dad kaya napatingin ako sa kaniya. Alam kung alam niya rin ang crisis sa Egypt ngayon dahil sa hospital niya kumuha ng medical team na sasama doon.

"I just planning to go to Egypt dad,"imporma ko.

"Tatlong buwan lang naman ako doon," segunda ko at nag simula nang kumain dahil kumakain na rin naman sila.

A Painful Mistake (BOOK 1)Where stories live. Discover now