Kabanata 18

1.6K 43 3
                                    

PAGKARATING ko sa bahay ay mabilis akong pumasok sa loob at patakbong umakyat sa taas papunta sa kwarto ko. Nakasalubong ko ang kakambal kong si Liesha pero hindi ko siya pinansin kasi wala ako sa mood magpaliwanag sa kaniya kaya ilampasan ko lang siya at pumasok sa aking kwarto.

"Kuya!" rinig kong tawag ni Liesha kasama ang pagkatok niya sa pinto ko.

"Leave me alone!" sigaw ko.

"This room," bulaslas ko. Ito lang naman iyong kwartong nakasaksi lahat ng sakit na dulot ni Princess sa akin simula pagkabata ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa unan at umiyak ng umiyak. Lalake ako pero mababaw ang luha ko pagdating sa mga mahalaga ko sa buhay ko lalo na siya.

Naramdaman kung lumubog ang bandang gawi ko at may humaplos sa buhok ko pero hinayaan ko lang dahil gusto kong ibuhos sa iyak ang sakit na naramdaman ko.

"Bakit ang sakit na naman?!" tanong ko habang umiiyak.

"B-Bakit ganito?" Iyak ko.

"A-Akala ko ba okay na. Akala sapat na ako no'ng naging asawa ko siya pero bakit?" tanong ko.

"Bakit puros na lang si Aaron?"

"Bakit mommy? Bakit anong mayro'n kay Aaron na wala sa akin?" sunod-sunod na tanong ko at tumingala sa kaniya. Nagbuntong hininga ang mommy ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Aaron is a good son anak,"sagot niya sa akin.

" Aaron is a good friend too,"sabi niya pa habang hinahaplos ang ulo ko pero umiling ako.

"But Aaron destroy my heart. Aaron destroy my marriage. Aaron destroy everything of me!"

"Paano naman ako, mommy?" Iyak na tanong ko rin pero umiling ang mommy ko.

" Hey, calm down, son."

"Aaron Job, love you so much pero hindi mo iyon nakikita dahil sa maling nararamdaman mo para sa kaniya dahil..."

"Kinakampihan mo si Aaron, mommy?!" matigas na tanong ko at hindi pinatapos ang sasabihin niya pero umiling siya. Bumangon ako at inayos ang sarili ko dahil kailangan ko pang pumunta sa camp. Ngayon kasi ang assembly namin.

"Son listen to me," sabi niya.

"You and your wife need to talk heartedly," sabi niya sa akin.

"Kailangan niyo ng communication na anak. Dahil kayong dalawa ang may problema. Hindi si Aaron, hindi ang hospital, hindi ang profession niyo hindi si AZ, "paliwanag niya.

"Mc Llishan just open your eyes. Wag kang magbulag-bulagan anak dahil wala sa nabanggit ang dahilan. Naiintindihan mo ba iyon anak?" tanong niya.

"Kayo lang dalawa ang makakasolve ng problem niyo sa isa't-isa dahil mag-asawa na kayo. Bigyan mo ng panahon at oras ang pagmamahalan niyo dahil important ito sa mag-asawa."

"There's a lot of fault or mistake to you and your wife also, son. You need to talk dahil nahihiya na ang asawa mo at isa pa hanggang ngayon dala-dala niya pa rin ang kasalanan na alam niya na she ruin your relationship with AZ. Ipaliwanag mo sa kaniya, magpakatotoo kayo sa sarili niyo dahil mas mahirap ang ganitong binibigyan mo ng kasalanan si Aaron dahil lang siya ang dahilan ng lahat."

"Si Aaron naman talaga ang dahilan ng lahat, "sagot ko rin dahil totoo naman. Kung hindi siya dumating masaya siguro sana kami ni Psalm ngayon.

"Walang kasalanan si Aaron anak. Ako na ang nagsasabi sa iyo dahil mahal ka ni Aaron bilang isang kapatid pero hindi mo iyon nakikita dahil simula bata ka may trust issue kana kay Aaron."

"Inagaw nila ang daddy noon mommy!" diin kong sabi.

"Kaya hindi mo ako mapipilit dahil sila ng nanay niya ang nagsimula kung bakit wala akong tiwala sa kanila!" sigaw ko.

"Anak," tawag sa akin ni mommy tapos nagbuntong hininga lang siya at tumitig sa akin bago umiling.

"Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na dapat magpasalamat tayo kila Aaron dahil inalagaan nila ang daddy mo noong nawala siya sa atin," paliwanag niya.

"Inalagaan?" tawang tanong ko sa kaniya at umiwas ng tingin.

"O, inagaw katulad sa ginagawa niya sa asawa ko?" tanong ko pero umiling siya.

"Ang tigas  na ng puso mo kay Aaron  anak pero sana maisip mong dahil sa kanila naging buo tayong pamilya," pagpipilit ni mommy pero ako ang umiling.

"Kung iyon ang motibo nila nung nakita nila ang daddy ko sana binalik nila ito sa atin pero hindi mommy. Inangkin nila si daddy na maging asawa ng nanay niya at gawin tatay ni Aaron at sana hindi kami lumaki ni Liesha na walang ama at idi sana hindi ko narinig na hindi tayo pinili dahil sila ang pamilya!" galit kong sabi.

" Sige nga mommy? sabihin mo sa akin, " hamon ko sa akin ina.

"Worth it ba nabigyan ko sila ng pagkakataon?" tanong ko.

"Sinamantala nila ang pagkawala ng alaala ng daddy ko. Inangkin nila ang daddy ko at sila ang naging pamily..."

"Hindi totoo iyan!" sabat ni daddy. Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na pala ang daddy sa kwarto ko.

"Daddy," bulaslas ko at yumuko.

"Tinulongan nila ako noon kaya tinulongan ko rin sila. Wala akong maalala no'ng gumising ako pero alam kung may kulang sa pagkatao ko. Son, walang s*xual intercourse or spark connection ang nangyari sa amin ng nanay ni Aaron dahil ramdam ko mismo sa sarili ko kahit wala akong maalala,"

"Oo, Nahuli ako noon pero hindi ko sila pinili bilang pamilya ko dahil binalikan ko ang mommy mo nung naghintay siya sa akin sa mismong lugar kung saan siya naghihintay pero hindi ko siya naabotan doon. At noong bumalik naman ang alaala ko ay hindi ako nakauwe agad dahil kailangan ni Aaron ng tulong ko at isa pa wala akong contact sa inyo kundi sa police station pa ng bayan ako humingi ng tulong malayo pa sa isla  kaya natagalan ako at ang mga uncle mo pa no'n ang sumundo sa akin."

" Wala akong naging kasalanan sa mommy mo, Mc Llishan. Hindi ako nangaliwa at hindi ako nagtaksil kahit wala akong maalala no'n alam ko sa sarili kong my kulang sa pagkatao ko at kayo iyon. I respect our marriage dahil inalagaan ko ang mommy mo simula no'ng iniwan siya sa akin. Sinubok man kami ng tadhana pero malinis ang konsensya ko na wala akong naging kasalanan sa mommy mo."

"Ang kasalanan ko lang ay nahiwalay kayo sa akin ng limang taon. Lumaki kayo na wala ako sa tabi niyo pero bumawi ang daddy diba? Bumawi ako no'ng nahanap ko na kayo pero malayo ka sa akin," tawang sabi niya at nag bow.

"Kaya walang kinalaman ang nakaraan namin sa problema mo anak dahil kayo ang may problema ng asawa mo," sabi niya.

"Please,  son?" paki-usap niya sa akin.

"Find yourself  but talk your wife first at kung ano man ang pinag usapan or decision between you and her just absorb and process it dahil kailangan niyong e - apply ang matutonan niyo sa buhay to progress your life, your family soon."

"Just fallow the system of life. Talk, Absorb, Process, Apply and Progress," makahulugan niyang sabi.

"Habang maaga pa ayusin mo muna ang pamilya mo anak bago ka susulong sa gera baka pag-uwe mo wala na ang lahat sa iyo, " huling sabi niya at iniwan na kami ni mommy pero naramdaman ko ang yakap ni mommy sa akin bago siya sumunod sa daddy ko. Nagbuga ako ng hangin dahil mahal na mahal ko talaga sila kasi sila lang ang word of wisdom ko pero nagtatampo pa rin ako kay daddy dahil nawala siya sa amin noon.

"Thank you, mom!" ngiting sabi ko at kumindat pa sa kaniya dahil sumunod rin ako.

"See you later," sabi ko pa.

"Ayusin mo ang buhay mo Mc Llishan kundi bala ng baril ko ang tatama sa'yo!"sita niya sa akin kaya tumawa lang ako. Nakita ko si daddy na nakatayo lang sa pinto ng main door at alam kong hinihintay niya ako.

" I love you daddy."

"I love you too," sagot niya sa akin. Patakbo akong lumapit sa kaniya at yumakap ako ng mahigpit bago tinungo ang sasakyan ko at pinatakbo ito papuntang camp.

Buo na ang decision kong ayusin muna ang marriage ko bago ako aalis papuntang Egypt. Taposin ko muna ang assembly at bukas kakausapin ang asawa ko upang maayos namin ang isa't-isa at para hindi ganito na sasaktan ako ng subra lalo na kay Aaron at sa nakaraan.

Tama kasi ang mommy ko kami lang rin naman dalawa ang nahihirapan at kung ano man ang kahahantongan nito bukas ay bahala na si batman.

A Painful Mistake (BOOK 1)Where stories live. Discover now