Kabanata 17

1.6K 43 0
                                    

TUNOG ng cell phone ang nagpagising sa akin kaya mabilis ko itong kinuha agad at sinagot.

"Hello," mahinang sagot ko sa tawag dahil pumuti na'ng mga mata ko sa kahihintay sa asawa ko pero hindi talaga siya umuwe hanggang sa nakatulog na ako.

Nagtatampo ako at nagseselos talaga ako kapag sa hospital because see, I know she love me pero hindi ako ang priority. Alam ko naman na busy ang mga doctor dahil may mga sinumpaan sila sa trabaho pero hindi naman pwede na hindi na siya umuuwe. May mga time naman ang ibang doctor na wala silang duty at nakakauwe pa nga sa mga pamilya nila iyong iba hindi na nanatili sa hospital pero si Princess simula nang dumating ako galing sa schooling halos nasa hospital lang ang atensyon at parang natatakot sa akin.

"Hello?" seryosong sabi ko ng hindi siya sumagot. Tumingin ako sa orasan ng makita ko saktong alas singko na pala ng umaga.

"Hindi ako makakapunta sa Assimbly Babz," daritsong sabi niya. She's tired naramdaman ko dahil pagod ang boses niya at halatang hindi naman nakatulog.

" Sorry Babz, "seryosong sabi niya at nagbuga ng hangin.

" Ate?"

"Ate Princess!?" rinig kong tawag ng kapatid niya. Napagtanto ko na busy talaga siya dahil pati ang kapatid niya ando'n rin kaya nawala ang tampo ko at hindi na ako magtataka baka ang mga magulang niya ando'n din sa hospital.

"Okay Babz. I understand..."

"WALA NAMAN HEART BEAT!" sigaw ng kapatid niya kaya kumunot ang noo ko. Hindi ko alam pero bigla rin bumilis ang tibok ng puso ko at bigla rin akong kinabahan. Iyong kabang mahirap nang huminga dahil sumisikip na ang dibdib ko. Huminga ako ng malalim dahil iwan ko ba, bakit biglang ganito naman ang pakiramdam ko.

"JESUS!" tarantang sigaw rin ni Princess Psalm at parang nagkagulo na sa hospital dahil sa sigaw ni PJ.

" Mamamatay na ba si Aaron?" gulat na tanong ko hindi ko rin alam kung bakit natanong ko rin ang gano'n. Oo, bitter ako kay Aaron pero hindi ko panalangin na mamatay na siya dahil hindi ako gano'n.

Wala nang sumagot sa akin at naririnig ko na lang iyong mga takbo at parang nakalimutan na rin atang ni Princess na katawag niya pa ako dahil feeling ko iniwan na lang niya ako sa ere.

"Hello?"sabi ko.

"Babz?" tawag ko sa kaniya.

"Hello Psalm?"

"Princess Psalm!" tawag ko nang paulit-ulit.

"Baby what happen?" tanong ko pero hindi na siya sumasagot sa akin. Huminga ako ng malalim at pinatay na lang din ang tawag at bumangon bago tinungo ang bathroom upang maligo.

Naalala kong maaga pa pala ako pupunta sa camp dahil marami pa kaming aayusin at asikasohin para sa  ngayon araw kaya.

Paalis  na ako ng bahay nang maisipan kong dumaan muna sa fast food chain para bumili ng pagkain para sa asawa ko. Nag drive tru ako para mabilis. Hindi ko alam pero gusto kong puntahan ang asawa ko sa hospital bago ako pupunta sa duty ko.

"Isang Family super meal B po," sabi ko sa nag-aassist sa akin. Ngumiti siya sa akin kaya tumango naman ako.

"It's 799 po sir, "sabi niya kaya kumuha ako ng pera sa wallet ko at binigay ang isang libo.

"Keep the change. Godbless you! "ngiting wika ko dahil minsan lang naman kami magdrive tru. Ayaw kasi ni daddy no'n na puro Jolibee ang kinakain namin pero ang mommy kasi favorite niya masiyado nito kaya minsan tumakatas siya para lang makakain. My dad is very maarte sa pagkain lalo na kapag fast food chain.

"Thank you sir, " masiglang sagot niya naman at inabot ang order ko. Isa-isa kong inayus muna ito bago ko sinirado ang window ng sa sasakyan ko at pinatakbo na ito papuntang hospital.

A Painful Mistake (BOOK 1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat