DEAR READER 3

370 18 25
                                    

Dear readers,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dear readers,


Hi! 🤗


May mga readers pa kaya ako dito? Ang tagal ko rin kasing nawala, hindi nag-update, at nagparamdam. Kumusta na kayo? Wooooh... kinakabahan ako kahit hindi ko ito harap-harapan.


Sa totoo lang, di ko alam kung paano sisimulan 'to. I guess I'll start by apologizing first. Alam ko nasabi kong (kahit pa-joke lang) babalik ako pag natapos na ang "Ang Probinsyano" pero hanggang ngayon, wala pa rin update sa mga on-going/on-hold kong stories dito sa wattpad. Pa-extend na lang siguro? This time kapag natapos na yung anime na "One Piece". HAHAHAHA! 😂 Joke lang. Pero seryoso, sorry talaga sa mga avid readers and supporters ko na naghihintay at patuloy na naghihintay sa pagbabalik at pag-update ko ng mga fave stories nila.


Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung kailan talaga ako babalik sa pagsusulat dito sa wattpad. Mas nagfo-focus pa rin kasi ako hanggang ngayon sa mental health ko. Sa mga hindi kasi nakakaalam, talagang nag down ang mental health ko. Matagal na actually na may kakaiba akong nararamdaman sa sarili ko. Since 2016 pa pero nitong 2021 lang talaga ako tuluyang nag breakdown mentally, emotionally, and physically. Kaya kinailangan kong mag seek ng help sa isang professional. And hanggang ngayon patuloy pa rin ako sa pagpapa-therapy.


Paunti-unti namang bumabalik yung interest ko sa pagsusulat. May mga ideas pa nga akong naiisip para sa mga bagong stories na gusto kong isulat. Nai-inspire din akong i-edit/revamp yung mga natapos ko ng stories dito para ma-improve ang mga ito at dahil hindi rin ako satisfied sa kinalabasan ng iba sa mga stories ko. Nasimulan ko na rin ang pag-e-edit ng mga pictures/aesthetics na related sa mga stories ko. Hindi nga lang tuloy-tuloy lahat ng ito. Patigil-tigil din ako kapag nawawalan ako ng interest at bumabalik lang ulit ako sa ginagawa ko kapag ginaganahan ako at na-i-inspire. Ang hirap din sa totoo lang. Andun yung mga ideas pero hirap akong ma-put into words ang mga ito.


And sa totoo lang... inamin ko rin 'to sa therapist ko. Takot ako na baka hindi na kasing 'ganda' at satisfying ng mga nasulat ko dati ang mga maisusulat ko ngayon kung magsusulat nga ulit ako. Hindi na ito kasing funny or imaginative kagaya ng dati.


But I'm still trying. I will still try my best.


Hindi nga lang ngayon. Pakiramdam ko kasi, na-suck lahat ng positiveness sa sarili ko when my first ever fur baby died. Ngayong October lang din ito nangyari. And ever since nawala siya, I've felt so empty. I feel uninspired to do anything. Ni wala sa isipan ko ngayon ang pagsusulat. Pero naisip ko na I owe you an explanation kung bakit ang tagal kong nawala and kung bakit magpahanggang sa ngayon nga ay hindi pa rin ako bumabalik. Lalo na sa mga loyal readers ko na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ng update mula sa 'kin.


I'M REALLY SORRY. 🙇‍♀️


But I also want to say THANK YOU. 💜


Thank you sa mga readers na patuloy na nagbabasa sa mga stories ko and patuloy na sumusuporta sa 'kin. Hindi ko man nababasa at nakikita ang mga good feedbacks/comments ninyo sa 'kin at sa mga gawa ko, maging ang mga votes ninyo, pero gusto ko pa rin magpasalamat. THANK YOU SO MUCH for your continuous support. Sa mga readers din na nag-follow, nagfa-follow, and magfa-follow palang sa 'kin, THANK YOU rin sa inyo. Wala na akong iba pang masabi sa inyong lahat kundi THANK YOU, THANK YOU, and THANK YOU.


Anyways... ibigay na muna ninyo ito sa 'kin para mag rest at magpagaling. Hindi rin kasi ako makakapagsulat ng magandang stories para sa inyo sa kalagayan ko ngayon. And gusto ko na yung kwentong nababasa ninyo ay yung napag-isipan ko talaga. Gusto kong ibigay yung "THE BEST" ko para sa inyo at sa gawa ko.


So... iyon po. Sana po maintindihan ninyo kung bakit hindi pa rin ako bumabalik dito sa wattpad.


Once again. THANK YOU. I'M SORRY. AND I HOPE YOU UNDERSTAND MY SITUATION.


I LOVE YOU ALL TO THE MOON AND BACK! 💜


*Dedicate ko po yung kantang nasa taas para sa inyo. Lalo na sa mga kagaya ko na kasalukuyang may pinagdadaanan ngayon sa buhay. Super naka-relate po talaga ako sa kantang ito and baka kayo rin po kaya gusto ko lang i-share.

 Super naka-relate po talaga ako sa kantang ito and baka kayo rin po kaya gusto ko lang i-share

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(P.S sa mga haters: Wag na po kayong magsayang ng oras na mag-iwan ng hate comments diyan. Di ko rin po nababasa. Sayang lang po sa time and effort ninyo. Exit ninyo na lang po yung story ko and mag THANK YOU, NEXT na lang po tayo. Wala pong pumipilit sa inyo na basahin yung gawa ko kung hindi ninyo gusto at hindi yun ang taste ninyo. Wag po tayong maging hater dahil lang sa gusto at kaya natin. Let's all be kind to one another na lang po.)

)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.









Dear READERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon